Chapter 6

521 23 2
                                    

Hindi ko na mabilang kung naka ilang tagay na ako. Parating shot puno ang ibinibigay nila sa akin at ramdam ko na ang pagkahilo. Umiikot na ang paningin ko at puro tawa na lamang nila ang naririnig ko at mga kwentuhan. Nahihirapan na akong i-digest ang mga pangyayari sa paligid ko.

"Tapos sabi niya, no! Dito ka lang! If you have seen his face he is so kadire!" Tumatawa na sabi ni Yesha habang kinikwento ang isa raw sa mga naka fling niya. Lasing na siguro dahil lumalabas na ang mga secrets niya sa bibig niya. Yari 'to bukas kay Cole I swear.

"Pero ikaw Ashley, tomboy ka ba talaga?"

Oh my god! Sino 'yon? Sino 'yung nagtanong na 'yon?!

"Alam mo Ashley, tanggap ka naman namin. Kahit si Daddy sinasabi niya naman na kung baliko ka, okay lang. Syempre mahal ka namin e." Singit ni Asher na isa na rin sigurong lasing dahil may halong kadramahan na ang sinasabi niya.

"Hindi ko pa sure." Sagot naman ni Ashley at napatingin kaming lahat sakaniya.

"So confused ka?" Tanong ni Pain sakaniya.

"Oo? Let's say na as of now may gender crisis ako."

"Huwag niyo nang tanungin mga men. Hayaan na muna natin siyang tuklasin niya ang kaniyang kasarian, 'di ba? Give her time! She needs time!" Sigaw ni Cole.

"Oh tangina mo bakit ka nag e-english? Lasing ka na no? 700k!" Excited na sabi ni Dwayne.

"Atat ka ha? Atat ka? Ano suntukan tayo?" Yaya ni Cole.

"Para namang mananalo kami sa'yo."

Nakikinig na lamang ako sa usapan nila at tinatanggap ko na lamang ang bawat shot na binibigay nila.

"Coleen niyo hilo na!" Sigaw ni Yesha at hinila ko ang buhok niya dahil doon.

"Kaya mo pa?" Tanong ni Aster na nasa tabi ko.

"Kaya pa." Sagot ko habang papikit pikit. "Inaantok ako."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa ulo ko at sinandal ako nito sa balikat niya. Hinawakan niya rin ang kamay ko at hinilot hilot ito na parang mas lalong nagpaantok sa akin.

"Uy! Ang sweet naman. May malisya ba 'to?" Dinig kong tanong ni Yesha.

"Walang malisya 'yan. Gan'yan naman si Kuya sa lahat. Kaya nababansagang pafall!" Inis na sabi Asher.

"True!" Hagalpak naman ng dalawa na si Cole at Dwayne.

Alam ko namang wala. Kilala ko na si Aster noon pa at alam ko kung paano siya makitungo sa lahat. Kung hindi mo talaga siya kakilala, iisipin mong may gusto siya sa'yo dahil sa pagiging over caring and sweet niya sa mga babae. Noong tinanong namin siya kung bakit siya ganon ang sagot niya, nature niya na raw since he wants to treat other women just like how he treats his Mom and Ashley. Oh, 'di ba? Ang greenflag lang e. Kaya sobrang dami rin talaga ang nagkakagusto sakaniya.

"Huy Cole. Paano ba 'yan tumba na si Coleen? 350k na 'to ah."

"Mautak ka talaga, Dwayne Leonie."

"Gago kinakabahan kasi talaga ako kay Mommy. E tatlo pa kami. Buti bata pa si Mala. E kung tumanda lang nang kaunti 'yan at sumugal edi 800k na kaming apat."

Nagsipagtawanan naman ang lahat dahil doon. Natawa na lang din ako dahil napaka funny talaga ng grupong 'to.

"Kuya Cole, nagchat si Kuya Ivan. Ano raw ginagawa natin?" Dinig kong tanong ni Yesha na nagpamulat sa mga mata ko.

"Edi sabihin mo umiinom." Sagot ni Cole.

"Sige. Hindi naman siguro magagalit 'yun no? Tayo tayo naman ang magkakasama e."

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon