17.

509 15 3
                                    

ION

andito ako ngayon kung saan ang place na pictorial shoot. maaga pa lang ay nag aayos na ang mga tao ko dahil nag eexpect rin kaming dadating si vice at ang glam team nya on time at tama nga kami.

"are we late?" tanong nito.

she's just wearing a baggy hoodie with really short shorts na it barely covers her legs.

her hair is fixed na din and she has full face make-up that looks gorgeous on her.

kulang nalang ay iyong su-suotin nya.

"no. you're on time." i smiled before waving at her glam team na kanina pa akong pinag mamasdan na para bang pinag c-chismisan ako.

not so long ay nag start na rin kami. ibinigay na ng stylist ang mga piece na su-suotin nya.

"oh my god." i heard everyone gasped as they all turned their head on someone.

ganun rin ang ginawa ko.

everyone was shocked by her astonishing beauty.

those long legs, her cinched waist and her all over body.

jusko mahabagin.

i could just stare at her all day and not get tired.

"tinatablan ka noh?"

hindi ko alam na nakatayo na pala sa tabi ko si jhong at pinagtatawanan ako.

"siraulo." sabi ko pa.

"let's start?" sabi sakanya ng photographer. she just nod and slightly smiled and put on her pose.

"ang ganda ng ex mo." natatawang bulong pa ni jhong habang pareho naming pinag mamasdan ang bawat galaw nya sa camera.

halos buong set ay tahimik at mistula bang nakatitig lang sakanya.

very professional. alam nya ang bawat galaw at ang susunod na gagawin.

biglang uminit?

malakas naman ang ac sa set ah?

"pawis na pawis sir?" narinig kong sabi ng isa sa glam team nya.

hindi ko naman napansin na inaabuta nya na pala ako ng tissue.

"jelly, sir." pag papakilala nya

"thank you, jelly." ngiti ko sakanya bago tanggapin ang tissue.

"matagal na kayong mag kakilala ni meme sir?" tanong nya.

"meme?" i asked.

"si ate vice po. yun yung tawag namin sakanya."

"ah yes, since senior high."

"close friend sir?" tanong nya ulit.

should i tell him?

"very close friend." i smirked.

"taray." sabi pa nya.

"hoy bakla ka! pati si sir ion papatusin mo talaga?! lagot ka kay meme!" biglang may sumulpot samin na isa pang bakla na binatukan sya.

natawa naman ako.

ang kukulit.

"gaga! nag uusap lang para kang ewan!" ani jelly.

"ay sorry sir ion! wag nyo na tong patulan! buern nga po pala hairstylist ni meme." i offered him a handshake.

"nice to meet you guys." i smiled.

"hoy bakla, sumunod ka na mamaya don. need i-retouch make up ni meme" sabi ni buern bago umalis.

nasa ganong sitwasyon kami ng biglang nag ring ang cellphone ni jelly.

HER | VICEION AU (COMPLETED)Where stories live. Discover now