[III] Chrome Orange

886 42 16
                                    

"They were supposed to go on a date that day. Naghihintay si Nico sa meeting place nila hanggang sa tawagan siya ng mama ni Mika na naaksidente raw ito at kritikal ang kalagayan sa ospital. When he got there, it was too late."

Hindi ako makaconcentrate sa lesson namin dahil bumabalik sa isipan ko ang mga sinabi sa 'kin ni Hansel kaninang umaga.

"Don't tell the other members that he used to paint. Ayaw kasi ni Nico na malaman ng iba ang tungkol do'n," Hansel added.

Hindi rin daw madalas umuuwi si Nico sa kanila dahil puno ang bahay nila ng mga alaala ni Mika.

Sa kusina kung saan madalas nilang pag-eksperimentuhan ang pagluluto ng cookies, ang mga trophies at awards na napanalunan niya sa mga painting contests, sa sala na madalas silang nanonood ng TV kasama ang kapatid ni Nico, pati ang kwarto nito na may malaking portrait ni Mika—every little detail of their house reminds him of her. Kaya maraming nalalaman si Hansel tungkol sa kanila ay dahil pinsan pala nito si Mika.

Nico's trapped in the past. He can't make a step forward. He was swallowed by the pain that he felt when Mika passed away.

Lunch time na at papunta ako sa canteen nang mapansin ko na may nakahiga malapit sa classroom namin. Sa ilalim ng malaking punong nandoon, sa gilid banda ng hardin kung saan tumutubo ang mga sunflowers na alaga ng mga 2nd years. Then I stopped abruptly when I realized that it was Nico. Hindi ko namalayan na kusang dinadala na pala ako ng mga paa ko sa direksyon niya.

Naabutan ko siyang natutulog ng napakahimbing. Mayroon pa ngang maliit na dahong tumama sa mata niya. Dahan-dahan kong kinuha ang dahon at nanigas nang mapansin kong basa ang mga pilikmata niya. The small leaf was even damp.

Pakiramdam ko'y nanghina ako.

His sadness... His pain... Ano ang pwede kong magawa para sa kanya? What can I do to lessen his pain even for a tiniest bit? Tumingin ako sa paligid. There's no roses in here, Nico. So, please... at least when you're crying, stay beside the sunflowers.

Umupo ako sa tabi niya at sumandal sa punong nandoon. Mabuti na lamang at dala ko ang sketchpad ko. Sinimulan kong iguhit ang mga sunflowers na nasa harapan ko. Ilang sandali pa'y naramdaman kong gumalaw si Nico sa gilid ko.

"Emi...?" his voice is hoarse. Halatang bagong gising.

"Sorry. Naistorbo ba kita?"

"Hindi naman. Nagulat nga ako na nandito ka."

"Natakot kasi ako baka langgamin ka rito kaya binabantayan kita."

Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko.

"Ano ang dino-drawing mo?"

"Sunflowers," sagot ko.

"You like sunflowers?"

"Kinda..?"

Bumangon siya sa pagkakahiga at sumandal din sa puno katabi ko.

"You're like a sunflower, Emi."

Mabilis na napalingon ang ulo ko sa direksyon niya.

"Bakit...sunflower?"

Napatahimik si Nico na animo'y nag-iisip ng mabuti. "Noong middle school, whenever I look at you, you're always giving me your carefree smile."

That's because I want you to notice me.

"Sa isipan ko, Emi, palagi kang ngumingiti. Kahit pa man noong una kang sumali sa club namin at palagi kang nakakatanggap ng hindi magandang komento mula sa mga 3rd years na miyembro natin, you didn't give up. Instead you keep on striving to be better. You're a tough person. Nasabi pa nga ni Mika na gusto niyang maging katulad mo. Just like those sunflowers over there, you're always looking up. You always keep your head held high no matter how hard the situation is." He grinned at me. "Pwede na akong maging poet no?" tumawa siya.

"I..." I swallowed the words. Hindi ko alam pero parang gumaan ang pakiramdam ko ngayon. "I'm glad that I'm the sunflower."

Nagpatuloy ako sa pag-sketch habang nagha-hum siya sa tabi ko. Naibaling ko ang mga mata ko sa kanya at ngayon na natitingnan ko siya sa malapit, may napansin ako.

"You pierced your ear?" tanong ko at napatingin siya sa 'kin.

"Yep. I used a safety pin. Tatlo rito sa kanan at isa rito sa kaliwa. Pero hindi ako nagsusuot ng hikaw kapag nasa eskwelahan ako. Terror ang mga teachers e," pagpapaliwanag niya.

I'm sure that he pierced it after Mika passed away.

"Right now, you're thinking that I pierced it after Mika died, right?"

Muntik ko nang mabitiwan ang lapis sa sobrang gulat. "How did—"

Napatawa siya ng mahina. "It's on your face, Emi. I can read you like an open book."

"Did it hurt, Nico?"

Tinapunan niya ulit ako ng tingin. "At first, yeah. It hurts every day, every night. The small wounds keep bleeding kahit ano'ng gamot ko sa kanila. Kahit ano'ng lagay ko ng bandaid ganoon pa rin."

"E ngayon?"

He gave me a sad smile. "Wala na. The wounds were gone and they weren't bleeding anymore." I look at him and now he has this distant look plastered across his face. "Now, there's just holes there."

Nang sinabi niya 'yon ay tuluyan ko nang nabitiwan ang lapis na hawak ko. It took me longer to realize that he wasn't talking about the piercings anymore.

Ang puwang na iniwan ni Mika sa kanya noong namatay ito ay lumaki ng lumaki hanggang sa hindi niya na alam kung paano agapan.

Until now, even if he said that the wounds aren't there anymore, he knew that the holes left by those small safety pins are still there. Just like the void that Mika left when she passed away.


You, Again | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon