Chapter 16
XAVIER AXEL MAURIN
Nasa bahay na kami ni Naomi, hindi ko muna pinasok ang kotse dahil uutusan ko nalang si Manong Luis. Nang bumaba na ako ay agad kong kinuha ang scarf na ilagay sa mga mata ni Naomi.
"Bakit may ganyan ka pang nalalaman, ayusin mo ha baka madapa ako," utos niya sa akin.
"Oo naman, ang galing ko kaya mag-alaga sayo," matamis na wika ko sa kanya.
"Bakit ang tahimik ng mansion, walang katao-tao nasaan ba ang mga tao dito, wala man lang bumati sa akin na mga kasambahay." Reklamo niya pa na animo'y ang tahimik ng lugar.
"Sila mommy at daddy, nasaan kaya? Pati ba naman sa birthday ko wala silang pakialam, putang-inang buhay 'to oh," parang nagagalit na ito.
"Kalma ka na nga lang."
"Anong kalma? Tsaka kunin mo na nga yang scarf sa mga mata ko," pagalit na utos niya sa akin.
"Mamaya na, malapit na tayo," ani ko tsaka patuloy pa rin sa paghawak sa mga kamay at braso niya.
Bawat tao na nadadaanan namin ay ngumiti lang ng tahimik, niisang walang kaluskos. Paliko na kami papuntang garden isang ngiti na galing sa aking labi na hindi ko maintindihan.
"We're here," dahan dahan kong tinanggal ang scarf sa mga mata niya.
Her reaction is quiet shock. Parang hindi siya makapaniwala dahil niisang nagdaan na birthday niya ay wala siyang maalala.
"OMG! Is this a nightmare?" bigla niyang tanong sa akin ng marinig ang mga taong nakapaligid sa kanya na sabay sabay sumisigaw at bumati.
"Happy 20 birthday, Phoebe Naomi Ramirez."
"Happy birthday Miss Phoebe Naomi," bati ko sa kanya sabay forehead kiss. Lumapit naman sina Tita at Tito sa hugis pusong tinayuan namin na punong-puno ng mga balloons.
"Are you happy, hija?" tanong ni Tita Ysabelle.
"Happy birthday anak," nakangiting bati ni Tito sa kany sabay beso-beso sa pisngi nito.
"Thank you mom and dad, I don't really expect this things," rinig kong sagot ni Naomi sa parents niya.
"You're welcome anak, I hope napapasaya ka namin," nakangiti ng malawak si Tito Rashid.
"Of course. Both of you made my day complete." Masayang tugon ni Naomi.
Nagsipalakpakan ang mga tao sa paligid namin ng matapos sila sa pagkanta na happy birthday.
Nag-enjoy muna ang mga tao sa pag-iinom ng mga hard drinks at food delicacies dahil mamayang alas sais pa sisimulan ang program.
Samantala, kami ni Naomi naman ay nasa make-up room, sinamahan ko siya rito. Tinulungan ko ang mga make up artists na ayusan si Naomi. Matapos ang paglagay ng mga make ups sa pisngi niya, inabot ko sa leeg niya ang diamente na kwentas, kulay ube ito. Kinuha naman ng fashion designer ang kanyang evening gown na kulay ube rin.
Sinimulang pinasuot ang gown na kurbang kurba sa kanyang katawan, fit na fit ito.
Pasado alas sais na ng gabi, magsisimula na ang event birthday celebration.
"Good evening everyone, by the way I'm Clifford Ruiz, your emcee in this evening. Let us start our birthday party celebration, please welcome our 20th birthday celebrant Miss Phoebe Naomi Ramirez," saad ng emcee'ng bakla na kasalukuyang nasa harapan namin.
Lumabas si Naomi na animo'y parang diwata na hulog ng langit. Ang kanyang mga mata, labi, ngiti at ang hugis ng kanyang katawan ay labis na nakakabighani. Mas lalo akong napaibig sa kanya, ngumiti siya sa harapan namin at nagkaway. Maraming tao sa paligid ng hardin kung saan ginanap ang selebrasyon, mga kadalasan ay mga business partners ni Tito Rashid at Tita Ysabelle, kasama na rin ang mga business partners ni mommy at daddy.
Mga tao na halatang mayaman tingnan, sa pananamit pa lang nila ay desente na at ang mga mukhang mayaman. Halata namang nag-eenjoy ang mga ito dahil sa mga matatamis nilang ngiti.
Kasalukuyang nasa celebrant chair si Naomi, pangiti ngiti ito. Nagreflect ang mga glitters ng kanyang fitted gown sa mga iba't ibang kulay ng lights na nakatutok sa kanya.
"Ahm, miss celebrant, please welcome them." Saad ng emcee na si Clifford at tumayo naman si Naomi.
"Hello everyone, good evening and thank you for coming. I appreciated your presence, you know what, hindi ko ini-expect ang gabing 'to. Kagagawan 'to ng family ko, I'm super thankful to Mommy Ysabelle, Daddy Rashid, Tito Tristan, Tita Scarlett, my beautiful best friend Joella and especially to my man Mr. Xavier na palaging nasa tabi ko simula pa 'nong araw na pinagkasundo kami ng kasal." Wika niya sa harap ng maraming tao, ngumiti naman ako at nagsipalakpalakan kaming lahat.
Pagkatapos niya sa welcome speech ay umupo siyang muli sa celebrant chair.
"Thank you for such a wonderful message miss celebrant, and now let's welcome her parents Mrs. Ysabelle and Mr. Rashid, to follow by Mr. and Mrs. Maurin, Joella and her handsome man Mr. Xavier," aning emcee. Sabay-sabay kaming pumunta sa stage kung nasaan si Naomi, nasa tabi niya ako umupo.
Isa-isang nagmessage ang parents niya kasama sina mommy at daddy pati si Joella. Tinawag na ang pangalan ko kaya sabay kaming tumayo ni Naomi. Inabot ng emcee ang dalawang microphone sa amin ni Naomi.
"There is something I can tell you now," saad ko.
"What, what is it," tanong ko.
"Close your eyes."
"Bakit may surprise ka na naman noh." Nakangiting saad niya.
"Aba, syempre birthday gift ko, bakit?"
"Mr. Xavier," pinanlakihan niya ako ng mata.
"Basta, close your eyes." Dahan-dahang ibinaba ang birthday background wall sa likod namin. Kasalukuyang nakita ngayon apat na salita. Naghihiyawan naman ang tao sa paligid.
Will you marry me?
Those four words.
"Open your eyes and look at your back."
"OMG! Matagal pa naman 'yung kasal natin."
"I know, I know. I ask your dad if we can start dating. Mabuti ng engage tayo noh para maari na kitang tawagin ng kung ano-ano."
"Matagal naman tayong nagsimulang nagdate ha."
"Eh para namang wala 'yun, friends date lang 'yun. It feel better if may promise ring at engagement ring ako sayo, since six months pa before ang exact date ng kasal natin." Mataas niyang litanya.
"Nenerbyos naman ako don."
"Say yes, say yes, say yes." Sigaw ng mga tao sa paligid.
"Phoebe Naomi Ramirez, like I've said. This is a promise ring. I promise to always take care of you even if you don't need me too. I'll always protect you even if you can do all that. Malakas ka, alam ko. I promise to be always be your best friend. Through good times and bad times. I promise to be.. To try to be a better person everyday so I can give you the best version of me. Because you truly deserve the best."
Dahan-dahan kong sinuot ang sing-sing sa daliri ni Naomi.
"At dahil suot suot ko ang promise ring mo, Xavier Axel Maurin, I promise to do the same for you." Pinasuot ni Naomi ang promise ring sa daliri ko. Ngumiti kami pareho, nagsihiyawan naman ang mga dumalo sa engagement party.
"Will you marry me?"
"Say yes, say yes," rinig kong mga salita sa paligid.
"Y-yes," she screamed and my eyes become widen when I heard those words.
"Thank you love," niyakap ko siya ng mahigpit, nagsisigawan ang mga tao. Habang yakap-yakap ko siya, hindi ko mapigilan na halikan ang kamay niya.
Kahit pinagkasundo lang kami ng kasal, kailangan ko rin siyang tanungin ng pormal kung papakasalan ba niya ako o hindi. Ilang beses na kaming nag-usap tungkol sa kasal namin but seems everything are not ready.
~~~
After their engagement party, what would be happen next?
Love lots juelaxx♡
YOU ARE READING
Catastrophe of Pleasure
ActionSi Xavier Axel Maurin at Phoebe Naomi Ramirez ay pinagkasundo ng kasal ng kanilang mga magulang. Nagbaka sakaling magbago ang babaeng si Naomi, ito ay may katangian na redflag samantalang si Xavier naman ay greenflag. Bago nangyari ang kanilang eng...