Panimula

24 3 0
                                    

Galing sa kabundukan ng Kanluran at papadilim na ang kalangitan, isang pangkat ng mga sundalo ang pagod na naglalabay papasok at patungo sa kanilang kampo. Nakangiting sinalubong sila ng iba pang mga kasamahan na nasa loob ng kampo, ngunit wala ni isa sa mga ito ang tumugon sa mga masasayang pagsalubong.

Nang makarating sa silid kung saan sila namamalagi sa tuwing sana kampo sila ay agad silang naupo sa sahig at di na pinili ang mga kamang naghihintay sa kanilang pagdating. Napuno ng daing ang silid dahil ramdam ang pagod at sakit ng kanilang katawan matapos ang bakbakan sa kanluran.

"Sana good news naman sumalubong sa atin bukas, paggising" nakapikit na saan ng isa sa mga sundalo na nasa silid.

"Sana masarap na ulam ang ihanda sa atin para sa umagahan" dagdag naman ng pinakabata sa kanila. Nagtawanan naman ang iba dahil sa narinig.

"Di bale, General Roque sent me a message na napirmahan na daw yung one month bakasyon niyo" napatingin ang lahat sa kanilang lider dahil sa nabanggit nito "kasama na yung sweldo" dagdag nito na siyang nagpasigla sa lahat ng nasa silid. Nagsisigawan at nagtatatalon ang iba dahil sa saya.

Napailing nalamang ang kanilang lider at nagtungo sa silid nito upang kumuha ng medicine kit at gamuting ang mga sugat na natamo sa bakbakan at nagtungo malapit sa pintuan upang doon umupo. Nag-unahan naman ang iba para sa paggamit ng paliguan dahil ayaw ng lumabas ng mga ito para maligo sa kabilang dulo kung saan ang lagi nila paliguan.

Isang malakas na kalampag ang nagpatigil sa kasalukuyang ginagawa ng bawat isa, ang lider na nasa malapit sa pintuan ang dali-daling nagbukas ng pinto upang makita ang dahilan ng ingay. Pagbukas nito ng pinto ay ang mga sundalong iniiwasan niya ang maayos na nakatayo ngayon sa harapan niya, napairap nalang ito at nagtanong.

"What do you need, Perez?"

"Your father instructed me para sunduin ka." Sagot naman nito.

"Uuwi din naman ako bukas, bakit pa ako ipapasundo ngayon?" tanong muli nito.

"Hindi ko alam, sinabihan lang naman ako at tumutupad lang ako sa utos." sagot naman ng tinawag na Perez. Aso ba ito at bakit lahat ng inuutos sa kanya ng kanyang ama ay sinusunod nito. Mga katanungan naglalaro sa isip ng lider.

"hindi ako sasama sa inyo." Walang imosyong sagot muli nito ngunit sa di inaasahan ay bigla na lamang itong kinaladlad ng kasamahang sundalo ni Perez. Mabilis naman ang galaw ng mga sundalong nasa loob ng silid upang tumulong, na kanina lang ay nanood at nakikinig sa usapan pero di sila nakalapit pa dahil sa bantang madadamay sila sa galit ng heneral pagnagkataon.

~~

Sa kabilang dako, masayang nag-uusap sina General Sandoval at ang retiradong sundalo na si General Hernandez kasama ang apo nito na nakaupo at walang imik na nakikinig sa usapan ng dalawa. Magdadalawang oras na silang nag-uusap ngunit di pa rin dumadating ang kanilang hinihintay. Gusto ng umalis ng binata ngunit ayaw naman niyang ipisin o sabihin ng kausap ng lolo nitong wala siyang respeto, kaya nagpaalam nalang siyang magpupunta lang sa comfortroom bilang rason dahil naiinip na siyang nakaupo at naghihintay. Sa pagbukas niya ng pinto sa pribadong silid kung saan sila ay isang babaeng nakaunipormeng pansundalo ang pilit kinakaladkad patungo sa kinaroroonan niya.

"General Sandoval, Captain Sandoval is here." Saad ng lalaking nakaunipormeng pansundalo rin at pilit pinapapasok ang dalaga sa silid kaya namang agarang niluwangan ang awang ng pintuan upang di na maging sagabal pa.

"Thank you Perez" pasasalamat ng heneral bago tuluyang umalis ang mga lalaking sundalo. Ang dalaga naman ay nakatayo lang malapit sa may pintuan at walang imosyong nakatingin sa kanyang ama.

Ang matandang heneral na ang bumasag sa tensyong namumuo sa pagitan ng mag-ama at sinenyasan ang apo upang bumalik ito sa kinauupuan.

"Are you okay hija?" tanong ng matanda kaya naman bumaling ng tingin ang dalaga sa kanya. Isang malalim na hininga ang pinakawalan nito bago sumagot.

"Yes sir" simpleng sagot nito.

Di naman naiwasan ng binata na pag-aralan ang kalagayan ng dalagang nasa harap nila at nakatayo lang, she's so pale, she looks so tired at sa itsura nito ay mukhang galing sa bakbakan, o sadyang sapilitan lang siyang hinila ng mga lalaki kanina? Di mapigilan ng binata na itanong sa sarili. He's a doctor kaya alam niya kung maayos pa ba ang katayuan ng katawan ng isang tao, at ang mga mata ng binatang nasa mukha lang kanina ng dalaga ay bumama patungo sa taguliran nito at napansin ang mantsa ng dugo. 'di na niya napiligan ang sarili dahil sa kagustuhan makita kung sa dalaga ba nanggaling ang mantsa ng dugo.

"Excuse me" saad ng binata at lumapit ito sa dalaga. "Sorry, but I need to see something" naging mabilis ang galaw ng binata at hinawi ang unipormeng suot ng dalaga at napagtantong tama nga siya ng hinala. Mabilis namang binawi ng dalaga ang unipormeng nakaangat at ibinaba nito.

"Aheemm" tikhim ng dalaga bago nagpatuloy sa pagsasalita at hinarap ang ama. "Why do I need to attend this dinner meeting General, is there's something we need to discuss?"

"Well, as you can see --"

"Sorry sir, I think we can discuss the marriage things that you like to happen between me and your daughter, sa kalagayang po ng anak niyo at bilang doctor kailangan na niyang pumunta sa hospital upang magamot." At walang sabi-sabing hinila ng binata ang dalaga palabas ng pribadong silid sa isang mamahaling restaurant at naglakad patungong parking lot.

Dahil malapit lang naman din ang hospital kung saan nagtatrabaho ang binata ay nakarating din sila matapos ang sampong minuto. Mabilis ang naging kilos ng binatang doctor at sa pagpasok nila sa emergency room ay siya naman pagkawala ng malay ng dalaga mabuti nalang at nakaalalay ang binata sa likod nito dahilan upang hindi bumagsak ang katawan ng dalaga sa sahig, at mabilis naman ang mga kilos ng mga nurses upang tulungan ang dalawa at gamutin ang dalaga.

~~

Tatlong araw na ring nananatili sa hospital ang dalaga, binisita din siya ibang mga kagrupo niya kaumagahan na ng gabing iyon bago tuluyang umuwi sa kanya kanyang pamilya ang mga ito. Dumalaw rin ang kanyang kaibigan na nagtatrabaho rin sa hospital ngunit madali lang ito dahil may pasyente pa siyang aasikasuhin. Nang wala na ang mga kaibigan niya ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang binatang nagdala at gumamot sa kanya.

"Hey" bati ng binata, naglakad siya papalapit sa mga kung ano anong suwero na nakakabit sa dalaga at kinalikot ito ng ilang segundo bago bumaling ng tingin sa dalaga na nakamasid sa bawat kilos niya na siya namang nakapagpatawa sa binata.

"I'm harmless" biro ng doctor bago hinila ang sila at umupo.

"I know" sagot naman nito at ibinaling ang tingin sa kabilang parte ng silid dahil nakaramdam ng hiya ang dalaga ng iangat ng doctor ang kanyang damit upang linisan ang sugat nito sa tagiliran.

Matapos ang paglilinis ng doctor ay muling bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ama kasama ang matandang kausap nito sa restaurant noon.

"Gabrielle, I know you herd what Lucas said before the two of you went out to that restaurant, right?" wika ng ama nito ng kamapasok sa silid. "and you don't have any choices Gabrielle, its either you accept it or accept it" at walang sabi sabi itong umalis rin sa silid.

Naiwan silang tatlo at tangging ang matandang heneral na lamang na nakabawi agad dahil sa nangyari.

"Sorry hija, I can't count in my fingers
if how many times I turn down your dads offer, isa lamang akong lolo na gustong magkaroon ng makakasama ang aking apo, since this grandson of mine was too busy in his profession so I accepted it" paliwanag ng matanda "and I think it will help you too" kumunot naman ang noo ng dalaga dahil sa mga huling sinabi ng matanda.

Matutulungan?How? By getting married? Well di na siya lugi dahil gwapo at matalino ang doctor, di nga lang siya sigurodo kung mabait ba talaga ito, at di nito alam ang tunay na ugali ng binata.

---------------------

Sana magustuhan niyo at suportahan

THANK YOU SO MUCH

UNTITLED LIFEWhere stories live. Discover now