Chapter 3
PHOEBE NAOMI RAMIREZ POV
"Oh, napadaan ka Toots? Dapat dumiretso ka na sa school," bungad ko kay Joella na maagang napadaan sa bahay namin.
"Ah, wala bang good morning dyan?" mataray na sambit niya na parang wala sa mood.
"Ang aga-aga mo namang wala sa mood," sagot ko sa kanya.
"Ito kasing si Momma, parang hindi na nasanay sa pagiging maldita ko," saad niya na naiinis at umupo sa couch ng sala namin.
"Ano na namang ginawa mo, sinagot-sagot mo na naman ba ha. Nagmana ka talaga sa akin noh, maldita." Saad ko sabay inirapan siya.
"Breakfast na lang tayo, halika na. May hinanda si Manang Dahlia dito," aya ko sa kanya, agad naman siyang tumayo.
"Mabuti pa para naman mabawasan ko ang sama ng loob ko," ani niya na sumunod sa akin patungong hapag-kainan.
After a few minutes, natapos na kami sa breakfast namin.
"Tara, let's go toots," ani ko sa kanya nang makababa ako mula sa kwarto ko samantalang naghihintay siya sa couch.
"Iba ang outfit of the day mo, aesthetic ka ngayon, hindi na bihis lalaki, bihis babae na. Ganyan ba talaga kapag inlab," panunukso pa niya sabay ngiti sa suot kong brown croptop at nude na trouser sabayan pa ng korean back pack na black.
Na-shock si Joella sa suot ko ngayon, nagbihis pambabae ako. Before kasi, para akong nagsuot ng damit panlalaki. Napaka bastarda kong tingnan, parang isang hindi anak mayaman kaya nabigla siya ngayon sa outfit ko.
"Sheshhh ka na lang Toots, tara na nga," ani ko at hinila ko siya upang tumayo na sa inuupuan niyang couch.
"Sige Toots," sang-ayon niya sa akin at naghawak kamay kami.
Nakangiti na siya ngayon hindi tulad kanina na nakasimangot pagdating sa bahay namin.
Ako na ang nagdrive ng kotse dahil umalis si Kuya Luis, may hinatid sa office ni daddy.
"Ikaw ang mag-drive Toots?" namangha niyang tanong sa akin.
"Hindi ba obvious toots?" pilosopo kong sabi sa kanya at sinimulan ang pagpapa-andar ng sasakyan.
"Obvious hehe, " nakangiti niyang sabi sabay ayos ng seatbelt.
"Let's go," ani pa niya at tuluyan na kaming lumabas sa malaking gate habang sinara naman ng mga guard ang gate.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa university. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakasunod sa amin ang sasakyan ng future hubby ko este Xavier.
Una na akong nagpark ng sasakyan at sumunod naman siya sa gilid. Itong si Joella parang tanga, imbis na ako ang kiligin dahil nagkasabay kami, siya pa ang palo ng palo sa akin.
"Tumigil ka nga Toots, sakit na ng balikat ko kakapalo mo," ani ko sa kanya.
"Toots, yung future hubby mo nagkasabay kayo," ani niya pa at simula ng mamula ang pisngi ko.
"Huwag ka nga'ng maingay dyan, mamaya na tayo baba kapag nakaalis at nauna na siya," ani ko sa kanya sabay palo sa balikat.
Tuluyan na nga'ng bumaba si Xavier at kitang kita ko talaga sa dalawang mata ko ang suot niya na napaka desente tingnan, mahihinuha mo talaga na anak mayaman siya.
Napansin niya ang kotse ko na bago lang naka-park kaya pumunta siya sa driver seat ng kotse sabay bukas niya ng pinto.
"Ms. Naomi," mahinang ani niya sabay bukas ng pinto ng kotse ko samantalang si Joella ay palong-palo sa balikat ko.
YOU ARE READING
Catastrophe of Pleasure
ActionSi Xavier Axel Maurin at Phoebe Naomi Ramirez ay pinagkasundo ng kasal ng kanilang mga magulang. Nagbaka sakaling magbago ang babaeng si Naomi, ito ay may katangian na redflag samantalang si Xavier naman ay greenflag. Bago nangyari ang kanilang eng...