Chapter 13

283 17 3
                                    

We're on our way sa condo kung saan kami titira, and yes. Today is that day. Nakapagpaalam na si Kuya last week kay Mommy at napapayag niya ito with a condition, and that's me. He'll bring me with him.

Noong una ay ayaw pumayag ni Kuya na isama ako, but our Mom was firm. Hindi niya papayagan si Kuya ng walang kasama. Kuya even suggested to bring Yesha with him, but Mom said no. Masyado nang nagpaniwala si Mommy sa sinabi ni Cole na masusuhulan niya si Yesha once na may kalokohan siyang gawin.

Last week pa namin dinala ang mga gamit sa condo. We had a moving service and they brought some of our things there. It was all fixed there at kami nalang dalawa ang kulang. 'Yong mga clothes namin at personal stuff ay naroroon na rin. May ilan na lang akong bitbit ngayon tulad ng mga school stuff like books, notebooks and my laptop.

We stopped in the building where the condo is located. This condo was actually a gift from Lolo Ryu when Kuya Ivan turned twenty one. It was fully paid pero walang gumagamit since sa bahay siya nakatira. Ayaw din naman niya kasing gamitin noon, at ngayon lang niya naisipang tirahan ito.

We rode an elevator together. Kuya Ivan was just silent and he hasn't talked since we left. Hindi ko alam kung badtrip ba siya, hindi masaya or ano. Hindi ko magawang tanungin dahil simula noong pumayag akong sumama na sakaniya, he's been irritated to me. Again.

He has stopped talking to me a lot. Kinakausap niya lang ako kapag kailangan at kapag nandiyan ang family namin. He stopped spending his time with me too, and he never did the things that he was doing recently. Bumalik nanaman siya sa dating siya. Kung ano ang pakikitungo niya sa akin noon. At naiintindihan ko naman kung bakit.

He wanted to live alone but here I am with him. Kung totoo man ang hinala ni Daddy at Cole na may babae siya, there's no chance that he could bring the girl since nandirito ako with him. Takot niya na lang once na sinumbong ko siya kay Mommy.

Nang makapasok kami sa condo unit ay inilapag ko ang mga gamit ko sa mesa. I looked at him and he was seriously roaming around the unit. He went to the kitchen at pagbalik niya ay may dala siyang beer na siyang ininom niya. Kumpleto na rin ang mga stocks namin dito. Mom gave us money for the groceries. As in literal na kaming dalawa na lang ang kulang.

"We only have one room." He said and I looked at him.

"O-okay lang naman sa akin Kuya kung share tayo." Sagot ko and I saw him rolling his eyes. I bit my lower lip because what was that for?

Kinuha ko na lamang ang mga gamit ko at pinasok sa kwarto na siyang tutuluyan namin. I fixed my things there and I felt that he went inside too. Inilagay niya rin ang mga gamit niya saka ako tinignan.

"Bibili lang ako ng foam." Paalam niya.

"Foam?" Tanong ko saka siya tumango. "Para saan, Kuya?"

"Para sa akin. I'll sleep on it. I don't want to sleep beside you." He said which made me stunned. Lumabas siya ng pinto at iniwan ako.

"Ganoon ba siya kagalit sa akin?" Tanong ko sa sarili ko. "Hindi ko naman ginusto 'to e."



I just tried to understand him and his behavior towards me. Tiniis ko lahat nang pagsusungit niya pati ang paninigaw nito sa akin even in the smallest thing that I did na hindi naman dapat gawing big deal. Tiniis ko 'yon habang magkasama kami sa condo na 'to. Tulad na lang ngayon, galit na galit siya dahil lang sa nakalimutan ko maglagay ng bagong toothpaste sa CR.

"Hindi ba't sabi ko mag-refill ka kagad?! Gustong gusto mo talaga akong nagagalit e!" He shouted and I bit my lower lip. Binagsak niya ang pinto atsaka siya pumasok sa CR.

I took a deep breathe and calmed myself. Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang umuwi, umuwi, umuwi. I want to see Cole and Yesha. I want to hug Mom and Dad. I want to be out of here.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon