Chapter 8
Sinubukan ni Luis na alisin sa utak niya si Mia. Nag-focus na lang siya sa pag-a-arrange ng mga papeles. Kailangan kasi iyon na maging alphabetical order para kapag itinipa niya iyon sa kaniyang laptop ay hindi na siya mahirapan pa.
At isa pa ay iyon din ang hinabilin sa kaniya ng kaniyang boss.
"Hey, Luis! Nasa loob ba si Tristan?"
Agad na napatingin si Luis sa gawi ng taong tumawag sa kaniya. Si Isabel, ang fiancé ni Tristan, na kaniyang boss.
Mabilis siyang tumayo sa kinauupuang swivel chair at nagbigay galang dito. Inilahad niya ang kamay patungo sa direksiyon ng opisina ni Tristan.
"Wala po siyang meeting ngayon, ma'am pero tambak po siya ng mga papeles na kailangang pirmahan. Kailangan na ho kasi iyon ng iba't-ibang department. Pasok na lang ho kayo sa loob."
"Ano ka ba naman, Luis. Cut the po. Hindi naman ako matanda. I understand that it's a sign of respect. Pero pwede namang wala na ang po."
Kumamot sa ulo si Luis. "Eh, ma'am, future boss kita. Kasi 'di ba nga ho, malapit na ang wedding niyo ni boss. Kaya kapag ikinasal kayo, ibig sabihin, bago kitang boss."
Mahina na lang natawa sa kaniya si Isabel at iniwan na siya. Mukhang naintindihan nito na kailangan niya talagang itrato na para na ring boss si Isabel.
Bumalik sa ginagawa si Luis. Pero nang makita ang oras sa kaniyang relos, tatayo na sana siya nang bumukas naman ang pinto ng opisina ng kaniyang boss.
Mabilis pa sa alas-kuwatro na lumapit siya roon. "May kailangan ho kayo boss?"
"Wala, Luis. We'll just have our lunch. Mabuti pa, mag-lunch ka na rin. Kung hindi na ako bumalik dito mamaya, mag-ayos ka na at pumunta na sa kung saan ka pupunta, Luis."
"Sige po, boss! Salamat. Enjoy po kayo!"
Nginitian lang siya ng dalawa at tuluyan na ang mga ito na naglakad patungo sa elevator. Siya naman ay nagpunta sa sariling pantry.
Nagugutom na siya kaya naman kakain muna siya. Siya lang ang gumagamit sa pantry na iyon, kaya naman punong-puno iyon ng mga pagkain. Kahit anong pwedeng makain ay nandoon.
Minsan nga parang gusto na lang niyang mag-camping sa opisina at sigurado siyang mabubuhay siya roon. Sa dami ba namang pagkain doon, kaya hindi talaga siya magugutom.
Nagsaing muna si Luis na kasiya lang para sa kaniya, nang matapos na iyon, nagbukas siya ng isang canned good at iyon ang inulam niya.
Nang mabusog na siya, nagpahinga muna siya saglit pagkatapos ay nilinis ang pantry. At bumalik na siya sa kaniyang ginagawa.
It was already four in the afternoon but his boss not back yet. So he just assume that he won't go back to the office. Isa pa, sinabi naman nito kanina na kung hindi na ito babalik ay mag-ayos na siya at pumunta sa pupuntahan niya.
Maaga pa naman kaya hindi nagmadali sa pag-aayos si Luis ng kalat sa kaniyang mesa. Pinagsama-sama niya ang mga importante habang ang mga hindi naman agad kailangan na makita ni Tristan ay itinabi niya rin.
Pumasok siya sa opisina ng kaniyang boss para tignan kung natapos na ba nitong pirmahan ang mga dapat nitong pirmahan. Natapos naman nito kaya naman nagpunta siya sa floor kung saan ibibigay niya ang mga papeles.
Nang maibigay na niya sa iba't-ibang heads ng department ang mga iyon, bumalik na siya sa floor kung nasaan ang opisina ng kaniyang boss.
Bumalik si Luis sa kaniyang mesa at kinuha ang isang pile ng mga papel para iyon naman ang ipalit sa mga inalis niya kanina. Iyon ang kailangan na pirmahan para bukas ng kaniyang boss.
BINABASA MO ANG
CDS 1: Unwritten Serenade of Love
RomanceUnwritten Serenade of Love CHASING DREAMS SERIES COLLABORATION #1 Genre: Romance Status: COMPLETE Mia Vella Hernandez, a hopeful writer, yearns for fame in her craft. She often considered giving up, but then, her dream unexpectedly takes flight. Me...