Chapter 20

291 8 0
                                    

Chapter 20

Totoo nga na kapag masaya ka, may kapalit iyong lungkot. Hindi naman hinihiling ni Mia na palagi siyang maging masaya. Alam naman niya kasi na sa buhay, palaging magkasama ang lungkot at ligaya. Pero hindi sa paraang masasaktan ang puso niya.

“Babe, nakikinig ka ba?”

Kanina pa kasi nagkukwento si Mia sa nangyari sa araw niya. May ilan kasi na kumausap sa kaniya sa trabaho at humingi ng picture na kasama siya. Mayroon din na isa na hindi niya inaasahan na magpapapirma sa kaniya.

Nasa DayNight si Mia at Luis. Katatapos lang ni Luis na mag-perform. Nakaupo sila sa pangdalawahan na upuan dahil nga gusto niyang magkuwento sa nobyo sa nangyari sa kaniya sa araw na iyon.

Pero mukhang nasa iba ang isip ng kaniyang nobyo.

“Babe?” Kuhang muli ni Mia sa atensiyon ni Luis pero hindi pa rin ito tumitingin sa kaniya. Tumayo si Mia para tapikin ang braso ni Luis. Sa ginawa niyang iyon, tuluyan na niyang nakuha ang atensiyon ni Mia.

“Bakit?” Naguguluhan na tanong ni Luis sa kaniya. Napailing na lang si Mia at muling bumalik sa inuupuan niya.

“Wala, kumain na lang tayo pagkatapos ay umuwi na,” walang gana niyang sambit.

“Okay,” maiksi namang sagot sa kaniya ni Luis.

Masaya siya buong araw pero sa isang iglap ay napalitan iyon ng inis dahil sa ginawang pag-ignora ni Luis sa pagku-kuwento niya. Gusto niyang isipin na baka may problema lang na iniisip si Luis pero ang isang beses na iyon ay nasundan pa ng isa. Hanggang sa maging limang beses na iyon.

Hindi na napigilan ni Mia na komprontahin si Luis sa ginagawang pag-ignora sa kaniya ni Luis. “Luis, pwede ba tayong mag-usap?” panimula niya ng muli silang magkita ng nobyo.

O kung nobyo pa nga ba niyang maituturing si Luis dahil hindi naman niya ito nakakausap ng matino sa nagdaang mga buwan. Kahit nga ang pag-re-reply sa kaniya ng binata sa mga text niya ay bilang lang sa kamay niya.

Sinabi niya ang mga pangyayaring iyon kay Cecil na nasa Australia na ulit. Ang advice naman na sinabi sa kaniya ng kaibigan ay kausapin niya ang nobyo, sabihin niya sa binata ang nararamdaman niya at magtanong dito.
Kaya heto siya ngayon, gustong kausapin si Luis kahit walang katiyakan kung magiging maayos pa ang pag-uusap nilang dalawa.

“Anong pag-uusapan natin?” balik na tanong nito sa kaniya.

“Tungkol sa atin, Luis. Wala ka bang napapansin?”
Nangunot ang noo ni Luis. “Huh? What do you mean about that?”

Napapagod na bumuntonghininga si Mia. “Kung pagod ka na. Sabihin mo sa akin. Hindi iyong ipaparamdam mo sa akin na parang hindi na ako importante sa ‘yo. You really think I can’t feel that you’re being cold to me these past few months? Two months na lang, Luis. Third anniversary na natin. O may aasahan pa ba akong anniversary?”

May umagos na luha sa pisngi ni Mia. Agad naman iyong pinunasan ni Luis.

“I . . . I’m sorry, sunshine. Hindi ko sinasadyang iparamdam sa iyo na hindi ka na importante sa akin. It’s just that I have a problem I’m dealing with and I wanted to deal with it on my own. Pero hindi ko na-realize na pwede kitang maisantabi. I’m sorry, sunshine. I really am.”

Ipinaloob si Mia ni Luis sa kaniyang mga bisig. Ilang minuto ang lumipas bago kinalas ni Luis ang pagkakayakap niya sa dalaga. Katahimikan muna ang namayani sa pagitan ng dalawa. Nakatitig lang sila sa isa’t-isa. Kabado si Luis dahil ayaw niyang mabasa ni Mia ang tunay niyang nararamdaman.

He was scared to admit it. He was scared of what he really was thinking at that very moment. He loves Mia so much but his mind is in turmoil right now because of that feeling he feels but hates so much.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon