KABANATA 4

11 3 0
                                    

Gab POV

Huling araw na namin dito sa San Antonio, sa mahigit isang lingo namin dito ay may ilang pamilya kaming natulungan sa pagpapatayo ng kanilang pansamantalang tahanan habang hinihintay ang tulong na manggagaling sa pangulo, mabuti nalang at naasikaso agad ni Mayor ng lumuwas ito kaya maghihintay nalang ang mga tagarito sa pagdating ng mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng bago nilang mga tirahan.

Naipamahagi na rin lahat ng mga dala naming pagkain at mga gamot, at sa pagkakataong ito ay nagliligpit na kami ng mga kagamitan para maiayos sa sasakyan. Mabuti na nga at naayos na yung main road dito kaya makakapasok na yung sasakyang dala namin at di na kami maglalakad pabalik sa bayan.

Maayos kaming nagpaalam sa mga tagarito sa San Antonio at lubos naman ang kanilang pasasalamat sa tulong na aming naipamahagi para sa kanila. Pabalik na kami sa tahanan ni Mayor upang kunin ang mga iniwan naming kagamitan at inalok ako ni Mayor na samahan na siya sa sasakyan niya pabalik sa kanila kasama ko si Lucas, at bilang pasasalamt na rin ni Mayor ay pinaghanda niya muli kami ng mga makakain at di ko na natanggihan dahil na din sa itsura ng mga kasamahan ko ng malamang masasarap na putahe ang ulam.

"Alexa!" Napatingin ako sa tumawag sa akin ng papasok na kami sa tahanan nina Mayor "You're really here, nakwento sa akin ni mama na andito ka to help, gusto ko sanang puntahan ka ngayon kaso pauwi na pala kayo, sayang naman at ngayon lang kita makakasa." masiglang bati ni Rico sa akin, pangalawang anak ni Mayor at konsehal din ng bayan. Hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto sa akin si Rico dahil nung unang tagpo namin ay yung na agad ang sinabi nito sa akin pero di ko nalang yun pinanasin. Nginitian ko nalang siya dahil wala ako sa mood magsalita ngayon.

Hindi ko alam kung bakit? Basta ayaw ko lang ng may kumakausap sa akin ngayon pero syempre sumasagot naman ako pag nagtatanong si Mayor.

"Doc, si Rico pala, pangalawang anak ko at konsehal din dito sa amin." pagpapakilala ni Mayor, nagkamayan naman ang dalawa.

Pagkatapos ng kaunting kwentohan ay nag-aya na ang asawa ni Mayor upang kumain. Umupo ako sa bandang kanan ni Mayor at laking gulat ko nalang ng matulak ng makalas ang upuang bakante na nasa tabi ko kaya napaangat ako ng tingin.

"Sorry" nakangiting sabi ni Rico at tuluyan ng umupo sa tabi ko. Iniusog ko ng kaunti ang upuan ko dahil sa sobrang lapit ni Rico at di ako makagalaw ng maayos.

Tahimik lang ang lahat na kumakain pero kanina pa ako nabubwisit dito sa katabi ko, puro siya lagay ng pagkain sa plato ko at halos di ko na nga ginagalaw yung iba pero lagay parin siya ng lagay ng mga pagkain.

Tapos ng kumain sina Mayor at ang asawa nito kaya nauna na silang umalis sa hapag upang makaupo na din ang ibang nakatayo kanina habang kumakain, nagpaalam naman si Rico ba may kukuhanin lang daw na panghimagas pero di ko na siya pinansin pa at mabilis na nakipagpalit ng upuan kay lieutenant Javier, makikipagtalo pa sana ito ng bigla nalang siyang itulak ng kuya niya kaya wala na siyang nagawa pa.

"Alexa! I know na magugustuhan mo 'to" masayang sabi ni Rico nang makabalik ito sa kusina pero agad na nawala yung ngiti niya ng makitang si Mico na ang nakaupo sa pwesto ko.
"Oh-- bakit ka lumipat ng upuan?" Tanong ni Rico sa bagong katabi ngayon.

"Eh- hindi ko pa kasi na titikman yung mga pagkain dito sa area na 'to kaya lumipat ako" pinanlakihan pa ako ng mata bago sumagot si Lieutenant Javier "mukhang masarap yang bagong dala mo ah" pansin pa nito sa dala ni Rico.

UNTITLED LIFEWhere stories live. Discover now