Gab POV
Nagising ako sa tunog ng alarm mula sa cellphone ko, kinapa ko ang bed side table dahil doon nagmumula ang ingay na naririnig ko. Mabilis kong pinatigil ang alarm at bumangon mula sa pagkakahiga. Alas singko palang ng madaling araw at ito na ang normal kong gising, tumayo na ako at binukwan ang ilaw at nagtungo sa banyo para magshower.
Paglabas ko ng banyo at gising na si Lucas at nakatunganga lang ito habang nakaupo parin sa kama.
"May duty ka ba ngayon?" Tanong ko at tumingin sa orasan, kung makakaalis kami ngayon, hindi siya male-late kung may duty man siya dahil maaga pa kahit mahigit isang oras ang biyahe.
Umiling lang siya at nagtungo na din sa banyo dala yung mga toiletries niya at damit. Pinulot ko na rin yung mga ibang gamit naming nasa lapag at ipinatong sa kama. Kinuha ko ulit yung phone ko para mag-check ng mga messages or emergency buti nalang at wala at di din nagtagal ay lumabas na din si Lucas hudyat na tapos na siya sa paglilinis ng katawan.
"Uuwi ako ngayon, sasabay ka ba?" Tanong ko sa kanya ng umupo ito sa sofa na nasa gilid lang ng kama ay habang nagpupunas ng buhok.
"Hmm" sagot nito at bahagyang tumango.
Hinintay ko lang siyang matapos sa ginagawa niya at tsaka sinabihang aalis na kami, binuhat niya na yung gamit niya kasama yung bag ko, aagawin ko na sana dahil madami na siyang dala pero na una na siyang naglakad palabas ng silid, kaya dali-dali kong ni-lock yung pinto para mahabol siya.
Nang makasakay kami sa sasakyan ay pareho na kaming tahimik, ako ang nagmamaneho ng sasakyan, paminsan-minsan ko siyang tinitignan dahil nakapikit lang ito pero sigurado ako di siya tulog.
"Lucas" tawag ko sa kanya at napansin kong nagmulat ito ng mata at tumingin sa akin. "About sa sinabi mong subukan ko --"
"Kalimutan mo na yun" napakunot noo ako dahil sa narinig ko.
"No, gagawin ko, tama ka kailangan kong subukan kasi wala akong kawala sa sitwasyong meron tayo" paliwanag ko
"Bahala ka" gulat akong napatingin sa kanya. Ano bang problema niya kanina pa siya ganyan, Kagabi ang lakas ng loob niyang magsabi kay Tobias na kasal ako sa kanya tapos ngayon ganyan siya.
Ngayon gusto kong subukan ganyan siya umasta, ngayong nakapag-isip-isip na ako, matapos niya akong bigyan ng ang daming isipin habang nasa mission, aba hindi pwede yun. 'Bahala ako?' talagang bahala ako, ngayon aasta siya na parang wala siyang mga sinabing subukan ko, humanda siya at guguluhin ko mabubuhay niya.
Tinutok ko nalang ang buong atensyon ko sa pagmamaneho hanggang sa makarating kami ng bahay, di ko na siya inayang kumain kahit drive thru lang sana dahil mukhang masama timpla ng pag-iisip niya ngayon.
"Gabrielle, bakit hindi kayo nagsabing uuwi ngayon? Hindi ako nakapaghanda ng almusan" bungad na sabi ni manang Rose ng makita kami sa sala.
"Okay lang manang, maaga pa naman tsaka wala naman kaming pupuntahan" paliwanag ko at sabay kaming napatingin kay Lucas na umaakyat na ng hagdan.
"Anong nangyari sa batang iyon?" Tanong muli ni manang Rose.
"Pagod lang po siguro" sagot ko.
"Naku talaga itong batang ito, oh siya anak at ako'y maghahanda na ng almusal ng makakain na kayo" paalam nito at tinanguan ko nalang tsaka ako naglakad papuntang kwarto.
Nadatnan ko si Lucas na nakadapa sa kama at natutulog lang, and yes, isang kwarto lang ginagamit namin lahat ng gamit namin narito parejo, everytime na umuuwi ako dito ako natutulog and since sabi niya lagi din siyang umuuwi tiyak na sa guest room siya natutulog pag andito ako.