Chapter 9

198 11 0
                                    

Chapter 9

PHOEBE NAOMI RAMIREZ POV

Shit, Shit, Shit!

Kasalukuyan kaming nasa front desk ng resort ngayon, ini-interview ng mga kapulisan dahil may nakapagsumbong na staff na gumamit kami ng ilegal na gamot. Hindi ko din naman inaasahan na magdala ng bawal na gamot  itong mga kasamahan ko. Nadala ako sa curiosity ko, niyaya nila akong subukan ang gamot na iyon dahil nakakasigla raw ito.

Flashback

"Sige na Naomi, subukan mo na. Sigurado kaming magugustuhan mo ito, maganda ito," ani nina Ken, Mark at Leo habang bitbit ang lighter, foil paper at parang asin ata. Hindi ko na lubos makilala kung ano talaga 'yun dahil sa kalasingan ko.

"Ano yan? Asin? Nababaliw na ata kayo eh, anong gagawin nyo sa asin, kakainin nyo o lulutuin? Nagdala pa kayo ng lighter at foil paper, gawin nyo sigurong roasted salt noh?" ani ko pa na naguguluhan pa rin kong ano talaga ito.

"Sige na subukan mo na 'to, ganito ang unang gawin. Sundin mo ko, sundin mo," sambit ni Ken na parang expert pa ito sa ginawa niya.

"Masubukan nga," ani ko sa kanila at sinubukan ang bagay na iyon.

Sinunod ko kung ano ang ginawa nila, nag-eenjoy ako sa bagay na ginawa namin.

"Very good, Naomi. Masunurin ka talaga noh," komento pa ni Ken sa ginawa ko.

"Yeah, natural. Bastarda to 'noh," sagot ko pa at ngumisi.

Samantalang si Joella ay tumawag ng isang waitress upang dalhan kami ng dalawang bote ng wine.

Dumating na ang wine, isa-isang nilagyan ni Joella ang wine glass namin.

Namilog ang mata ng waitress ng makita kami.

"F.D.O, F.D.O (Front Desk Officer)." Wika niya sa radyong hawak niya na parang walkie-talkie.

"Yes come in." Sagot naman ng kabilang linya.

"Please check the camera footages now," ani ng waitress.

End of Flashbacks

Nakita ko si Xavier na papalapit sa amin parang umiyak ito nang makita  kami.

"Naomi, is that you?" naluluha niyang sabi sa amin. "What's going on, Naomi please answer me." Dagdag niya pa at isa-isang bumagsak ang luha niya sa sahig, lumuhod ito sa harapan ko.

"I'm really sorry, Xav. Please don't tell to mom and dad," ani ko na naiiyak na rin.

"No, karapatan nilang malaman ang ginawa mo. I'll call them," wika niya na patuloy  pa rin sa pagdaloy ang mga luha niya.

"Please Xav, nagmamakaawa ako sayo," humagulgol ako ng iyak para lang hindi malaman nina mommy at daddy.

"Bakit ano ba talaga ang nangyari at dinampot kayo ng mga pulis? Ha?," naguguluhan niyang tanong at patuloy pa rin sa pag-iyak habang hawak sa kanay kong nakaposas.

"M-may nakapag-sumbong sa amin na gumamit kami ng bawal na gamot, hindi ko naman kasalanan 'yun eh," ani ko pa na nakayuko at patuloy na bumagsak ang mga luha ko.

"Anong hindi mo kasalanan ha? You mean hindi ka gumamit bg bagay na 'yon ha?"

"No, dahil sa curiosity ko kaya sinubukan ko 'yon. Curious ako sa bagay na  'yon kaya ko sinubukan, akala ko roasted salt lang 'yung gagawin namin pero hindi eh," mangiyak-iyak na saad ko kay Xavier.

"Naomi, hindi lahat ng bagay na curious ka ay pwede mo nang gawin o subukan. May mga bagay talaga na curios ka pero hindi mo kailangang subukan. Maraming curious things na ikakasama ng sarili mo, tingnan mo ngayon. Naomi naman, bakit hindi mo lang sila tiningnan habang gumamit sila," patuloy pa rin sa pag-iyak si Xavier at hindi na alam ang gagawin.

Catastrophe of  PleasureWhere stories live. Discover now