Tahimik lamang ako sa likuran ng kotse habang nag uusap sila Kuya Ivan at Kuya Bryle sa harapan. May pinag uusapan silang isang babae na may matagal na raw na gusto kay Kuya Ivan. Hindi na lamang ko umiimik dahil syempre usapan nila 'yan. Masabihan pa akong sawsawera. Judgmental pa man din si Kuya Ivan pagdating sa akin. Tinoon ko na lamang ang sarili ko sa may bintana at pinanood ang mga dumadaang sasakyan.
Nang makarating kami sa may building ng condo ni Kuya Bryle ay bumaba na kami ng kotse. Dinig ko naman agad ang nga mura ni Kuya Bryle habang nakatitig sa gulong nito.
"Fuck. Kaya pala maalog ang byahe kasi flat!" Sigaw niya saka ako lumapit sa pwesto nila. Tinignan ko ang gulong at flat nga ito.
"Pagawa mo na lang bukas."
"Ano pa nga ba? Hindi ko na kayo maihahatid pabalik kina Uncle."
Naglakad na sila papuntang elevator at sumunod na lamang ako. Nauuna silang maglakad habang nakasunod lamang ako sakanila na parang cute na tuta. Arf arf!
"Kaya na nga ako pumayag na daanan 'yung libro dahil papahatid na kami pauwi sa'yo e. Inaantok na ako." Dinig kong sabi ni Kuya Ivan nang makapasok kami ng elevator.
Sabagay pagod siya sa training tapos nagti-thesis pa. At kung uminom siya ay malamang, antok ang abot niya. Pero teka, kung gusto niya na palang umuwi sa bahay at may balak magpahatid don e bakit sinama niya na ako? Iuuwi niya rin pala ako?
"Kung inaantok ka na, sa unit ko na lang kayo matulog. Ipapagawa ko na 'yung gulong ko ngayon tapos hatid ko kayo bukas."
"Baliw huwag na."
"Inaantok ka na 'di ba? Dalawa naman kwarto ko e. Tabi kayo." Pansin ko ang pagtaas ng dalawang kilay ni Kuya Bryle na parang nang aasar. Mabilis siyang siniko ni Kuya Ivan at sabay na tinignan ako. Anong meron?
Sakto namang bumukas ang elevator at hindi ko na narinig pa ang binulong ni Kuya Bryle. Lumabas kaming tatlo at dumiretso sa unit niya. Dito ba talaga kami matutulog? Hindi na kami uuwi? Hindi na kami babalik kina Uncle Luke?
Nang makapasok kami sa unit ni Kuya Bryle ay dumiretso ito sa isang cabinet sa may living room. May kinuha siyang dalawang libro at ibinigay kay Kuya Ivan.
"Ayan na 'yang mga books. 'Yon naman 'yung kwarto na sinasabi ko alam mo naman na 'yon. Papasok na ako sa kwarto ko at bangag na rin ang utak ko. Gusto ko nang humimlay. Good night." Mabilis na salita niya saka niya kami tinalikuran.
Naiwan kaming dalawa ni Kuya Ivan dito at tahimik lamang siya. Dinig ko ang paghinga niya nang malalim saka niya ako binalingan ng tingin.
"Ihahatid niya naman tayo bukas nang umaga. Tara na." Aya nito at nauna nang maglakad.
Sumunod na lamang ako sakaniya hanggang sa pumasok ito sa kwarto. Pumasok na rin ako at isinara ko ang pinto. Ni lock ko ito at nagulat ako nang makitang nakatingin ito sa akin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Bakit mo ni-lock 'yung pinto?" Tanong niya habang naka kunot ang noo. Masama bang mag-lock? Normal lang naman 'yon 'di ba kahit nakikitulog ka?
"Ayaw mo ba, Kuya? Sige wait lang."
Inalis ko ang pagkaka lock ng pinto saka ko siya tinignan. Inirapan lamang ako nito at inilapag niya ang libro sa may lamesa. Huminga ako nang malalim at nakaramdam nanaman ako ng frustration dahil sinusungitan niya nanaman ako dahil lang sa nilock ko ang pinto. Hindi pa rin talaga ako nasasanay na ganito siya.
"Go to sleep. May pasok ka pa bukas."
"Iti-text ko lang muna si Daddy. I-inform ko lang."
"Ako na. Mahiga ka na."
BINABASA MO ANG
Dangerous Desire
RomanceWhat if you found out that your brother is inlove with you?