Chapter 12

514 25 6
                                    

After Kuya Ivan and I talked, kinausap kami ulit ni Daddy. Kaming apat actually. Pinapangaralan niya kami sa kwarto nila and I was sincerely listening.

"Kung may nararadaman na kayong gan'yan sa isa't isa, I want you to speak up. Hindi 'yong kikimkimin niyo. Paano kung lumala 'yan? Edi nagkaroon pa kayo ng sama ng loob sa isa't isa." Dad said and I slowly nodded agreeing to him.

"Alam niyo naman ang pinakaayaw ko sa pamilyang 'to, hindi ba? 'Yon ay ang nagaaway kayong magkakapatid. That is the least thing that I will tolerate."

"I'm sorry, Dad. I swear this would be the last time." I said.

"Good. Umayos ayos kayo."

"Opo." Sabay sabay na sagot namin.

"Now, let's go to the dining room. Nagpaluto na ako sa Mommy niyo."

We stood up and Dad hugged us one by one. Kahit malupit si Daddy mamarusa, never akong nakaramdam ng galit sakaniya. His discipline way must be harsh and different, but he always makes sure that we'll learn from it. Kaya kahit nakakapanakit siya at old way ang pag-discipline niya, it's fine with me.

Besides, Ryoga Yoshikawa Sibal's beast mode is totally different. Ang sabi nga sa amin ni Lolo Ryu at Auntie Ritsumi tuwing pinaparusahan kami ay basic pa lang daw 'to at mabait pa siya sa lagay na 'to. Sobrang malala raw kasi si Daddy noong younger years niya. He's literally a walking demon daw.

Lumabas kami ng room nila Daddy at dumiretso sa dining. Mom is there sitting on her chair and she smiled at us. I sat on my chair and Kuya Ivan sat beside me. Medyo nagulat pa ako sa pagtabi niya dahil usually si Cole ang katabi ko or si Yesha.

"Eat now." Mom said and we ate in silence.

Ramdam ko pa rin ang mga palo ko sa pwet. Feeling ko nagkaroon pa ng latay 'yon. Mamaya ko nalang siguro titignan at lalagyan ko ng yelo para hindi magkapasa.

Kuya Ivan gave food to me and I thanked him for doing that. Wala pa ring kumikibo sa amin. Dad is very unusual too. Usually kapag after naming mapagalitan, nagjo-joke na siya at nag iingay like nothing happened. But now, nakatingin lamang siya sa amin habang kumakain siya. Isa isa niya kaming tinititigan at pinagmamasdan.

"I have a favor to ask." Biglang sabi niya at napatingin kami sakaniyang lahat dahil seryoso ito.

"Ano po 'yon, Dad?" Yesha asked.

"Could you please convince Ryomen to come home? Lahat kayo kumbinsihin niyo siyang umuwi. Walang titigil habang hindi niya binabalik ang sarili niya rito."

Nagkatinginan naman kaming lahat and Mom took a deep sigh.

"Ryoga, just let him stay there. Ilang taon na rin naman siyang nakatira ron. Besides, that place became his home already."

"No. He'll live here with us." He said atsaka nito pinaglaruan ang tinidor niya na parang may iniisip.

"If we can't make him stay here until this year, I'll force him to come home."

Dad stood up from his chair and he walked out. I stared at him and I don't know why but I can sense that something is going on. Is there something wrong in San Narciso?

"Mom, did something happen?" Kuya Ivan asked.

"Hindi ba naaalagaan si Ryomen doon?" Cole asked too.

"Don't get your Dad wrong. Actually Ryomen has been taken care well by your Aunt and Uncle. But your father wanted to bring him back here when he talked to an old lady there."

"Old lady?"

"Yes. I don't know what did the lady told him. I was asking him but he didn't want to tell me. Basta simula noong makausap niya 'yong matandang babae roon naging firm na ang desisyon niyang pauwiin si Ryomen dito. Inaaya niya na nga na sumama sa amin kaso si Ryo ang may ayaw talaga. Kaya sabi ni Kuya Red, ay kakausapin niya nalang ang kapatid niyo at siya nang bahalang magpauwi."

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon