Chapter 9

552 21 2
                                    

I met Cole and the two in the cafeteria. I told them that I couldn't go later para maglibot since kasabay kong uuwi si Kuya at hihintayin niya ako sa parking. Inis na inis ako habang kinikwento sakanila 'yon. Inasar pa ako ni Cole dahil pupunta raw sila ng mall mamaya at late uuwi since Cole told Lolo na lilibot sila at pumayag naman daw ito. They can go home what ever time that they want basta't umuwi lang. Ni hindi man lang nagbigay ng curfew si Lolo sakaniya, pero si Kuya Ivan naman sa akin ay parang ewan! Daig niya pa si Lolo e.

"Ang unfair." I said habang hinahatid nila ako papuntang classroom dahil hindi pa rin ako tapos sa pagra-rant. Kasama ko si Jackie.

"Akala ko pa naman sinwerte ka na. Mas lalong minalas ka pala." Tumatawa na sabi ni Cole atsaka ko siya binatukan.

"Parang ewan din naman kasi si Kuya."

"Try mo kaya magpaalam bukas?" Suggest ni Dwayne. "Malay mo naman pumayag. Hanggang nine lang kamo."

"May practice kami bukas ni Jackie. Hanggang eight, 'di ba, Jackie?" Tanong ko sakaniya habang nag uusap sila ni Aster.

"Ha? Ano 'yon?" She asked and I repeated my question. "Oo, eight tayo matapos bukas."

"Try natin sa weekends." Cole said. "Uuwi ako ng weekends."

"Sige."

Pumasok na kami sa mga klase namin at maghapon na nagaral. Nang matapos ay dumiretso na ako agad sa parking lot para puntahan si Kuya. Hinanap siya ng mga mata ko and I saw his car. Lumapit ako ron and the door in the front seat opened. I went inside and saw him looking at me. I closed the door and fixed my seatbelt.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya saka ako napatingin sakaniya. "Tinatamad ako magluto. Let's just eat outside before going home."

"Kahit saan na lang, Kuya." I answered since wala naman akong maisip. He started driving.

I focused myself with my phone. Kachat ko sila Cole sa gc naming apat. They are updating me kung ano nang ginagawa nila. Nasa isang mall na sila next town and they are roaming around. Naiinggit tuloy ako. Kainis.

"Sinong ka chat mo?" Kuya suddenly spoke up. Tinago ko naman ang cellphone ko sa may bulsa at umayos ng upo.

"Sila Cole lang, Kuya. Nasa next town kasi sila sa isang mall." Sagot ko at hindi na ito nagsalita pa.

I looked outside the window and watched the houses and buildings. After thirty minutes ay huminto ang sasakyan sa isang restaurant. It was a Thailand styled restaurant. Inalis ko ang seatbelt ko atsaka kami bumaba ng sasakyan.

Nang makababa ay lumapit si Kuya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Nagulat ako sa paghawak niyang 'yon, pero wala na akong nagawa pa at hindi ko na kinuha pabalik. Sumunod na lamang ako sakaniya hanggang sa makapasok kami sa loob. He started roaming his eyes around nang makapasok kami sa loob. Habang ako ay nakatingin sa kamay naming magkahawak. They were intertwined.

"Doon na lang tayo." He spoke without looking at me atsaka ako hinila para maglakad.

He let go of my hand when we sat in a table for two. Nasa harapan ko siya hanggang sa may lumapit na waiter sa amin at nagbigay ng menu. Pumili ako agad ng pagkain and I decided to eat Pad thai.

"Pad thai noodle, sticky rice mango at isang watermelon shake po." I told my order and he listed it. Habang si Kuya naman ay umorder ng rice meal at sinamahan lang din ng sticky rice mango.

I waited for our food to come. Panay lamang ang check ko sa paligid dahil ngayon lamang ako nakapunta rito. Madalas kasi ay sa small kami kumakain kasama ang tatlo pati ni Jackie. Mas marami kasing choices at pwede pa kami makalibot after. 

Dangerous DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon