Chapter 45

332 6 6
                                    

Bakit ba? –ano bang nangyari sayo? –tanong ni Baldo habang naglalakad papunta sa labas ng pinto –nang matigil ito sa paghakbang nang makita kung sino ang mga kasama ng asawa –matagal nyang tinitigan ang mga ito –palipat-lipat ang kanyang tingin sa tatlo

Baldo –untag ni Cora sa asawa –ngunit hindi paman natapos ang kanyang sasabihin ng mabilis itong humakbang at nilagpasan lang sila –anak pumasok na muna kayo kaausapin ko lang ang tatay mo

Hindi na Nay ako na ang kakausap kay Tatay

Pero anak baka hindi pa handa ang ama mong kausapin ka ako nalang muna

Kailangan Nay kung hindi nya talaga ako mapatawad sana man lang si Adrian nalang ang tangapin nya

Sige ikaw bahala –at pinapapasok nalang nya sina Slater at Adrian

Habang papalapit si Tin sa kinalululan ng ama –sinusundan lang ito ng tingin ni Slater –habang giliw na giliw naman si Cora sa kakayakap at halik sa apo –panay ang kwento ni Adrian sa kanyang lola –at hindi maiwasan ni Cora ang maiyak sa tuwing maalala kung paano sya napalaki ng Christine na napakabuting bata –alam nyang hirap na hirap ang anak sa mga panahong iyon –na dapat sana na tinutulungan nila naturingan silang mga magulang nito –pero tinakwil pa nila ito

Lola why are crying? –tanong ni Adrian dito na nakapagpabalik sa kanya sa tamang hwesyo

Walang kaso to apo –masaya lang ang lola at sa wakas nakita na rin kita –kapapanganak palang sayo ng Mama mo ng huli kitang makita –ngayon ang laki mo na at ang gwapo pa

Matalino din yan Nay- dugtong ni Slater sa pag puri nito sa anak

Apo patawarin mo ang lola at lolo ha kung hindi ka namin naalagaan nung bata ka

Ok lang po yun lola sabi naman kasi ni Mama busy daw kayo

Oh ang apo ko –hindi na napigil ni Cora ang mga luhang kanina pa gustong magwala –bigla nalang itong humagolgol at niyakap ng mahigpit ang apo

Tay –untay ni Tin sa ama ng tuluyan na itong makalapit

Bakit kayo nandito? –anong kailangan nyo? –hindi ba sinabi sayo ng magaling mong asawa na sinabihan kung hwag nang magpakita muli dito? –saad ni Baldo sa mababang tono pero halatang galit ang boses

Tay alam ko pong hindi nyo kami mapapatawad ni Slater –kung papaalisin nyo kami agad wala po kaming magagawa –pero makiki-usap sana ako Tay na kung pwedi ilabas mo si Adrian sa galit mo sa amin –gustong gusto nya kasi kayong makilala –ayaw ko na sanang guluhin pa kayo ni Nanay pero naawa ako sa anak ko Tay –taon taon nalang sa twing birthday nya yun ang lage nyang hiling –na sana makita at makilala din nya kayo katulad ng pagkakilala nya sa mga magulang ni Slater

Hindi kumibo si Baldo pero alam ni Tin na nakikinig ang ama sa lahat ng sinabi nya –kaya nagpatuloy lang sya –Tay sorry po talaga –hindi ko po talaga intension na saktan kayo ni Nanay ng ganito –alam kung naghirap din kayo ni Nanay dahil sa nangyari sa akin –pero Tay ok na kami ni Slater –bumuo na kami -ang sarili naming pamilya –at nangako sya sa akin –sa amin ni Adrian Tay na hindi na sya kailanman mawawala pa sa amin –hindi na rin na pigil ni Tin ang pagdaloy ng kanyang mga luha

Yun naman pala e may sarili na kayong masayang pamilya –bakit kailangan nyo pang magpakita sa amin –pagkasabi noon ay tumayo na si Baldo at naglakad palabas ng kanilang bakod –kaya wala nang nagawa si Tin kundi ang bumalik sa loob ng bahay

My Beautiful FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon