Kabanata 1

206 5 4
                                    

KABANATA 1

Wake me up



Muli kong ipinikit ang mga mata ko kasabay ng pagtulo ng aking luha. Naririnig ko na naman ang mga paghihinagpis nila. Ang mga pagmamaka-awa nila. Ang kanilang mga iyak at hagulhol. Ang mga sigaw nilang punong-puno ng sakit. Sa pagpikit ko sa nakita ko ang isang mundong ibang-iba sa mundo ng mga tao. Mundong punong-puno ng pananakit, pagdurusa at madugong kapaligiran. Kitang-kita ko ang pananakit ng mga hindi ko alam kung anong klaseng nilalang na iyon ang mga tao. Napansin kong puro apoy sa kapaligiran. Isang malawak na lugar  na puro bato, at nakikita ko mula sa malayo ang isang malaking palasyo. Nakakatakot. Bukod sa kanilang paghihinagpis ay naririnig ko ang mga mala-demonyong tawa ng mga nagpaparusa. Tuwang-tuwa silang nakikitang nasasaktan ang mga ito. Tuwang-tuwa silang makakita ng dumadanak na dugo't laman-loob. Sabik na sabik sila rito.

Muli akong namulat at pagdilat ko'y nasa loob ako ng isang malaking kwarto. Tanging ang malaking kama, at isang lumang tukador lang ang nandoon. Sobrang dumi ng kwarto at halatang walang gumagamit. Ang baho.. ang sangsang ng amoy. Amoy patay na daga.

Nilibot ko ang kwarto at napadpad sa harap ng maalikabok na tukador. Dito nagmumula ang mabahong amoy. Tinitigan ko muna ito at sinuri. Napaka-luma ng disenyo. Nakita ko ang hawakan at nagdalawang isip kung bubuksan ko ba ito o hindi. Napalunok ako at inangat ang kamay. Dahan-dahan kong hinawakan ito at binuksan. Bigla akong napa-atras at napa-upo sa maalikabok na sahig ng matagpuan ko ang isang bangkay. Sariwang-sariwa pa ang mga butas nito sa katawan na pinapasukan pa ng mga insekto't bulate. Diring-diri ako sa aking nakikita. Nakakanganga ang bangkay at may daga sa bibig nito. Nawawala ang magkapares niyang mata. Nangingitim na rin ang kanyang mukha at mga sulok-sulokan nito. Tapyas ang tenga at mga braso. Ang isang binti nito'y durog na durog. Kitang-kita ko ang mga sariwang laman nito. Ang mga insektong kinakain ang laman niya. Wakwak ang kanyang tiyan at nakalabas ang mga bituka nito. Nakakatakot. Nakakadiri ito. Nakakasuka.

Nakarinig ako ng isang tinig. Isang hagakhak... ng isang demonyo. Nakakapanindig-balahibo ang pagtawa nito. Nagpalinga-linga ako sa paligid ng kwarto ngunit ako lamang mag-isa rito. Walang katao-tao. Nasaan siya? Sino 'yon? Bakit hindi ko siya makita?

"Hindi ka makakatakas! Dito ka lang hanggang sa huli! Hindi ko hahayaang makatakas ka sa 'kin!"

Napa-awang ang bibig ko sa kanyang sinabi. Anong ibig niyang sabihin? Hindi ako makakataas sa kanya? Sino ba itong nagsasalita?

Unti-unting lumalakas ang hagakhak nito.. palakas ng palakas. Ang sakit sa tenga. Nakakabingi. Tinakpan ko ang magkabila kong tenga at ipinikit ang mata.

Kasabay noo'y nawala ang kanyang tawa. Muling tumahimik ang lugar. Tanging ang ingay lang ng mga insekto mula sa tukador ang tanging naririnig ko.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko att nagtaka kung bakit nasa ibang lugar na naman ako. Naramdaman ko ang lambot ng aking kama. Iginala ko ang paningin ko. Na-upo ako't tiningnan ang lugar. Ito ang aking kwarto.

Paano ako nakabalik rito ng ganun kadali? Sa isang pikit ko lang ay nagbago na agad ang kinaroroonan ko. Sa isang pikit ko lang ay nagbabago ang mga napupuntahan kong lugar. Ano bang nangyayari?

Lumabas ako sa kwarto ko. Bakit sobrang tahimik ng bahay? Wala akong nakikitang nagkukulitan sa sala. Nasaan ang mga kapatid ko? Sina Mama at Papa? Bumaba ako sa hagdan at nagtungo sa sala.

"Ma? Pa?" Saad ko. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Walang sumasagot. Nakakapagtakang rinig na rinig ko ang pag-echo ng boses ko sa buong bahay. Ang dilim. Nagtungo ako sa switch ng sala ngunit hindi nabubuksan ang ilaw, "Kuya Lexis! Val! Nasaan kayo?!" Sigaw ko.

How to Escape from the Demon World?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon