Chapter 7
PHOEBE NAOMI RAMIREZ POV
Umuwi na si Xavier after dinner kaya nagpahinga na rin ako, umakyat ako sa taas upang ayusin ang mga gamit ko pero nagbabasakali ako na ayos na at malinis na 'yun.
Nang makarating na ako sa kwarto, ngumiti ako dahil malinis at maayos na lahat. Nilinisan ata ng mga katulong at nawala rin ang mga kurtina, nilabhan siguro iyon.
Binagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama tsaka kinuha ang cellphone para tingnan ang IG. Maya-maya pa ay nakaisip ako ng kalokohan, tinawagan ko si Xavier.
Life is full of surprises. May mga oras talaga na gagawa ka ng kalokohan para sa sarili mong freedom at kaligayahan. Pero may ibang kalokohan na ikakapahamak ng tao o ikakasama ng ibang tao. Minsan idadamay pa ang ibang tao para lang magibg masaya.
May mga panahon din na ang saya-saya mo pa kanina pero maya-maya pa ay mapapalitan agad ito ng matinding kalungkutan kaya mag-ingat tayo sa mga masasayang oras o panahon.
"Good evening," bati ko sa kanya habang nakangiti. Hanggang ngayon awkward pa rin dahil wala pa kaming tawagan, nakakahiya kasi kapag Xavier ang itatawag ko sa kanya sa gayung ikakasal na kami.
"Good evening, wow na-miss agad? Kakita lang natin kanina ah," pagbibiro pa niya na halatang tumawa ito, klaro ang pagtawa niya sa kabilang linya.
"Nakakamiss ka naman talaga," mahinahong bulyaw ko na pinigilan ang pagngiti.
"A-ano?" Maang-maangan niya pa kesyo hindi daw narinig.
"Wala, sabi ko may favor ako sayo."
"Favor? Like what?" ani niya na parang natigilan.
"Aalis ako ngayon, mag-hang-out at mag-unwind lang kami ng mga high school batch ko," pagsisimula ko pa.
"And so? What's the matter?" Ani niya na parang nagtataray ito.
"Magpapaalam ako kina daddy at mommy ngayon, magkukunwari ka na isasama mo ako na manood ng sine," mahinahong boses ko para naman sasang-ayon si Xavier.
"Wow, tinuruan mo pa talaga ako na magsinungaling ha," saad niya sa kabilang linya.
"Kung ayaw mo edi huwag, basta huwag na huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan," pagbabanta ko pa sa kanya.
"Sige na nga pero sabihin mo 'please master' with a pity voice," pang-iinis niya pa sa akin.
"Please master, mwa mwa ka sa akin," saad ko para wala na siyang ibang sasabihin.
"Well that's good so magpaalam ka na kina Tito at Tita," alam kong nakangiti siya sa kabilang linya ng sabihin niya iyon.
"Thank you so much Xav," ani ko na namumuo ang ngiti sa labi.
Nagbihis ako ng damit pangbabae para hindi magduda sina mommy at daddy kapag magpapaalam ako.
Pasado alas syete na ng gabi, medyo maaga pa. Bumaba ako upang magpaalam kina mommy at daddy, nasa sala sila pagkatungtong ko ng ground floor busy sa isa't isa habang hawak ang mga docunents at laptop nila.
"M-mom, D-dad," pagsisimula ko pa ng sasabihin, tumigil naman si mommy at nilapag ang mga hawak niyang gamit sa mesa.
"Yes honey, oh nakabihis ka ha, saan ka ba pupunta?" Tanong agad ni Daddy sa akin.
"Bihis pambabae ang dalaga namin ha, may inspiration ata," panunukso ni Mommy Ysabelle sa akin, tumawa na lang ako ng mahina.
"Dad, isasama sana ako ni Xavier manood ng sine ngayon, if okay lang daw sa inyo ni mommy," ani ko pa sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/352624226-288-k76273.jpg)
YOU ARE READING
Catastrophe of Pleasure
ActionSi Xavier Axel Maurin at Phoebe Naomi Ramirez ay pinagkasundo ng kasal ng kanilang mga magulang. Nagbaka sakaling magbago ang babaeng si Naomi, ito ay may katangian na redflag samantalang si Xavier naman ay greenflag. Bago nangyari ang kanilang eng...