[VII] Ultramarine

668 40 8
                                    

Dahan-dahan akong lumapit kay Nico.

"I'm sorry, Emi. But I can't do it like you want me to."

Give him a good punch when you see him, okay?

This is what he needs right now. Kailangan ko muna siyang gisingin sa masakit na katotohanan. Kinuyom ko ang isa kong kamao. I gathered all my strength in my right fist. Iniangat ko ang kamay ko at handa na akong suntukin siya...

"Emi—!" Tumigil ako.

Napakalapit na ng kamao ko sa pisngi niya pero tumigil ako. I sighed. At mukhang napabuntong-hininga rin siya ng malalim.

"Emi, hindi ako matapang kagaya mo."

"So, you're going to run away again?"

"That's not what I—"

"Pero 'yon ang ginagawa mo, Nico." Matalim ko siyang tiningnan. "Tinatakasan mo ang katotohanan. You're making up excuses to run away. Duwag ka. Napakaduwag mo. Pero okay lang 'yon. Okay lang na maging duwag ka dahil ibig sabihin no'n pinahahalagahan mo ang nararamdaman mo. Okay lang na isipin mo si Mika tuwing nagpipinta ka. She's part of you. Hindi mo siya kailangang kalimutan. Pero okay lang ba sa 'yo na lagi kang ganito? Sa palagay mo ba gusto ni Mika ang ginagawa mo ngayon? Do you want to continue denying the fact that she's already gone?"

"Why do you care so much about what I do?" tanong niya pero hindi niya ako tinitingnan sa mga mata. "Bakit mo 'to sinasabi sa 'kin ngayon?"

"Tinatanong mo ako kung 'bakit'? Hindi pa ba halata na--—"

"Why do I have to listen to this? Why do I have to listen to you?"

There's something in his voice that made me flinched. A sharp pain hit me. Nararamdaman kong nakatingin siya sa 'kin pero hindi ko maitapat ang mga mata ko sa kanya. Nanatili akong nakatingin sa dibdib niya.

"You're the one who ran away. Pagkatapos mong sabihin sa 'kin na mahal mo ako at pagkatapos kitang sagutin, nawala ka bigla. You quit the club. You never talk to me again. You were the first one who ran away so why do I have to listen to you?"

Parang may pumipiga sa puso ko nang marinig ang mga salitang 'yon. Naramdaman ko ring nangingilid na ang mga luha ko.

"My feelings for Mika, my sadness when she left, the reason why I stopped painting—it's none of your business, Emi."

None...of my business.

That was the finishing blow. Nanghina ang mga tuhod ko at lumabo ang mga mata ko dahil sa mga luha. Nakita kong kinuha niya ang bag niya at nagsimulang maglakad papunta sa pinto. Gusto ko siyang pigilan pero hindi lumalabas ang boses ko. Hanggang sa lumabas na siya ng tuluyan ay nanatili akong nakaupo roon. Pero hindi pwedeng maging ganito na lang ang kahihinatnan namin.

Hindi pwedeng ganito na lang. Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa direksyon ng pintuan ng mapansin kong may anino ng taong nakatayo sa harap no'n. It was reflected in the small space between the floor and the bottom of the door. He's still there. Nico is still there.

"I love you..." my voice is shaking. Each drop of my tears gave me the courage to tell him the truth. "I still love you, Nico. Kung hindi kita mahal hindi naman ako mangingialam e. Pero mahal kita kaya ginagawa ko 'to, kaya sinasabi ko 'to sa 'yo. Ayokong nakikita kang ganito, Nico. I'm not made of steel and I'm not tough. But I love you that's why I'm trying to be—"

"Emi..." napatigil ako ng bigla siyang magsalita. "I'm sorry."

Ang huling narinig ko ay ang mga yabag ng mga paa niyang tumatakbo palayo sa clubroom namin...palayo sa 'kin.

Umuwi ako sa bahay ng umiiyak. Kahit nga si mommy ay nagulat ng makita ako. I told her I have menstrual cramps and hoped that she'll believe it. Dumiretso ako sa art room at pinagmasdan ang mukha ng taong nandoon. I lied in the center of the room.

Now, I have all these Nico's around me. If only he'll smile for me... If only he'll look at me... If only—

Naipikit ko ang mga mata ko. It's too late for that now. I gambled and I lost. I fought fair and square but I still failed. I'm sorry, Mika. Sorry.

I fell asleep inside my art room while crying. At nang naalimpungatan ako ay hindi ko halos maimulat ang mga mata ko. My eyes are too tired from crying. Nagdesisyon akong matulog na lang ulit. If I sleep, then I can escape from the pain.

I was drifting off to somewhere in my dreams nang may narinig akong mga boses mula sa labas ng kwartong kinalalagyan ko.

"Sorry sa istorbo, tita. Mga club members kami ni Emi." Boses 'yon ni Hansel. Ano'ng ginagawa niya rito?

"Ang sabi kasi ng kaklase niya kanina masama raw ang pakiramdam niya." Boses naman 'yon ni Sucie.

"Bibisitahin sana namin siya e." Now, it's Lei.

"May dala kaming chiffon cake. Ginawa namin 'to kanina sa cooking class namin." Si Kionne.

"Hey, Nico...pumasok ka na rin," sabi naman ni Hansel.

"Teka, parang nakita na kita." Ngayon si mommy naman ang nagsalita. "Ah! Tama! Ikaw 'yong nasa mga painting. Oo, tama. Ikaw nga 'yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Teka ha, tatawagin ko lang si Emi."

Nagsimulang maglakad si mommy. Mukhang papunta sa kwarto ko. Pero wala ako ro'n mommy. Nandito ako sa art room. Huwag mo muna silang papuntahin dito. Hindi ko pa nililigpit ang mga paintings ni Nico. Makikita niya 'to. Ayokong makita niya 'to. Kailangan ko 'tong itago.

"Mukhang wala siya sa kwarto. Teka, baka nandito siya sa kwartong 'to." Huwag mommy. 'Wag dito. Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi ko magawa.

Gusto kong tumayo pero hindi ko rin magawa. I'm helpless. Hindi ko magalaw ang kamay at paa ko. Ang hina at ang init ng katawan ko. Parang wala akong lakas. Lagnat ba 'to? Ngayon pa ba ako magkakalagnat?

Narinig ko ang mga yabag ng paa mula sa labas ng pinto. Mukhang papunta nga talaga sila rito. Wala na akong panahon para itago pa ang sekreto ko.

"Emi, nandito ang mga kaibigan mo---Emi!"

Naramdaman ko ang pag-akay sa 'kin ni mommy pero nanatiling nakapikit ang mga mata ko. I can pretty much imagine kung ano ang magiging reaksyon nila kapag nakita akong ganito at ang mga paintings ng larawan ni Nico sa paligid ko.

Sina Lei, Sucie at Kionne---sigurado akong pinipigilan nilang sumigaw. If they have known my feelings for Nico, sigurado akong susuportahan at tutuksuhin nila ako. Si Hansel naman siguro'y napapaawang na ang mga labi sa sobrang gulat. Pero si Nico---hindi ko maimagine ang magiging reaksyon ni Nico. Will he be happy? Or iisipin niyang creepy ako?

"Diyos ko, ang taas-taas ng lagnat mo, Emi. Dadalhin kita sa ospital," may bahid ng matinding pag-aalala ang boses ni mommy.

"Tulungan ko na po kayo," it was Nico's voice. Sigurado ako ro'n. Hindi ako kailanman magkakamali tungkol do'n.

Naramdaman kong binuhat niya ako. His arms wrapped around me and I can't help but to feel at ease when he held me.

"I'm sorry, Emi," narinig kong bulong niya sa tenga ko. "I'm so sorry."

----------------

Malapit na ang ending. Sabi sa inyo short story lang 'to e. Hahaha! Anyway, please vote and comment ♥

You, Again | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon