Chapter 25

382 8 2
                                    

Chapter 25

Isang malungkot na ngiti ang iginawad ni Luis kay Mia. Bago buksan ni Mia ang pinto, nakahanda na si Luis sa kaniyang sasabihin dito pero ngayong kaharap na niya ito, tila naumid ang dila niya. Nawala siya sa huwisyo at hindi na alam kung ano ang dapat niyang gawin.

Si Mia naman ay gulat na gulat sa presensiya niya. Para itong nakakita ng multo. "L–luis?"

Akma nitong hahawakan siya ngunit hindi nito tinuloy. Humakbang ito papalayo sa kaniya. Bigla ring nag-iba ang ekspresyon ng mukha nito. "Wow! Buhay ka pa pala? Akala ko ay nagpunta ka na ng Mars, eh." Sarkastikong saad nito sa kaniya.

"Talagang ngayon mo pa napiling magpakita. April 16."

"I . . . I'm sorry."

"Sorry? Hah! Too late ka na, Luis. Walong taon na ang nakalipas. Isa pa, para saan ang sorry mo? Wala naman na akong pakialam sa 'yo. Matagal na."

Parang tinarak ng libo-libong kutsilyo ang puso ni Luis nang marinig iyon. Huli na talaga siya. Talagang huli na. Hindi siya nagpakita kay Mia para makipagbalikan. Pumunta siya roon dahil gusto niyang imbitahan ang dalaga sa concert na special guest siya. May kanta siyang ginawa na para sa dalaga at gusto niyang kantahin iyon sa mismong concert.

"Alam kong nasaktan kita, Mia. Nasaktan sa ginawa kong pang-iiwan. May choice naman ako na kausapin ka bago umalis pero pinili ko pa rin na iwan ka na lang at hindi magpaalam. Nahihiya ako sa dahilan at alam kong hindi rin valid na rason 'yon para i-ghost ka na lang bigla."

Yumuko si Luis bago muling itinuon ang tingin kay Mia. Huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita. "Nainggit kasi ako sa 'yo nun, eh. Ikaw, unti-unti nang nagiging successful habang ako, puro pa rin rejections ang natatanggap. Tapos namatay pa si papa, naaksidente si Lucy. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Nakita niya sa mga mata ni Mia ang simpatya pero may kasama pa ring galit iyon. "Hinintay kita, Luis. Alam mo ba iyon? I waited for you to show up on our third anniversary. But you didn't. Alam kong nagdurusa ka nun pero sana . . . sana sinabihan mo ako. Sana pinili mong ibahagi rin sa akin kung ano ang nangyayari sa buhay mo."

"I'm really sorry, Mia. Pero hindi ako nagpunta rito para makipagbalikan. Gusto ko lang ibigay sa 'yo ito. Sana makapunta ka. Gusto kong kantahin sa araw na iyan ang kantang ginawa ko para sa 'yo. Sana marinig mo 'yon."

Inilahad ni Luis ang dalawang ticket. Dalawa iyon dahil alam niyang may isasama si Mia at iyon ay ang nobyo nito.
"Hindi ko matatanggap iyan. And how sure are you that I'll go there? Wala naman na akong pakialam sa 'yo."

Masakit man sa puso ang binibitiwang salita ni Mia. Hindi na iyon inisip ni Luis. Kinuha niya ang kaliwang kamay ni Mia. Sa ginawa niyang iyon, tila siya nakuryente katulad ng naramdaman niya noong unang beses niyang mahawakan ang kamay ni Mia.

Inilagay niya ang dalawang ticket sa palad ni Mia. "I hope you'll be there, Mia. But if you won't, it's still okay. I'll get going. Bye, Mia!"

Tumalikod na siya sa dalaga pero ang ginawa niyang paghakbang ay mabagal. He was hoping that a miracle would happen and Mia would run to him and back hug him. But it didn't happen. Nakarating na siya sa kotse niya pero si Mia ay nanatili lang na nakatayo sa kung saan niya ito iniwan. Hindi pa siya tuluyang nakakapasok sa kotse nang isara na ni Mia ang pinto.

Napasandal si Mia sa pintuan matapos niya iyong maisara. Hindi niya inaasahan na si Luis ang masisilayan niya sa pagbukas niya ng pinto. Akala niya ay si Ranz dahil nag-text ang binata sa kaniya na dadaan ito dahil may pasalubong daw itong ibibigay sa kaniya.

Walong taon ang pinalipas ni Luis tapos ay bigla na lang itong magpapakita sa kaniya. Nalungkot siya, oo, nang marinig niya ang nangyari rito pero may choice ito na magpakita muna sa kaniya bago ito tuluyang umalis at i-pursue ang pangarap.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon