Chapter 1

911 23 4
                                    

Chapter 1

Nakatutok ang paningin ni Mia Vella Hernandez sa screen ng kaniyang laptop. Binabasa niya ang mga salitang tinipa niya para alamin kung may mga error ba roon.

Tapos na kasi niyang i-type ang update para sa gabing iyon. Kapag napasadahan na niya iyon ay i-po-post na niya sa website kung saan pwedeng mag-post ng mga story na ginagawa.

Isa kasing writer si Mia. Siyam na taon na siya sa larangan ng pagsusulat. Pero hanggang ngayon, sa edad na bente-singko ay underrated writer pa rin siya.

Sa umaga, nag-ta-trabaho siya bilang sales clerk sa Azulan Grocery Store. Tama lang sa minimum wage ang sinusweldo niya kaya kapos pa rin para sa kanilang pamilya iyon.

Sa taas ng bilihin, palagi na lang siyang napapa-aray.

Dapat ay maghahanap siya ng trabaho sa isang company at gamitin ang program na natapos niya pero dahil mas gusto niyang pagtuunan ng pansin ang pagiging writer niya, sa pagiging sales clerk siya bumagsak.

Mia was about to click the post button when her door suddenly opens. Then, it shows her mother.

Pareho silang nagkagulatan. Hindi na rin niya natanggal ang website na nasa screen niya kaya naman kitang-kita niya ang pag-iba ng ekspresyon ng kaniyang ina.

“‘Nay! Bakit po?”

Hindi na nag-abala si Mia na tanggalin ang website at hinarap na lang ang ina. Tumayo siya sa gaming chair na sobrang luma na rin. Bahagya pa nga iyong nagbigay ng isang nakakainis na tunog.

“Akala ko ba ay nagkasundo na tayo na hindi mo na ipagpapatuloy iyan, Mia. Bakit gumagawa ka pa rin niyan?”

“Opo. Pero, ‘Nay, hindi naman ganoon kadaling bitiwan ang isang bagay na nakapagpapasaya sa iyo.”

Lumungkot ang mukha ng ina ni Mia. Hinawakan siya nito sa kaliwang braso niya. “Anak, ano pa bang paliwanag ang kailangan mo para intindihin ang sitwasyon natin? Kailangan ka namin, anak. Kailangan ka ng lima mong kapatid. Nag-aaral pa sila. Hindi rin gaanong kalakihan ang perang nakukuha ng tatay mo sa pagpapasada ng jeep. Ganoon din ako sa paglalabada.”

Pinasadahan ng tingin ng ina ni Mia ang laptop nito. “Wala kang mapapala sa pagsusulat lang, Mia. Kailangan mo ng stable na trabaho. Kailangan mong maghanap ng mas magandang income kaysa sa pagtatrabaho mo sa isang grocery store lang. O iyang paggawa mo ng walang kwentang kuwento.”

Bumigat ang nararamdaman ni Mia dahil sa narinig. Ilang taon na ba siyang nangangarap na sana ay suportahan siya ng mga magulang niya sa gusto niyang tahakin na landas.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makuha ang suportang inaasam.

Alam niya sa sarili niya na darating ang panahon niya. Ang pag-shine niya bilang isang manunulat. Hindi man sangayon pero alam niya, ramdam niyang makukuha rin niya ang nagniningning na mga tala.

“I’m sorry, ‘Nay. I can't simply let go of this passion for writing. It's not just a hobby; it's my lifeblood. Writing is where I find my home, my sanctuary, and my serenity.”

“Kung ganoon, wala kang makukuhang suporta mula sa amin ng ama mo. Kung ayaw mong tigilan ‘yan. Bahala ka. Basta, sinabi ko sa ‘yong wala kang mapapala riyan.” Matapos sabihin iyon ng kaniyang ina, pumunta na ito sa pinto. Pero bago ito umalis ay sinabihan siyang bumaba na para kumain.

Hindi agad sumunod si Mia, pi-nost niya muna sa website ang chapter na sinulat niya. At pinatay ang kaniyang laptop bago tuluyang pumunta sa maliit nilang kainan.

Ang bahay nila ay kasya lang para sa kanilang pamilya. Sa katunayan ay naka-sangla iyon at buwan-buwan niyang hinuhulog-hulugan para hindi iyon mawala sa kanila.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon