Chapter 1

1K 32 4
                                    

Chapter 1

PHOEBE NAOMI RAMIREZ POV

"Toots, ano bang nangyari sayo ha? Bakit ka naglalasing, may pasok ka pa bukas oh. Tama na yan," sita ng kaibigan kong si Joella pero hindi ako nagpapigil.

"Hayaan mo na ako Toots, kaya ko naman ang sarili ko," sagot ko na lang at patuloy sa ginawang pagsipsip ng bote.

Simula pa noong bata kami ni Joella ay 'Toots' ang tawagan namin hanggang ngayon.

"Ano ba talaga ang nangyari sayo ha?" naguguluhang tanong ni Joella sa akin.

"Alam mo, 'yung g*go kong ama, pinagkasundo ako ng kasal sa ka-sosyo ng negosyo nila. Ang green flag pa naman ng anak nila, alam kong hindi kami magkasundo n'on," hawak-hawak ni Naomi ang bote ng alak at sipsip niya pa rin ito.

"So dahil lang no'n gusto mo nang maglasing, tumigil ka nga Naomi, ang OA mo. Napaka-red flag mo na nga, dumagdag pa 'yang ka-OA-han mo," reklamo pa niya kesyo OA daw ako.

Alangan namang magpapakasal ako sa taong hindi ko mahal, di ba ang weird no'n. Tama sila nasa tamang edad na ako pero kailangan kong magtapos sa pag-aaral upang may matutunan naman ako kahit kunti.

But look, what daddy did to me. Napaka-selfish nila, sarili at kompanya lang nila ang inisip nila, baka nga nakalimutan nilang may anak sila na kailangan din maging masaya. Masaya naman talaga ako, malayang gawin ang lahat.

"Alam mo Toots, masaya naman ako ngayon eh. Malayang-malaya ko gawin ang lahat na bagay pero ewan ko ba at ano ang pumasok sa utak ni Daddy, bigla-bigla na lang naisipang ipakasal ako sa taong hindi ko naman gusto," mataas na litanya ko kay Joella at patuloy niyang nilaro ang buhok ko.

"Kaninong anak ha? Si Adam ba? 'Yung CEO ng Luxevus Grandeur Motors," tanong niya na ang tinutukoy ay ang heiress ng Luxevus.

Isa sa hinahangaang kompanya ang Luxevus Grandeur Motors na pinangungunahan ni Adam Liam Gustavus. Siya ang pinag-kalooban ng kompanyang ito nang sumakabilang buhay ang mayayaman niyang mga magulang. Si Adam Liam ay napaka-responsableng tao, nakasama ko na rin siya minsan sa mga team building ng kompanya.

"Ha? Hindi ah, si a-ano kasi si-" utal na sabi ko sa kanya na para bang nahihiya ako, may alam kasi siya kapag sinabi ko ang name nito.

"S-sino? Bakit hindi ka makasalita ha?" naguguluhan pa rin niyang tanong sa akin.

"S-si Xavier," tugon ko na lang sa kanya at biglang nag-init ang aking katawan ng mabanggit ang pangalan ni Xavier.

'Pangalan lang, nag-init agad' sa isipan ko.

"Ano! Di ba ma-" pinigilan ko na siya sa gusto niyang sasabihin at sinipsip kong muli ang alak na bitbit pa rin ang bote.

"Sheshhh, eto na lang sayo oh, shot," sigaw na sabi ko at tinaas ang wineglass habang sumabay kami sa tugtog.

Sa totoo lang, hindi ko na alam ang gagawin ko sa ngayong ipagkasundo kami ng kasal ni Xavier na sobrang bait sa binatang iyon. Napaka-redflag ko at pulang-pula pa sa red kaya halatang halata na hindi kami magkakasundo.

"Natulala ka dyan? Tara na toots, uwi na tayo, magmamadaling araw na oh may pasok ka pa tayo bukas sa university," sita na naman ng kaibigan kong si Joella habang ako ay patuloy sa pagsabay sa musikang naka-play sa bar.

"Hindi na ako papasok bukas Toots, alam kong grabe ang resulta ng gabing 'to. Isa pa, pina-excuse ako ni daddy dahil may pag-uusapan daw kami at alam kong tungkol na 'yon sa kasal na gusto nila," mataas na litanya ko while shaking my head dahil parang nahihilo na ako.

Catastrophe of  PleasureWhere stories live. Discover now