Simula
“Kung mahal mo talaga ako, bakit mo ako iniwan ng walang paalam? At bakit ngayon ka lang? Kung kailan nahanap ko na ang taong nagpapahalaga sa akin?”
Napatigil sa pagtipa sa kaniyang keyboard si Mia. Muli niyang binasa ang mga salitang binuo niya. At tila siya ay natamaan sa mga salitang iyon.
Alas-singko y medya siya ng magsimulang magtipa ng mga salitang inilalagay niya sa kaniyang nobela. Nang mapadako ang kaniyang tingin sa wall clock, mag-a-alas diyes na ng gabi.
Madalas, mabilis lang para sa kaniya ang gumawa ng isang buong kabanata. Isa o dalawang oras lang inaabot iyon. Pero ngayon, panay siyang tigil sa pagtipa.
Hindi siya makapag-focus dahil sa taong umu-okupa sa kaniyang isipan. Ilang araw na itong nag-ka-camping sa kaniyang utak, simula noong araw na makita niya ito sa entertainment news.
May deadline ang nobela niya, dapat ay kahapon pa niya iyon natapos pero hindi niya mawakasan. Pakiramdam niya nga ay pinipilit na lang niya ang sariling tapusin iyon.
Nag-ring ng ringtone ng kaniyang cell phone. Nang makita niya ang caller, hindi niya iyon sinagot. Kasunod ng tawag ay isang text message.
Editor:
Answer the call, Mia. Please. I need your update.Ilang araw na rin siyang kinukulit ng kaniyang editor pero hindi niya ito pinapansin. Kahit nga binubulabog na siya nito sa kaniyang apartment, wala pa rin siyang response sa pangungulit nito.
Imbes na ituloy pa ni Mia ang ginagawa, pinatay na lang niya ang laptop at tumayo na. Nagtungo siya sa fridge para kumuha ng maiinom na tubig.
Nang maubos na niya ang tubig sa baso. Ibinalik niya ang pitsel sa fridge. Pagkatapos ay pinatay niya ang lahat ng ilaw niya.
Nagdesisyon siyang matutulog na lang. Bago iyon, inayos niya muna ang nagkalat niyang mga gamit sa isang tabi. Sinabi niya sa sariling bukas ay talagang tatapusin na niya ang novel na ginagawa.
Nagawa naman niya iyon. Tatlong araw ang nakalipas, tuluyan na niyang natapos ang kaniyang akda.
Isang batok ang nakuha niya sa kaniyang editor nang magpakita na siya rito. Nagpunta kasi siya sa company ng publishing house na kumupkop sa kaniya.
“Ang sakit mo sa ulo, Mia! Mabuti naman at naisipan mo nang magpakita sa akin?” iritadong saad ng kaniyang editor na si Carol.
Kumamot muna sa kaniyang ulo si Mia bago ito nag-peace sign. Hinawakan niya rin ang braso ni Carol. “Sorry na, Ka. Naubusan lang talaga ako ng creative juices. Kaya nag-awol ako. Hehehe.”
“‘Tse! Bakit kasi hindi mo na lang aminin na ang dahilan ng hindi mo pagpaparamdam ay dahil sa KANIYA?” In-emphasize pa talaga ni Carol ang salitang kaniya.
“Hmp! Ewan ko sa ‘yo, Ka. Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“Sus! Maang-maangan ka pa. Don’t try to lie to me, Mia. Years of working with you, I already know you too well. Siya lang naman ang pwedeng magpawala sa iyo sa sarili noh!”
“Grabe siya. Basta, sinend ko na sa ‘yo iyong manuscript ko. Alis na ako. Bye!”
Nakipag-beso-beso muna si Mia kay Carol bago siya tuluyang umalis sa cubicle nito. Nag-wave rin siya sa mga kasamahan ni Carol sa opisina bago siya tuluyang lumakad paalis.
“Ingat ka! Baka madapa ka. Walang sasalo sa iyo. Nasa New York daw ngayon, eh.” Malakas na sigaw ni Carol. Kaya naman ng nilingon niya ito, isang masamang tingin ang ibinigay niya sa dalaga.
Tinawanan lang siya nito kaya naman tinalikuran na niya ito. Gusto niya sanang magbigay rito ng middle finger pero unprofessional na iyon dahil nasa opisina si Carol kahit na sabihing super close naman sila ni Carol.
BINABASA MO ANG
CDS 1: Unwritten Serenade of Love
RomanceUnwritten Serenade of Love CHASING DREAMS SERIES COLLABORATION #1 Genre: Romance Status: COMPLETE Mia Vella Hernandez, a hopeful writer, yearns for fame in her craft. She often considered giving up, but then, her dream unexpectedly takes flight. Me...