Chapter 10

478 26 3
                                    

Kanina pa ako nakasimangot. Hindi na ako makangiti habang naglalaro kami. Naiinis ako dahil bakit ang galing ni Lucas?! Ang galing niyang sumugal at ang nakakabadtrip pa ay nakikihati siya sa swerte namin. Salitan ang pagkakapanalo namin kaya hindi kami nakakarami.

"Tangina minamalas yata tayo." Bulong ni Cole sa akin at tumungga ng alak.

"Feel ko rin. Inom na lang tayo. Naiinis ako." Honest na sabi ko. First time kasi 'to na matalo kami sa larong baraha. We always win e.

"Ngayon ako naniniwala na lahat ay may katapat." Tumatawa na sabi ni Dwayne sa tabi ni Cole kaya mabilis siyang binatukan ni Cole.

"Kaya siguro ako natatalo kasi ikaw ang malas." He told Dwayne that made me laugh.

"Sisi mo pa sa akin kabobohan mo today."

Inabutan ako ni Aster ng alak at ininom na lang 'yon. Nang parang walang nangyayari sa laro namin ay nagaya na lang magswimming si Cole. Paano naman kasi, bumabalik lang ang pera sa amin. Walang nananalo. Parang give and take lang ang nanagyayari sa pagitan namin at nila Lucas.

We ate our dinner and I couldn't eat properly dahil sa pagkahilo ko. Imagine kanina pa kami umiinom. I went back to the pool to freshen myself up. Yesha, Aphro and Asher were already upstairs and sleeping. Wala nga pala si Ashley today dahil may laro na sinalihan. She was with Chesca raw. Anak ni Uncle Axel.

I rested myself in the corner sa may stairs. Nakayukyok ako ron habang inaantok. May kumalabit naman sa akin at nang sulyapan ko ito at titigan ay nakitang si Rion ito.

"Ate, pasok ka na kaya sa taas? Baka lamigin ka riyan."

"Okay lang ako." Nakangiti na sabi ko.

Lumapit sa akin si Cole at bigla akong hinila pabalik sa tubig. Napahawak ako sa mga balikat niya dahil sa gulat. I hugged my body into him and he held me on my waist. Nang tignan ko si Aster ay nakayakap si Dwayne sa likuran nito habang natutulog. Shocks! I think I'm not the only one who's drunk here. Gusto kong tumawa. I placed my head on Cole's shoulder while I closed my eyes.

"Walang kwenta kainuman mga 'to. Mahihina." Tumatawa na sabi ni Cole habang inaalalayan ako.

"Mas nakakahiya 'tong si Dwayne. Nauna pa siya mamatay kay Coleen." Tumatawa na sabi ni Aster. "Hulog ko kaya 'to rito?"

I think Aster is drunk too. Because the good boy is becoming devil.

"Try mo nga. Kung magigising."

I raised my head and turned around. I watched Aster letting Dwayne go in the pool. Binitawan niya ito at sabay silang tumawa nang hindi ito magising. Lumubog lang siya!

"Gago, gago! Hilahin mo!" Tumatawa na sabi ni Cole at hinila ito ni Aster pataas. Dwayne gasped for air and he opened his eyes a little. Yumakap lamang siya ulit kay Aster at pumikit ulit na parang walang nangyari.

"Hey! I'm going to bed!" Sigaw ni Auntie Ritsumi habang kumakaway sa amin.

"Good night!" Sigaw ni Cole pabalik sakaniya.

I placed myself at the back of Cole and hugged him. I wrapped my legs around him. He started moving around the pool habang nakawak si Aster sa likuran ko at tangay tangay ni Aster si Dwayne sa likuran habang natutulog. They started roaming around the pool like we were bunch of kids.

"Lucas, sama ka rito! Rion!" Aya ni Cole sakanila.

"We're playing!" Sigaw ni Rion at nang tignan ko sila ay may hawak hawak silang iPad.

Panay lamang ang lakad at ikot ni Cole at feeling ko ay mas lalo akong nahilo dahil doon. Sinabunutan ko ang buhok niya saka siya napatingin sa akin.

"Cole, stop ka muna." Bulong ko at huminto ito sa tabi malapit sa may hagdan.

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon