15.

587 18 7
                                    

VICE

"ano bang ginawa nyo ni ion at inabot ka ng ganitong oras ha?" tanong ni anne.

kung makasermon talaga sya ay parang nanay ko eh.

"we had dinner at his hotel." pag explain ko na natawa naman sya.

"dinner? sa hotel? sinong niloko mo!" singhal nya sa'kin.

"hotel-restaurant yon okay? wala ba nun sa probinsya nyo?" sabi ko habang pinupunasan ng bimpo ang katawan ni scarlette.

"you guys had-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya.

"shh! marinig ka ng bata!" suway ko sakanya.

"tulog nga eh. so ano nga?" nag iintay na sagot sa tanong nya.

hindi ko na sya sinagot at itinuloy na ang pag pupunas kay scarlette.

"silence means yes, wala kang maloloko dito viceral" she chuckled.

"miss na miss nyo talaga eh noh? baka naman masundan pa si scarlette nyan." sabi nya.

"utot mo! don't manifest things." i rolled my eyes.

"hindi pa nga kilala si scarlette dadagdagan ko pa?" dagdag ko.

"ayaw mo nun? pag sinabi nyang gusto nya ng dalawa hindi na kayo mag aantay ng 9 months ulit." she said jokingly.

"ang pangit ng joke mo anne, pwede ba matulog ka na? alas tres na. wala ka bang pasok bukas?" tanong ko.

"wala kaya nga umuwi ako rito eh. alam mo kung hindi pa ako tinawagan nila mc baka kinumbulsyon na yang anak mo! naka hundred miss calls ata kami sayo." sabi ni anne.

"sorry, napag alala ko pa tuloy kayo." i sighed feeling guilty.

"mag sabi kasi ng mas maaga."

"sige po mama." biro kong sabi na ikinatawa nya naman.

"masakit ba katawan mo?" tanong nya dahil kanina pa nya ako napapansin na humahawak sa balakang at likod ko.

"oo eh."

si ion kasi!

"masyado ka namang namiss ng ex mo." natatawa nyang sabi bago ako abutan ng pain killer.

"gaga. anong ex ka dyan."

"ex fubu duh" pahabol nya.

- - -

hindi na ako nakatulog hanggang sa mag umaga kababantay kay scarlette. i had to check her every hour dahil taas baba ang lagnat nya. i'm planning nga sanang itakbo na sya sa hospital but anne won't allow me dahil delikado daw at masyadong mainit pa ang mga mata ng media.

buti nalang ay may kakilala syang doctor na pinapunta nya nalang sa bahay.

"you don't have anything to worry about ms. viceral, your daughter is in good condition sadyang napagod lang ang katawan nya sa mga activities na ginagawa nya but over all scarlette is a healthy kid." sabi ni doc.

agad naman na lumuwag ang pakiramdam ko.

"what should we do to prevent this from happening again doc?" i asked.

"i suggest not to tire her at all cost and maybe don't stress her out too much, gaya ng pag iyak or yung mga bagay na madaling makakapag pagod sakanya, and of course let's try to eat healthy foods din." sabi ni doc.

"thank you doc, i really appreciate your time despite na marami ka pang batang aasikasuhin." sabi sakanya ni anne.

"it's really not a big deal anne. anyways if that's all i'll get going na?" he said.

HER | VICEION AU (COMPLETED)Where stories live. Discover now