[IX] Red Violet

746 43 4
                                    

Hindi ko pinigilan ang paghila sa 'kin ni Sucie patungo sa area kung saan nakadisplay ang mga winners sa painting contest. Nakasunod lang sina Hansel sa 'min. Pagkatapos ng mga sinabi nila, nawalan ako ng lakas na tumanggi. At ngayon nga ay nasa harapan na ako ng painting na gusto nilang ipakita sa 'kin.

He made it for God knows how many times...

Hindi ko na napigilan ang sunud-sunod na pagdaloy ng mga luha sa pisngi ko. Nilapitan ko ang painting at hinawakan ito. I trace every figure with my index finger. Nasapo ko na lamang ang noo ko dahil sa sobrang paghanga sa nakikita ko ngayon.

"The heck is with him... ang galing niya," puna ko.

It sure is worth winning the grand prize.

A painting of two girls facing each other and reaching the hand of the other in two different worlds. The other one stood in the middle of a field of red roses— the moon reflecting her pretty face and the wreath of roses in her head. While the other one stood in the middle of a sunflower field, a wreath of tiny sunflowers in her head, and the sun shines brightly in her white dress.

Antithesis—the two worlds collided because of the two girls. At nasa ibaba ng painting na 'yon ang mensahe ni Nico para sa kanilang dalawa...

"To the girl who showed me the colors of happiness, I loved you.

And to the girl who brought me those colors once again, thank you."

A painting of Nicolai Torres and Emilly Rodrigo

I muffled my voice but I failed. Hindi ko napigilan ang boses ko. Iyak lang ako ng iyak sa harapan ng painting na 'yon. Nakatingin na rin sa 'kin ang ibang estudyante. Pero kahit ano'ng pigil ang gawin ko sa mga luha ko, hindi ko mapigilan. Napaupo na nga ako roon. At kahit ganoon na ang sitwasyon ko, hindi ako sigurado kung umiiyak ba ako sa saya o sa lungkot.

"Nico..." I said between my sobs. "No matter what happens, you're the one I want."

"Emergency. Emergency. Please give way. May babaeng nahimatay." Bago pa man ako makatanggi ay naramdaman ko ng binuhat ako ni Hansel.

"Hanse—!!"

"Shh. Nahimatay ka, Emi," bulong niya sa 'kin. "Nahimatay ka. Now, close your eyes."

"Give way, guys." Narinig kong sabi ni Sucie.

"Tapos na ang show. Bumalik na kayo sa ginagawa niyo," saad naman ni Lei.

"Hansel, kami na ang bahala rito." Si Kionne naman ang nagsalita.

Nagpatuloy lang si Hansel sa pagbuhat sa 'kin nang hindi nagsasalita hanggang sa makarating kami sa clinic. "Teka Hansel. Hindi naman ako—"

"Emi?!" nanigas ako ng marinig ang pamilyar na boses na 'yon. "Teka Hansel ano'ng nangyari sa kanya?" puno ng pag-aalala ang boses nito.

"Hindi ka na ba nahihilo? Ay nga pala, hindi 'to si Emi," sabi ni Hansel at naguluhan ako dahil do'n. "Special delivery ko 'to para sa 'yo. Pakaingatan mo a." Pagkasabi niya no'n ay pinahiga niya ako sa isang kama roon at kumaripas ng takbo.

"Emi---!"

"I'm okay. I'm okay."Mabilis akong napaupo at pinahiran ang mga luha ko. He kneeled down in front of me. Nakahawak ang mga kamay niya sa kama sa magkabilang gilid ko. He made a little cage with his arms. At ngayon ay nakatingala siyang tinitingnan ang mukha ko.

"Emi..."Sa unang pantig pa lang ng pagkakasabi niya ng pangalan ko ay nangilid na naman ang mga luha ko.

When I saw his eyes staring at me, when I felt the softness in his voice, when I felt him tense when tears left my eyes, everything—I remembered in that instant that I love everything about this person.

"I'm sorry..." he said. Napayuko siya. "Ako ang mali. I blamed you for my cowardice. Hindi ko dapat ginawa 'yon. Hindi ko dapat sinabi ang mga 'yon sa 'yo. I'm sorry, Emi."

"Ni...co."Patuloy lang sa pangingilid ang mga luha ko.

"Yes?"

"Nico..."

"Mhm.."

"Nico..."Naipikit niya ang mga mata niya na animo'y pinapakinggang mabuti ang bawat salitang lumalabas sa bibig ko.

"I know." Naramdaman ko ang pagyakap niya sa mga baywang ko. "I know, Emi."

"I love you."

"Mhm."

"I love you." Mas humigpit pa ang yakap niya sa 'kin. "Alam kong hindi ko kailanman mapapalitan si Mika sa 'yo. Alam kong walang makakapalit kay Mika sa puso mo. Pero Nico, mahal kita. Kahit hindi ako ang piliin mo, kahit mapunta ka sa iba...I want you to move on, to move forward. Hindi ka pwedeng ma-stuck na lang ng ganito palagi. Napakatigas ng armor na suot mo. Kahit ano ang gawin ko hindi ko kayang sirain 'yon. You're the only one who can do it. You have to destroy that armor yourself."

Hinawakan ko ang buhok niya. God, I can't believe I said that I'll let others take him.

"Emi..." he said. "Ayaw mo na ba sa 'kin? Gusto mo na bang ibigay ako sa iba?"

"H---Ha?"Parang automatic na nahinto sa pagtulo ang luha ko."You keep blabbering about how much you love me tapos ngayon sinasabi mong hahayaan mong makuha ako ng iba."

"E kasi—"Napaatras ako sa sinabi niya pero hindi siya natinag sa pagkakayap niya sa baywang ko. Lalo na ng tumingala siya at tiningnan ang mukha ko.

"If you really love me, don't let me go. Huwag mong hayaan na umalis ako sa tabi mo. Kung kinakailangang kadenahan mo ako, okay lang. You have my permission. Just make sure that I won't go away again, that I won't run away again. Emi, please...can you do that?"

Pinahiran niya ang mga luha ko.

"Emi, I beg you," he said. "Say yes."

"Only on one condition."

Kumawala siya sa pagkakayakap sa 'kin at itinuwid ang pagkakaupo. "Anything."

I leaned forward and put my hand in front of his beating heart. "Can I live inside here?" I stared at his sincere eyes. "Can I be the only one allowed to be inside here from now on...?"

Matagal na napaawang ang mga labi niya. The mixture of shock and astonishment was very obvious in his face. He smiled before answering me.

"What the hell are you saying?" napailing siya habang hinawakan ang kamay ko na nakatapat sa puso niya. "You already barged in here without even taking off your shoes, you know."

----------------


May last chapter pa. Hehe! Please vote and comment :3

You, Again | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon