Chapter 22

100 4 0
                                    

Chapter 22

XAVIER AXEL MAURIN

"Kumusta ang araw mo, hon?"

"Okay lang naman, medyo busy lang sa trabaho. Ikaw?"

"Okay naman. May bago ka na bang balita patungkol sa paghahanap mo ng bagong kliyente?"

"Ah, oo nga pala, may email na natanggap ko kanina. May conference raw next week."

"Saang lugar?" alalang tanong ni mommy.

"Sa Zebuja. Medyo kailangan ko yatang mag overnight dun."

"Ah,  sige. Ipagluluto na lang kita ng paborito mong adobo bago ka umalis."

"Salamat, hon. Naku, kailangan ko na rin pala itong cellphone. May kailangan akong i-check sa office."

"Ah, dad, ako na lang ang kukuha sa sala," alok ko kay daddy ng marinig ang usapan nila.

Dali-dali akong bumaba sa sala para kunin ang cellphone ni daddy. Dinampot ko na ang cellphone at may  text message notification ng mag-on ito.

"Senior, wala na po tayong mga babae para ipadala sa ibang bansa."

Nabasag ang baso ng wine na katabi sa phone ni daddy. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko naman ginalaw.

Kinabahan ako sa nabasa ko pati sa pagbasag ng basi pero mas pinili kong ibalewala iyon dahil ayokong magduda, sobrang bait ni daddy. Sana patungkol lang ito sa business nila.

Dali-dali akong umakyat sa kwarto nila upang iabot ang cellphone kay daddy nang mag-ring ang cellphone ko sa bulsa.

"Hello, Police Officer Damon Refuel speaking."

"Yes police officer, what can I help you?"

"Ang anak mo andito sa presento, may nag-turn-over dito. Nakita raw ito sa isang waiting shed na kalapit sa bahay ng fiancee mo," parang tumigil ang mundo ko ng narinig ang mga salitang iyon.

"On the way sir, please take care of my baby."

"Yes, will do."

Dali-dali akong pumasok sa kwarto para magbihis papuntang police station.

"Hijo, bakit ka nagmamadali. Hinay hinay lang baka ano pang mangyari sayo. Ano bang nangyari?"

"Mom, si Viemi nasa police station."

"But why? Sabi ng daddy mo kasama ni Naomi sa photoshoot."

"Yun na nga mom eh, hindi ko alam. Hindi rin sinabi kung nasaan si Naomi, basta na lang daw itinurn-over si baby."

"Sige, susunod na lang kami ng daddy mo."

"Mom, I need to go. Bye."

Natataranta na ako, hindi ko na alam kung anong nangyari, nakapagtaka lang kung bakit naroon si baby sa presento.

Sinubukan kong tawagan si Naomi pero out of coverage ang cellphone, hindi ko alam kung bakit. Ngayon ko lang naranasan na nakakailang tawag na ako pero hindi niya pa rin sinasagot. Mas lalo akong kinabahan ng bumagsak ang picture frame namin na nasa tapat ng manibela ng kotse.

"Please, answer love. Please." Pauulit ulit kong dinial ang phone number niya pero wala pa rin, hindi pa rin sumasagot.

"Love, asa'n ka na ba? I'm really worried about you, please answer the call," bulyaw ko sa aking sarili.

Pagdating ko sa harap ng police station ay dumiretso agad ako sa office ni Officer Refuel.

Nakita ko si baby na iyak ng iyak ito parang may ipinahiwatig.

Catastrophe of  PleasureWhere stories live. Discover now