Chapter 16

244 5 0
                                    

Chapter 16

Having someone being by your side is an indescribable feeling. It was like you were in a paradise because all you feel is happiness and excitement. Iyon ang nararamdaman nila Mia at Luis nang aminin nila sa isa’t-isa ang kanilang nararamdaman.

Two days after Mia’s visit in the hospital, Luis texted Mia to ask her to have a meet-up with him in the park near the hospital. Pumayag naman si Mia kaya hinintay ni Luis ang pagdating ng dalaga roon.

Nang magkasama na sila, tinatantiya na muna ni Luis si Mia. He was so scared that he might end up losing Mia if he finally confessed. Pero sabi nga, kung walang gagawin na hakbang, hindi rin naman malalaman kung ano ang magiging resulta sa kinakatakutan.

“Mia, I know that this place is not so romantic. Pero sana kahit ganoon. You’ll realize the feelings I have for you. I . . . like you, Mia. No, I mean, my feelings for you are so strong. I’m falling for you. But I understand if our feelings are not mutual.”

Nakatitig pa rin ng mariin si Luis kay Mia, hindi niya pinuputol ang titig dahil gusto niyang iparating sa binata na totoo ang sinasabi niya. Na hindi siya nagbibiro sa sinabi niyang iyon. Nabigla man si Mia sa naging confession ni Luis, hindi niya maikakaila na ang saya ng puso niya.

Hindi niya inaasahan na masusuklian ang pagtingin na mayroon siya para sa binata. Noong una ay paghanga lang talaga ang nararamdaman niya para rito. Isang taong ginawa niyang inspirasyon para makaramdam siya ng kahit kaunting kilig sa katawan. Pero habang tumatagal na nakakasama at nakakausap niya ang binata, umusbong din lalo ang damdamin niya.

Bumuntonghininga si Luis. Umiwas siya ng tingin bago muling ibinalik ang tingin niya kay Mia. “Mia, I hope that we’ll still continue our friendship. Hindi ko naman balak na itali at pilitin ka para magustuhan din ako pabalik. Magiging sapat na para sa akin ang pagkakaibigan.”

Tumikhim na muna si Mia bago niya sinabi sa binata kung ano nga ba ang nararamdaman niya.

“Hindi naman mababawasan ang pagkakaibigan natin, Luis. Kahit na pareho ang isinisigaw ng puso natin, ‘di ba? Gusto rin kita, Luis. I’m falling for you, too.”

Nanlaki ang mga mata ni Luis at bigla na lang itong tumayo. Nagtatalon ito bigla at sumigaw na parang siya lang ang tao sa paligid.

“Shit! Shit! She likes me, too! Gusto niya rin ako.”

“Mia likes me, too. Gusto ako ni Mia!”

Tumayo na rin si Mia na natatawa. Pinigilan niya ang binatang tuwang-tuwa sa sinabi niya. Nagulat sandali si Mia dahil bigla siyang niyakap ng binata.

“Thank you, Mia. Liligawan kita. I’ll court you until you say yes to my courtship. Kahit abutin pa iyan ng ten thousand years, okay lang sa akin. Ikaw na iyan, eh. Aangal pa ba ako?”

Hindi napigilan ni Mia na hindi matawa sa sinasabi ni Luis. Mahina niya tuloy itong hinampas sa braso na agad din naman niyang pinagsisihan. Paano kasi ay ang tigas niyon. Hindi niya alam kung nagpupunta ba sa gym si Luis o ganoon na talaga ang katawan nito.

“Sira ka. Paano mo naman nasabi na aabutin ka ng ganiyan katagal na years sa panliligaw?”

Hindi rin mapigilan ni Mia na hindi singhot-singhutin ang amoy ni Luis. Amoy expensive kasi ang gamit nitong pabango. Iyong bang pabango na panlalaki ito. Nakakaadik iyon na amoy-amuyin. Hindi naman din kasi siya nahihirapan na amuyin ang binata dahil makayakap pa rin silang dalawa.

“I just guessed it, Mia. Hindi ko hawak ang oras at lahat ng bagay sa mundo. But all I know is that, I’m falling for you and as long as my heart is shouting for your name, I won’t leave.”

Wala naman talagang kasiguraduhan ang mundo pero gustong sumugal ni Mia. Tingin niya kasi at pakiramdam niya, worth it subukan na mahalin si Luis. “Sabay nating abutin ang mga pangarap natin, Mia. Sabay nating abutin ang mga talang nagniningning.”

“Sige, Luis. Payag ako sa gusto mo.”

Para sa kanilang dalawa, iyon na ata ang isa sa pinakamasayang highlight ng buhay nila. Wala man silang karanasan pa sa tinatawag ng ilan na pagibig pero alam nilang may umuusbong na pagibig sa pagitan nilang dalawa.

Nagtagal ang yakapan ng dalawa pagkatapos niyon ay bumitiw na sila. Nagpakita na muna si Mia sa mga magulang ni Luis bago siya bumiyahe papuntang CozyCorner.

Sa araw rin na iyon, hindi tumigil sa kakatanong si Cecil sa kaniya. Kinulit siya ng kinulit nito hanggang sa sinabi na ni Mia kung ano nga ba ang nangyari sa naging pag-uusap nila ni Luis.

“Ito naman. Para namang hindi mo ako kaibigan, Mia. Sige na nga kasi. Spill the tea na, mare.”

Nagpupunas siya ng mesa habang si Cecil naman ay may hawak na tray pero wala na iyong laman. Naibigay na kasi nito sa customer na kailangan niyang bigyan. “Mia, huwag ka na magpa-overthink diyan. I-share mo na iyan.”

Natatawang tumigil si Mia sa ginagawa at hinarap si Cecil. Hindi naman dagsa sa araw na iyon kaya walang gaanong tao. Kaya naman sinabi na ni Mia ang nangyari.
Hindi inaasahan ni Mia na mapapanganga si Cecil sa sinabi niyang iyon. “Woi, Cecil! Baka pasukan ng langaw iyang bibig mo. Para namang hindi ka naniniwala sa sinabi ko.”

“Oo na, alam kong writer ako pero hindi ko naman imagination ang sinabi ko, okay? I’m telling you the truth. Luis really confessed to me. And I told him my feelings, too.”

Napailing na lang si Mia nang hindi pa rin nag-react si Cecil kaya naman iniwan na lang niya ang dalaga roon. Lumipat siya sa ibang mesa pero bigla siyang napatalon sa gulat nang biglang nakasunod pala sa kaniya si Cecil. Hindi tuloy napigilan ni Mia ang sariling hindi mapamura.

“OMG ka, Mia! Bakit mo naman ako iniwan doon? Hindi ba pwedeng iniisip ko pa kung pano ako kikiligin? Siyempre, hindi naman ako pwedeng sumigaw, masisira ang beauty ko sa mga customer, noh.”

“Kaloka ka talaga, Cecil! Mabuti na lang at hindi ako napasigaw ng malakas.”

Kahit pinipigilan ni Cecil na kiligin, kitang-kita sa mga mata nito ang pagniningning. Kung wala nga lang sigurong tao ay sigurado si Mia na para itong kiti-kiti sa kakulitan.

“Kinikilig talaga ako, Mia. Hindi na tuloy ako makapaghintay sa magiging lovestory niyo. Oy, dapat updated ako, ah? Kasi ako lang ang truest at trusted friend mo. Ako na ito, oh. Si Cecil.”

“Ikaw talaga. Oo na, magiging updated ka sa lovelife ko.”

Nang matapos na sa ginagawa si Mia, lumakad na siya para pumunta naman sa counter. Pero napatigil siya sa paglalakad nang makita niyang biglang tumamlay si Cecil.

“May . . . problema ba, Cecil?”

She was hesitant to ask because she doesn’t want to meddle in her personal space.

“Kasi, Mia, pupunta na ako kina Mommy sa Australia, after two weeks. May sakit si Daddy ko, nandoon na rin si Lola. Last week pa siya lumipad. Humingi lang ako ng palugit kina Mommy kasi hindi ko pa alam kung paano sasabihin sa iyo.”

Nakaramdaman ng lungkot si Mia dahil sa narinig. “Aalis ka na?”

Malungkot na ngumiti si Cecil at tumango. “Kailangan nila ako roon, eh. Pero tama naman na sumunod ako, ‘di ba?”

“Oo naman. Nandoon ang family mo, eh. Walang mali sa gagawin mo, Cecil. Masaya ako para sa ‘yo. Don’t forget about me, okay? May application naman para magkatawagan tayo. Iyon na lang ang gawin natin.”

Niyakap ni Cecil si Mia. “Aba, oo naman. I won’t forget about you, Mia. Ikaw kaya ang itinuturing kong matalik na kaibigan. I will forever treasure our friendship.”

Hindi napigilan ni Mia na hindi maluha. Malaki kasi ang naitulong sa kaniya ni Cecil. Hindi naman siya mapupunta sa CozyCorner kung hindi dahil kay Cecil. Kaya talagang hindi niya kakalimutan ang dalaga.

“Naku, baka malagot tayo kay manager. Nag-iiyakan tayo rito,” natatawang saad ni Cecil. Kumalas na ito sa yakap at pinunasan na rin nito ang mga pisngi nito. Ganoon din ang ginawa ni Mia. Inayos na nila ang sarili nila at bumalik na sila sa kaniya-kaniyang ginagawa.

Malungkot man ang puso ni Mia pero masaya pa rin naman siya para kay Cecil dahil makakasama na nito ulit ang mga magulang.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon