Gabs POV
Hindi pa man tapos mag-almusal ang iba ay iniwan na naming sila dahil pupuntahan pa naming ang mga malalapit na barangay na naapektuhan din ng bagyo. Lalakaring na lang din naming dahil wala namang masasakyan, kasama ko ang apat na mga sundalo na sina Francisco, Lazaro, Santos at si Javier na laging di mawawala basta may pupuntahan.
Hindi naman masyadong malayo ang nilakad naming dahil may mga kabahayan na kaming nakikita, ipinapaabot naming sa kanila na maari silang magpunta sa Barangay ng San Antonio upang magpagamot at isinasabay na naming ang kaunting tulong na dala naming tulad nalang ng mga bigas, mga de lata at iba pa.
Nagpatuloy kami sa ginagawa naming pagbigay ng impormasyon at tulong ng mapansin ni Santos ang ingay na nagmumula sa sirang gusali at may mga bata na mukhang naglalaro, mabilis kaming nagtungo doon upang sabihan sana ang mga batang umuwi na dahil delikado ang gusali ngunit naalarma kami ng makita ang sitwasyon nila.
Pilit nilang iniaangat ang nakatumbang sementadong poste ng lumang gusali at may kung anong pilit na inaalis. Nilapitan ni Santos ang mga bata upang tanungin sana kung ano ang ginagawa ng mga ito ng bigla nalang itong sumigaw.
"EMERGENCY!"
Mabilis naman kaming lumapit at inilayo ang mga bata sa kinaroroonan nila, nang makita ko ang dahilan ng kanilang ginagawa kanina ay halos manghina ako, isang batang nasa edad amin ang umiiyak dahil sa naipit sa sementadong poste at may bakal pang nakatusok sa binti nito.
"Lazaro! Bumalik ka sa San Antonio at humingi ka ng tulong sa medical team, Francisco magpunta ka sa barangay at humingi ka din ng tulong sa kanila, and you Javier, bantayan mo yang mga bata" utos ko sa mga kasamahan ko at agad naman silang tumalima.
Yumuko ako upang makapasok kung saan naroroon si Santos at ang bata, medyo masikip ang kinaroroonan namin at walang masyadong hangin.
"Hi, whats your name?" mahinahon kong wika para kausapin ang bata.
"Bella po" magalang naman niyang sagot.
"I'm ate Gabby, Okay Bella, youre a brave girl" wika ko para i-distruct ang bata sa sitwasyon niya. Nakaalalay si Santos sa bandang ulo nito dahil sa nakahiga ang bata at ako naman ay nasa bantang binti.
Ilang minuto pa ang lumipas ay nagpalit kami ni Santos ng posisyon dahil mangangalay na siyang nakayuko sa kinaroroonan niya. Dumating na din ang mga namumuno sa barangay na ito kasama ang mga magulang ng mga bata. Umalis si Santos para ipinaliwanag ang sitwasyon sa kinaroroonan namin. Pagkatapos ng pag-uusap ay napagdesisyonan nilang iangat ang poste para matanggal ang batang nasa ilalim nito.
Nagtulong tulong lahat ng mga taong narito sa pagbubuhat, nang maiangat ng bahagya ang poste ay natanggal din ang bakal na nakatusok sa binti ng bata, malakas ang iyak nito dahil tiyak na nakaramdam na ito ng sahit sahil sa pagkakatanggal ng bakal kaya dahan dahan kong hinila ito para di na maipit pa, ngunit sa kadahilanang may kalumaan na ang gusali ay bigla nalang gumuho ang ibang parte nito na siyang dahilan ng pagbitiw sa poste ng mga taong nag-angat nito kaya lalong sumikit ang kinaroroonan naming ng bata at natabunan ang parting pwede naming labasan.
"Captain! Okay lang po ba kayo dyan" dinig kong sigaw ni Francisco mula sa labas. Mabilis naman akong napatingin sa batang mahigpit at pagkakayakap sa akin, mabuti nalang at naharang ng katawan ko ang poste dahil kung hindi ay pareho kaming mahihirapan sa maglabas mamaya.
"yeah" sagot ko at muling chineck ang bata lalo na yung sugat niya sa binti. Napatingin ako sa relong suot ko, mahigit kalahating oras na ang nakakalipas tiyak na malapit na ang medical team. Pilit kong pinapakalma ang bata at ganun na din ang sarili ko, kinakabahan ako para sa bata. At ilang sandali pa ay dumating na ang medical team.