Gab POV
At tulad nga ng mga ibinilin ni Lucas ay talagang ginawa namin, umiwas kami at halos di na kami lumabas ng kanya kanyang silid. Linggo na ngayon at mamayang gabi na yung birthday party ni General Hernandez.
Dumating na din ang ninang ni Lucas para ihatid ang mga damit na gagamitin, sa sala na namin naisipang magsukat para masuri muli lahat ng damit para sa mga magpipisan at kasali na rin ako, yung para daw kila General, Mama-la, Mama, Papa at sa iba ay nauna ng naibiga daw kagabi. May mga extra din itong dinala para sa mga ibang kamag-anak na walang dala or kung may mga natipuhan sa mga damit.
Nakaupo ang lahat at nagmumukhang nasa fashion show dahil sa mga ginagawang kalokohan ng mga magpipisan, syempre ang mastermind ay si Mico kaya halos maiyak na sila General sa kakatawa.
"But tita Natalie, what are those?" maarteng tanong ni Sofia sabay turo sa dalawang malaking kahon na nasa sulok lang.
"Oh! Those are for Lucas and Gabby" sagot naman nito. Kaming dalawa nalang talaga ni Lucas ang di pa nakikita ang susuotin dahil di pa nga ibinigay ito.
"Can I see it?" Excited na tanong nito ay mabilis na nilapitan ang mga kahon at binuksan ito.
"Wait!! It's my Surprise gift for them!" Habol pa ng ginang pero huli na dahil nailabas na nito ang isang red long dress.
"Wow" manghang sabi nito matapos makita ang damit, simple lang ito pero maganda at elegante.
"I want this tita Natalie! Im going to wear it sa party" lahat kami ay nakatingin lang sa kanya at tuwang-tuwa sa hawak nito
"Pero para kay ate Gabby yan" kontra ni Arren at tumayo pa ito. "Hindi naman tama na kunin mo yung hindi para sayo Sofia, at narinig mo naman yung sinabi ni tita Natalie kanina those are for ate Gabby" nahinahon na paliwanag pa nito.
"Will you shut your mouth Arrrn! Alam ko namang ingit ka lang na ako ang magsusuot nito" mataray nitong sabi tsaka tumingin sa akin "tsaka this dress is better if ako ang magsusuot"
Napataas ako ng kilay dahil sa narinig ko, iba din pala tabas ng dila ng babaeng to, kung wala lang mga matatandang kasama namin ngayon baka kanina ko pa 'to binalibag, mayabang din e. Kung sabagay spoiled brat at maarteng mga naman siya wala ng bago dun, maganda nga asal kalye naman.
"Tss, ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo" bulong ni Arren pero dahil sa tahimik lang kami ay narinig ito ng lahat.
"What did you say?" Bwisit na sabi nito at tinakbo ang bagitan nila ni Arren at mabilis itong sinabunutan at ginantihan din ito ni Arren mabuti nalang at mabilis namang umawat sina Lucas at halos magkagulo na din ang ibang narito sa sala.
"Magsitigil nga kayo!!" Sigaw ni General. Bumitaw si Arren sa pagkakahawak nito sa buhok ng pinsan but Sofia being a bratty girl, since she still holding Arren's hair, she pulled it na siyang dahilan ng pagkawala ng balanse ni Arren.