Gabs POV
Madaling araw na ng makarating kami sa Southeastern Province. Dumiretso kami sa bahay ni Mayor Torres dahil dito namin iiwan ang mga iba naming kagamitan dahil di naman naming mabubuhat ang lahat ng yun dahil maglalakad lang kami patungo sa barangay kung saan pinakaapektado ng bagyo.
Pinapasok kami ni Mayor at pinahandaan ng almusal sa mga kasambahay nila. Ako at ang medical team lang ang narito ngayon sa sala nila Mayor dahil ang mga kasamahan kong sundalo na ang umasikaso sa mga gamit na una naming dadalhin.
"CAPTAIN! yung mga gamit na iiwan sa-OH KUYA? ANONG GINAGAWA MO DITO? I MEAN KASAMA KA DIN? BAKIT DI KITA NA KITA KAGABI?" masiglang sigaw ni Lieutenant Javier at niyakap ang tinawag nitong kuya.
Napatunganga naman ako dahil sa nasaksihan ko, bakit di ko naisip to? Magkapatid sila ni Lucas? Lieutenant Mico James Javier and General Surgeon Lucas James Javier are brothers. Madaming pwedeng impormasyon na makikita sa social media tungkol sa doctor dahil tiyak na nakakahanap ka kaagad dahil sa mga awards na natatanggap nito pero bakit di ko ginawa yun?
"Kuya, naalala mo yung inirereto ko sayo? Siya yun oh!" halos malaglag na ang panga ko dahil sa gulat nang ituro ako nito at hinila ang kuya nito papalapit sa akin. "Pareho naman kayong single di ba? Malay mo kuya siya na pala yung mapapangasawa mo bago pa lumagpas sa kalendaryo yung edad mo" biro nito sa kapatid at nagtawanan naman yung mga medical team na kasama namin dito sa loob pati na rin sila Mayor at ang asawa nito.
"Single?" sagot nito kaya di ko na naalis ang tingin ko sa kanya kahit pa nakatingala na ako dahil nasa harap ko silang magkapatid. "Im married" muli nitong sagot at ipinakita ang singsing nakasuot sa daliri nito.
"Huhh? Bakit di ko alam na may asawa ka na? alam ba ito ni lolo?" halos di ko na alam ang gagawin ko dahil sa halo halong nararamdaman ko. "Isusumbong kita kay lolo" parang batang inaway ang mukha nito at inilabas ang cellphone at kinalikot ito.
"You dont have too Mico, meron si lolo nung kinasal ako" wika ni Lucas kaya napatigil naman si Mico sa gagawin nito
"WOW Doc, harap-harapang binasted yung best friend ko, ikaw pa naman sana unang kasintahan niyan." Napairap nalang ako sa kawalan dahil sa narinig. Kung alam lang sana nila ang totoo baka mas magugulat sila.
"Di bale Captain, may mga pinsan pa naman akong mga single din, baka dun pwede pa." masayang wika nito ng bigla nalang itong batukan ng kuya niya.
Matapos ang mga kaganapang iyon ay nag-almusal na kami at sinimulan ng lakbayin ang daan patungo sa barangay ng San Antonio. Medyo nahirapan kaming magdala ng mga gamit bukod sa marami na, mabibigat pa ang iba, mabuti nalang at karamihan sa mga kasamahan ko ay lalaki at sanay na sa ganitong mga gawain ganun na din ang dalawang babaeng sundalo. Malaking tulong na din na dalawang babae lang ang kasama ng medical team kaya yung mga lalaki ay tumulong na din sa pagbubuhat. Di naman kasi nakakapasok ang anumang uri ng sasakyan dito dahil sa one way na nga lang ay lubak lubak pa ang daan at delikado pa.
Makalipas ang isa't kalahating oras ng paglalakad ay naispan naming mamahinga muna sa ilalim ng malaking puno na naging matatag sa nakaraang kalamidad. Naglabas ng tubig si Tobias, ang pinakabatang sundalong kasama naming, at inunang bigyan ang medical team. Nang makapagpahinga ay muli kaming nagpatuloy sa paglalakad.
Mangtatanghali na ng makarating kami sa evacuation area ng barangay kung nasaan ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo, apat na araw na ang nakakalipas mula nang matapos ang bagyo ngunit wala paring bumabalik sa kanilang mga tahanan dahil ni isa ay wala kang makikitang nakatayong bahay maliban nalang sa paaralan, barangay office na kalahati ng bubong ay wala at ang evacuation area na tanging ligtas na matutuluyan ng lahat.