Chapter 18

253 7 0
                                    

Chapter 18

It was already midnight but Mia wasn’t finished typing the next chapter of her novel, “Us After”. Isang taon na niyang binubuo ang kuwento dahil hindi naman niya gaanong natututukan na ang pagsusulat.

Mas madalas na ang trabaho ang iniisip niya. Kung minsan naman ay pagod na siya pag-uwi kaya naman hindi na siya nagkakaroon ng time na buksan ang laptop niya. Hindi na rin kasi niya gaanong dinadala ang laptop niya sa trabaho dahil ayaw ng bagong manager nila sa Azulan na na-di-distract sila.

Kahit pa break time nila, dapat ay mabilis ang gawin nilang pagkilos. Ang dati kasing manager ay nag-resign na dahil nag-migrate na ito kasama ang pamilya papuntang New Zealand. Nahirapan na mag-adjust si Mia sa bagong manager kaya pa lagi na lang siyang nag-ra-rant kay Luis at Cecil.

“Gusto ko na talagang mag-resign sa Azulan. Gusto ko na lang mag full time sa CozyCorner.” Iyon ang madalas na sinasabi ni Mia kay Luis sa tuwing nagkikita sila sa DayNight.

“Pero sayang din, sunshine ang sinusweldo mo roon. Naniniwala akong makakapag-adjust ka rin. You just have to be patience with her, sunshine.”

Mia just heaved a heavy sigh. Inihiga niya ang ulo sa balikat ni Luis. Pinagsalikop naman ni Luis ang mga daliri nila.

“Sorry, babe. I’m always ranting on you. Alam ko naman na may mga problema ka rin. Pero, heto at panay pa rin akong gulo sa iyo.”

Luis patted her head and kissed it. “Sunshine, I don’t care, okay? You can rant to me whenever you want. Mas gusto ko nga ‘yon dahil ramdam ko na pinagkakatiwalaan mo ako. I love you, sunshine. Did I already say that to you today?”

Mia chuckled. “Oo, kanina, ‘di ba? I love you, too.” Muling hinalikan ni Luis ang ulo niya. Ipinikit naman ni Mia ang mga mata niya at dinama ang katahimikan sa pagitan nila ni Luis. Ang katahimikan na iyon ay nagbigay ng kapayapaan sa puso ni Mia.

Nang matapos na si Mia sa ginagawa, pinatay na niya ang laptop at humiga na sa kama para magpahinga.

Dumaan pa ang maraming araw, ang routine ni Mia ay ganoon pa rin. Gigising siya, kakain, maliligo, papasok, uuwi, magsusulat, at matutulog. At muli na naman iyong mauulit. Pero minsan ay naiiba naman iyon kapag inaaya siya ni Luis na mag-date.

Madalas na sa seaside silang dalawa nagpupunta o kaya ay sa parke. Nagdadala lang sila ng pwede nilang makain dahil mas makakatipid sila sa paraan na iyon.

“Someday, sunshine. Ang date naman natin ay hindi lang dito sa seaside. Pupunta tayo sa ibang bansa o kaya naman sa mga probinsya na gusto mong puntahan para roon tayo magbakasyon.”

“Babe, I don’t care if we are always going here. I love seeing the sun sets and how the water in the ocean waves. It always calms my mind. At basta kasama kita, ayos na ayos na iyon sa akin.”

Tumingin siya kay Luis na matiim na nakatingin sa kaniya. Nakangiti ito kaya naman ginawaran niya rin ito ng isang matamis na ngiti. Every single day of her life, she’s so in love with him. Kahit minsan pakiramdam ni Mia na hindi siya nararapat para kay Luis.

He’s too perfect for her. Sa bawat maliliit na bagay na ginagawa ni Luis, lagi na lang nitong napapatibok ang puso niya. Mula sa pagbibigay sa kaniya ng mga salitang makakapagpagaan ng loob niya hanggang sa pagbibigay nito ng bulaklak sa kaniya sa tuwing nagkikita sila.

Luis held both Mia's cheeks. They look at each other. You can see in their eyes how they adore each other so much. Luis always feels so lucky that he has her. He always prays that no one or nothing can break them apart.

“Mia, sana lagi mong tatandaan na mahal kita. Hindi ko hawak ang kapalaran pero hangga’t nasa atin pa nakakampi ito, lagi kong ipaparamdam sa iyo kung gaano ako kaswerte na sinagot mo ako. Ikaw ang itinuturing kong lucky charm, Mia dahil nararamdaman kong malapit ko na talagang makamtam ang nagniningning na mga tala.”

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon