Chapter 7

356 13 13
                                    

Chapter 7

Pakiramdam ni Mia, siya ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya para yakapin si Luis.

Basta bigla na lang niyang ginusto na yakapin ito at langhapin ang mabango nitong amoy. Tila talaga nagkaroon siya ng Luis syndrome.

Hanggang ngayon kasi na panibago nang araw ay nanunuot pa rin sa kaniyang pang-amoy ang pabango nitong hindi masakit sa ilong. Hindi niya alam kung mamahalin ba iyon.

Basta ang alam ni Mia, parang gusto niyang bumili ng katulad niyon at gamitin din. Ang papel naman na pinirmahan ni Luis ay itinago niya sa drawer. Balak niyang ipa-frame iyon kapag mayaman na siya.

Hindi niya talaga maiwasan na hindi mangiti na parang nababaliw dahil sa mga bagay na iyon.

Ipinilig ni Mia ang kaniyang ulo at nagpatuloy na lang sa pag-punch sa mga pinamili ng customer na nasa harap niya. Nasa trabaho siya kaya kailangan niyang umayos.

Baka masisante siya ng di-oras.

"2,654 po lahat, ma'am." Nakangiti siya ng sabihin iyon.

Mabilis naman na ibinigay sa kaniya ng customer ang card nito kaya naman humingi rin siya ng valid identification nito para sure siyang  sa customer talaga ang card na ibinibigay nito.

Naninigurado lang siya dahil minsan na ring may nangyari na ibang tao pala ang may-ari noong card. Mabuti na lang at hindi siya ang naapektuhan niyon. Pero naawa naman siya sa kasama na ngayon ay wala na sa grocery store.

Nag-resign na kasi ito dahil nagkaroon ng job opportunity sa Dubai.

Agad naman niyang inasikaso ang sumunod na customer after makapagbayad noong naunang customer niya. Ganoon ang ginawa niya hanggang sa dumating ang break time niya.

Katulad ng dati, muli niyang itinuon ang sarili sa pagtipa ng mga salita sa dala niyang laptop. Kumuha lang siya ng tinapay na nasa bag niya at isinubo iyon habang patuloy pa rin sa kaniyang pagtipa.

"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko, Erika. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mawawala ka sa akin. I beg you, Erika. Stay with me, please." Lumuhod sa harap ko si Jason.

Pero nanatili lang akong walang imik. Pinigilan ko rin ang sariling maging mahina sa harap ni Jason. Ayaw kong umiyak dahil alam kong yayakapin niya ako.

Mas mahihirapan akong pakawalan siya.

Ngayon pa nga lang ay hirap na hirap na ang kalooban ko.

"Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan, Jason? I don't want you anymore. I don't love you, okay? Why can't you understand that?"

Bumigat ang nararamdaman ni Mia. Namuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Nasasaktan siya para sa mga bida niya pero kailangan iyon dahil iyon ang naisip niyang plot.

Tumingin si Mia sa oras na nasa laptop niya, malapit na matapos ang oras ng breaktime niya. Kaya naman sinave niya muna iyon at balak niyang ituloy na lang mamaya.

Nang mag-turn off na ang laptop niya, ibinalik na niya iyon sa lalagyan at inilagay sa locker. Tapos ay sinara na niya ang kaniyang locker.

Nagkagulatan pa sila ni Cecil pero nagtawanan na lang sila. Papasok kasi si Cecil ng locker room habang siya naman ay palabas.

Siya naman ang naging bagger dahil tapos na siya sa pag-punch ng mga pinamili.

Nang matapos na ang shift nila ni Cecil sa grocery store, bumiyahe na sila papunta sa CozyCorner. Dumiretso agad sila sa sa locker room para magbihis ng kanilang uniform doon.

CDS 1: Unwritten Serenade of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon