KABANATA 1

11 3 0
                                    

Gabs POV

Naglalakad ako ngayon patungo sa opisina ni General Marques dahil pinapatawag daw ako nito, mukhang may mahalaga siyang sasabihin dahil ilang beses din akong tinawagan sa telepono ngunit di ko nasagot kanina. Nang makarating ako ay agad akong kumatok bago pumasaok, nadatnan ko siyang abala sa mga papeles na nasa kanyang lamesa.

"Hey old man" biro ko, and thats the que that Im already insides his office. General Marques is my ninong, magkaibigan sila ni mama, and yes si mama ang kaibigan at hindi ang magaling kong ama.

"That's how you greet your ninong who is always at your side whenever your dad makes fun of your life" pagalit nitong sabi at natawa naman ako.

"Well, because you can't say no to ninang Elly which is your lovely wife, whenever or every time she told you to do something to help me" natatawa ko paring sagot.

Lagi ko na kasi siyang naririnig na nagrereklamo kay ninang Elly o kaya naman kay mama sa tuwing may pinaplano si papa na kasasangkutan ko. Kaya minsan nagtataka nalang si papa kung paano ko nalalaman mga plano niya patungkol sa akin tulad na lamang ang ipatapon ako sa pinakaliblib na lugar sa timog probinsya, mabuti nalang at nalaman agad ni ninong Marques at humingi ng tulong kay General Hernandez.

Oo, tama ang mga iniisip niyo, General Hernandez was the old man that I met three years ago, and I've never met him after that incident, I mean, after my wedding with his grandson. And yes, I got married with his grandson for three years but I've never seen the young doctor too. We are living in one roof but our pat never cross anyway, dahil una sa lahat iniiwasan ko talaga siya at kadalasan pareho kaming abala sa kanya kanyang trabaho o kaya sabihin na nating sinasadya kong umuwi ng wala sa bahay.

"Well, lets talk about our work first, MG Hospital is asking for our help, and we all know that your team, is the only team that we can rely on when it comes to calamities and helping the medical team" napatango nalang ako, nakuha ko na ang gusto niya sabihin. "MGH medical team are going to Southeastern Province, masyado madaming nangangailanan ng tulong medical doon dahil sa nagdaang bagyo nitong nakaraang linggo kaya humingi na sila ng tulong mula sa atin and since galing din kayo doon nung nakaraan araw kayo ang nakakalam ng mga area kung saan ang mga dapat unahing tulungan." Muli akong tumango bilang tugon. Matapos ang usapan at ilang mga paalala ay mabilis akong nagsend ng message sa group chat naming para sa bagong mission.

'Good Afternoon to everyone, this is Captain Sandoval asking for your attention to read this message.

We are going to Southeaster Province with MGH medical team since they are asking for our hel, masyadong madamaing nangangailanan ng tulong at alam natin ang sitwasyon ngayon doon dahil sa nagdaang bagyo nitong nakaraang araw kaya humingi na sila ng tulong mula sa atin and since galing din tayo doon nung nakaraan tayo ang nakakalam ng mga area kung saan ang mga dapat unahing tulungan.

Sorry to interrupt your family bonding but we are needed right now. See you at our quarter to prepare your necessary thing.

Thank you'

Makatanggap din ako agad ng mga reply nila at di nagtagal ay nagsidatingan na nga sila. Pagkatapos maayos ang mga dapat dalhin ay nagtungo na kami sa harap ng upisina ng aming kampo dahil naroon na daw ang mga medical team na makakasama naming.

At malayo palang ay kita ko na ang kumpol ng mga doctor at boses ng kaibigan kong si Czacza ang maririnig dahil sa kaingayan nito. Napapailing nalang ako, buti at ntitiis niya di mag-ingay sa loob ng hospital sa tuwing may duty ito.

UNTITLED LIFEWhere stories live. Discover now