KABANATA 6

9 3 0
                                    

Gab POV

"Lucas James Javier?"

"You mean Doctor Lucas James Javier, the general surgeon of MG Hospital? The top 1 general surgeon of the country?"

Puro nalang tango ang sagot sa mga tanong nila. Kinausap ko sina mama at tito Marcos pahkatapos naming kumakain ng hapunan at sinabi sa kanila lahat ng nangyari from three years ago, gusto ko na din malaman nila dahil sigurado akong darating din yung time na malalaman nila at ayaw kong sa iba pa manggaling.

"Magpasalamat ka nalang sa papa mo, di ka niya ipinakasal sa taong walang patutunguhan ang buhay, mabuti nga at di siya pumili ng kaugali niya." Dahil sa mga sinabi ni mama bigla akong napaisip, mabuti nalang at pumili siya ng marunong umintindi at nakakasundo ko minsan. Dapat bang magpasalamat ako? Well maganda naman ang buhay ko ngayon, siguro kung hindi sa arrange marriage kami nagkakilala ni Lucas kaya ko siguro siyang mahalin ng walang sama ng loob.

"Nakakatuwa lang isipin na kasal ka kay Lucas and that's the reason why he's always wearing a wedding band, at laging umaayaw sa mga nirereto naming mga dalaga doctor" natatawang sabi ni tito Marcos.

"Bakit mo sinasabi ngayon sa amin yan? Okay naman pala sa inyong kahit di na malaman ng karamihan?" Tanong ni mama

"Tulad nga po ng sabi ko, wala naman akong kawala sa sitwasyong ito, so susubukan ko" sagot ko

"Well di ka na lugi dun, atsaka matanda na kayo, alam kong mabait si Lucas, maalaga, family oriented and husband material din, baka nga kung maenjoy mo yang susubukan mong sinasabi e magkakaapo na ako sa susunod na taon." pang-aasar naman ni mama.

"Mama" suway ko sa kanya.

"Bakit? Mag-asawa kayo anong mali dun?" Pang-aasar pa lalo ni mama

"May apo ka na kay kuya, padagdagan mo nalang yun sa kanya, wag sa akin ma"

"Aba! Talagang totohanin yan ng kuya mo kung sakali tsaka gusto ko ng babaeng apo" nakangiti pang sagot nito.

"Mama"

"Honey wag mo masyadong asarin si Gabby, mamaya baka sa timog na yan mamamalagi" awat naman ni tito Marcos.

"Basta sa susunod isama mo si Lucas pag tinawag ko kayo for dinner"

"Pag hindi na siya busy ma"

"One week on rest lahat ng galing mission huhh, pumasok si Lucas?" Tanong ni tito sa akin.

"Actually tito, nasa bahay siya ngayon nilalagnat" sagot ko.

"What? Tapos iniwan mo siya? My god Gabby! Di yan magandang gawain ng may asawa, umuwi ka na" pagtataboy sa akin ni mama at tinatawanan lang siya ni tito Marcos.

"Sige na Gabby, matigas pa naman ulo nun pag nilalagnat"

Nagpaalam na ako sa kanila dahil sobra ng makataboy si mama sa akin dahil umalis daw ako kahit alam ko naman daw na may sakit yung asawa ko. Nagpaalam na din ako kina kuya at sa asawa niya pati na rin kay Luther na nakikipaglaro sa mga nakakabata naming mga kapatid.

~~~

Nang makauwi ako sa bahay ng gabing iyon ay ipinaalam ko din kay Lucas na sinabi ko kila mama at tito Marcos tungkol sa amin, at wala naman siyang masyadong naging komento.

Kaya ngayon dahil pareho kaming walang pasok sa trabaho narito kami ngayon sa sala at nanonood lang ng mga pelikulang di naman maintindihan. Ako nakahiga sa sofa at siya naman ay sa carpet na nakalatag sa sahig na nahiga. Pareho kaming tahimik at nakatutok sa pinapanood ng makarinig kami ng ingay mula sa labas.

UNTITLED LIFEWhere stories live. Discover now