Chapter 10
XAVIER AXEL MAURIN POV
Pasado alas dos na ng madaling araw, kasalukuyan akong nasa kwarto ko ngayon. Iniisip kung bakit iyon nagawa ni Naomi, ang gumamit ng bawal na gamot. Nagpapasalamat ako kay Tita at Tito dahil hindi na pinatagal sa presento si Naomi.
Dinampot ko muna ang smartphone ko para tingnan ang mga social media accounts, una kung binuksan ang facebook. Nagpop-up ang isang notifications patungkol sa birthday ng isa sa facebook friends ko. Kinlick ko 'yun at nagscroll up para tingnan ang mga paparating na birthday.
Nakita kong may nakalagay na 'Phoebe Naomi Ramirez, June 12, turns 20 years old', may humantong sa isipan ko. Ini-off ko muna ang smartphone ko tsaka pinatay ang lampshade para matulog muli.
Kinabukasan, kinausap ko sina mommy at daddy para sa ihahanda kong engagement party at birthday party ni Naomi.
Gusto kong isabay ang birthday party at engagement party namin para mas maganda ang kinalalabasan nito.
"Good morning mom and dad, meron sana akong sabihin sa inyo bago kayo pupunta sa kompanya," pagsisimula ko pa, bahagya namang umupo si daddy sa couch pati na rin si mommy.
"Yes hijo, ano 'yan?" Ani ni mommy at ngumiti samantalang nilapag ni Manang Betty ang tsaa sa mesa.
"Thank you manang, yes sabihin mo na."
"Gusto ko sana na isabay ang birthday at engagement party namin ni Naomi, mom, dad. If okay lang sa inyo," mahinahon kung wika habang sumipsip ng freshmilk.
"Oo nga pala, nabanggit ng Tita Ysabelle mo na birthday ni Naomi sa darating na petsa dose. Nakalimutan ata ng dalaga ang birthday niya." Saad ni mommy at uminom ng tsaa.
"Bakit naman hindi okay, 'yan ang hinintay namin ng mommy mo," ani ni daddy, nilagyan niya ng butter ang sandwich.
"Kailangan natin paghandaan 'yan, ipaalam ko kina Tita at Tito mo na 'yan ang plano mo pero huwag munang ipagpa-alam kay Naomi."
Kinuha ni mommy ang laptop bag para ilagay ito. "Thank you mom and dad sa pagsang-ayon."
Ngumiti naman si daddy. "Para sayo anak basta ikabubuti mo at walang taong masasaktan." Wika niya at tinapik ang balikat ko.
Tumayo si mommy sabay sabing. "Osya anak, magbihis na muna si mommy dahil pupunta na kami sa opisina," saad niya at kinuha ang suklay sa buhok. "Hon, halika ka na, isuot muna 'yung suit mo, hinanda ko kagabi." Wika ni mommy kay daddy at agad namang tumayo si daddy.
"Ang sweet talaga ng misis ko," malawak ang ngiti ng labi ni daddy ng banggitin niya 'yon.
"Bulero ka pa," tipid na ani mommy tsaka kinurot ang pisngi ni daddy.
Kahit medyo may edad na sina mommy at daddy, nakuha pa rin nilang maglambingan sa isa't isa. Sana balang araw, ganyan din kami ni Naomi pero malabo atang mangyari 'yon.
Umakyat ako sa kwarto ko tsaka kumuha ng tuwalya upang maliligo na rin. Bibisitahin ko si Naomi sa bahay nila at i-check kung okay siya baka sasaktan 'yun ni Tita Ysabelle. Mas mapanakit si Tita Ysabelle kaysa kay Tito na kalma lang. Kung ano man ang pagkakamali ni Naomi ay si Tita ang nagdidisiplina pero ulit-ulitin pa rin ni Naomi ang mga mali niyang nagawa.
Matapos kung naligo ay nagbihis agad ako ng damit pambahay tsaka bumaba, sakto namang may pagkain na sa mesa na hinanda ni Manang Betty.
"Mom, dad." Tawag ko sa mga magulang ko nagbabakasakali na andyan pa.
"Hijo, umalis na sina mommy at daddy mo papuntang opisina." Ani ni Manang Betty sa akin, umupo na lang ako sa silya.
"Ganon ba, Manang. Saluhan niyo na lang ako dito sa hapag-kainan kung hindi pa kayo nakakain," aya ko kay Manang Betty. "Nag-umagahan na ba kayo?" Dagdag ko pa kay Manang.
"Opo tapos na kami Señorito, sumabay kami nina Señorang kumain," sagot niya sa akin.
"Ah sige, ganon ba. Ahmm manang, sabihin mo kay Manong Mario pakihanda po ng kotse," utos ko sabay alis ni Manang.
Bumalik si Manang. "Sino ang driver mo, hijo?" Tanong niya sa akin.
"Ako na lang magdrive ng kotse, may ginawa pa kasi si Manong Lito, ayaw kong makaabala," sagot ko sa kanya.
"Driver naman po siya dito, hijo kaya pwede niyang ipagpaliban ang kanyang ginagawa."
"Hindi na po talaga Manang, kaya ko naman ang sarili ko. Naglilinis pa kasi 'yun ng isang kotse at delivery truck kaya ako na lang muna."
"Sige hijo, ikaw na ang bahala. Aalis na ako at tatawagin ko pa si Mario."
"Salamat po," tipid na sambit ko.
After kung kumain ay umakyat muli ako upang magsuot ng desenteng damit. Pupuntahan ko na si Naomi sa bahay nila, sana ayos lang siya sa gayong gumamit iyon ng bawal na gamot.
Dinampot ko ang smartphone ko na nasa gilid ng lampshade. May text ito galing kay mommy.
"Alis na kami anak, ingat ka dito." Bilin ni mommy sa akin sa texts, ngumiti naman ako.
Nakagawian na ni mommy at daddy ang magtext sa akin kapag hindi ko sila maabutan sa baba na papaalis papuntang opisina.
Napili kong suotin ay ang black pants tsaka oversized t-shirt na paparesan ng puting sapatos.
"Manang, aalis muna ako. Puntahan ko si Naomi sa bahay nila," paalam ko pa kay Manang Betty.
"Sige hijo, mag-ingat ka sa biyahe mo," bilin ni Manang Betty. Hinatid niya ako sa labas hanggang sa makasakay ako sa kotse.
Ako na ang nag-drive upang hindi na makaabala kay Manong Lito na nagka-carwash ng dalawang sasakyan.
Mahigit trayenta minuto ang biyahe papunta sa bahay ni Naomi, hinay-hinay lang kasi ako sa pagpatakbo ng kotse. Yung ibang driver ng mga sasakyan parang nasa fun race show, ang bilis magpatakbo ng sasakyan.
Dapat talaga kapag driver ka o nagmamaneho ng kung anong uri ng sasakyan ay kailangan mong i-kontrol ang bilis o takbo nito dahil kung hindi, goodbye na lang talaga. Pwera na lang kung emergency, oo pwedeng magpabilis na takbo pero hindi naman lahat ng emergency ay magpadalos-dalos agad sa pagpapatakbo ng sasakyan.
Bawat tao, may nakasunod o sunod-sunurang hindi maasahang pangyayari kaya doble ingat tayo sa isa't isa kung ano man ang desisyon, plano at hakbang. Mahalaga ang bawat isang buhay natin kaya responsable natin na ingatan at pahalagahan ito, hiniram lang ang ating buhay na meron tayo.
Ilang segundo ang nakalipas ay nakarating na ang kotse ko sa harap ng malaking gate nina Naomi. Binuksan 'yon ng isa sa mga guard sa bahay ni Naomi.
Pagkababa ko sa kotse at matapos nang magpark ay bumungad sa akin si Manang Dahlia. "Good morning hijo," bati niya at hindi na ako nagsalita sa halip ay tumango at ngumiti na lamang ako.
"As'an si Naomi?" tanong ko agad kay Manang Dahlia.
"Nasa loob lang po ng kwarto niya, ayaw lumabas eh." Sagot niya sa akin.
"Ano? Kumain na ba 'yon?" may pag-alalang tanong ko pa.
"Hindi pa sir, wala daw kasing gana sabi niya kanina."
"Sige, aakyatin ko na lang sa taas."
Dali-dali akong umakyat sa kwarto niya upang i-check siya kung ayos ba siya.
Kumatok ako pagkadating ko mismo sa pinto ng kwarto niya. Mabilis ang pagkatok ko dahil punong-puno ng pag-alala ang sarili ko.
Mabuti na lang at bukad ang pinto, hindi niya ni-lock.
"Naomi? N-Naomi?" namilog ang mata ko ng makita siya bumalagta sa kama niya, hindi ko alam ang nangyari.
~~~
Ano kaya ang posibleng nangyari kay Naomi sa gayung gumamit ito ng ipanagbabawal na gamot?Love lots, juelaxx♡

YOU ARE READING
Catastrophe of Pleasure
AkcjaSi Xavier Axel Maurin at Phoebe Naomi Ramirez ay pinagkasundo ng kasal ng kanilang mga magulang. Nagbaka sakaling magbago ang babaeng si Naomi, ito ay may katangian na redflag samantalang si Xavier naman ay greenflag. Bago nangyari ang kanilang eng...