Gab POV
Nagising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa pintuan, tinatamad pa ako bumangon kaya naman pilit kong sinisipa yung binti ni Lucas na nakadagan din sa mga binti ko para gisingin siya.
"Lucas, puntahan mo at pagbuksan yung kumakatok " utos ko sa kanya habang sinisipa
"Hmm" sagot nito, di nagtagal at naramdaman ko ang paggalaw nito kaya ako lumingon, tumayo ito at antok pang naglakad papuntang pinto.
"Good morning sweetie" dinig ko ang boses ni Mama na bumati. "Did i wake you up? Breakfast is ready, sunod na kayo pagkatapos niyo dito" nakapikit man ay gising na ang diwa ko kaya naman bumangon na ako at naupo lang muna sa kama.
"Good morning Gabby!" Masiglang bati sa akin ni Mama habang nakadungaw sa pintuan na pilit naman isinasara ni Lucas.
"Good morning po" bati ko naman at tumayo na sa kama at inayos ito.
"Lalamig yung pagkain, wag na kayo masyado nagtagal huhh!" Sigaw ni mama, pagkaalis ni niya ay nagpunta na ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush pagkatapos ko ay agad namang sumunod si Lucas.
Habang naghihintay ay naghanap ako ng paper bag na pwedeng lalagyan sa mga damit namin kagabi, nagkalkal lang ako sa mga kabinet na narito sa silid at mabuti nalang ay nakahanap ako. Naabutan ako ni Lucas na nag-aayos ng gamit namin ng lumabas ito sa banyo at hinintay akong matapos sa ginagawa ko at nag-aya ng lumabas ng silid para makapag-almusal.
Nakaalis na sila Mama ng makarating kaming kusina kaya nagmadali na din kaming kumain at umuwi na din pagkatapos. Pagkadating namin ng bahay ay agad kaming nagpunta sa kwarto para makapag-impake ng mga damit at iba pang mga kagamitan namin na dadalhin, si Lucas na nag-aayos di ng damit kanina ay iniwan ang mga uto na nakalatag lang sa kama dahil panay ang tawag sa kanya sa hospital kaya ako na din ang naglagay sa maletang dadalhin namin.
Mabuti nalang di na namin kailangan magdala ng madaming bag dahil kasya na sa isang maleta yung mga damit namin. Pagkatapos maayos lahat ng mga gagamitin ay naligo na din kami, syempre nauna na ako dahil madami pang hinahanap na mga papers si Lucas. Nagpaalam na din kami kila manang Rose na aalis kami papuntang Norte. Dumaan na din kami sa MG Hospital para ihatid yung mga papers na kailangan nila for their research daw.
Magtatahali na ay nasa kalagitnaan palang kami ng biyahe medyo tirik yung araw pero nararamdaman na yung malamig na simoy ng hangin at hudyat na malapit na kami sa Norte. Ako ang nagmaneho sa sasakyan ng mahigit isang oras dahil panay na naman ang tawag kay Lucas.
Hininto ko yung sasakyan sa isang kainan para makakain na ng pananghalian at sakto naman na tapos na si Lucas sa mga tawag niya. At sa pagpapatuloy namin sa biyahe ay siya na ang namaneho dahil hindi ko alam ang eksaktong daan sa pupuntahan namin.
~~~
Sinalubong kami nila Mama ng makarating kami sa bahay kung saan kami tutuloy, bahay daw ito nila General Hernandez.
"Kamusta ang biyahe? Natagalan ata kayo?" Tanong ni papa sa amin ng makalapit sila ni mama.
"May dinaanan pa po kasi si Lucas sa Hospital, panay din po kasi tawag sa kanya e" sagot ko dahil si Lucas ay nagpunta pa sa compartment ng sasakyan para kunin yung mga gamit namin.
"My dear Lucas is here, Kumain na ba kayo?" Tanong ng isang matandang babae na kalalapit lang sa amin. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Lucas sa amin at humalik sa matandang babae pati na rin sa mga magulang nito.
"Yes Mama-la, Kumain kami sa kainan sa malapit" sagot ni Lucas at tumayo sa tabi ko. "And Mama-la, this is Gabby my wife" pakilala ni niya sa lola nito.