Chapter 10: Sukli
Kiel's POV
.
.
Naiinis na ako sa Zach na 'yun ha. Hoi pero nakakaproud mga 'te!! First time ko siyang masigawan.New achievement na naman 'to. Pwede na ilagay sa Guinness Book of World Records.
Malapit na talaga, malapit-lapit na rin. Makakamove on na ako sa kaniya. Akala niya ha, ipaparanas ko sa kaniya ang lupit ng isang api!
EMEEE.
Tapos ngayon? Ano nang gagawin ko?
Syempre bibili ng pagkain, tinapon ba naman kasi. Sayang na sayang talaga 'yun. Oh my Chicken Katsu, the world is so cruel.
Nang makabili na ako ng pagkain ay naghanap na ako ng pwede maupuan. Bali ang binili ko pala ay spaghetti at burger.
"Kiel bebe tara dito!"
Hinanap ko kung sino tumawag sa'kin, si Janice pala. Inaaya niya akong umupo sa table nila. Go na lang ako, sino ba ako para mag-inarte.
Hindi ko napansin kasama pala nila si James. Kasama rin 'yung iba naming classmate.
"Hi Kiel, my honeybunch" James.
"Yieee how to be you Kiel" —si Kara classmate din namin.
Honeybunch amp. Nalilito na ako kung bet ba ako ng James na 'to o charot-charot lang. Pero feel ko kasi bisexual siya eh. Ayoko namang mag-assume basta-basta.
"Stop it James, hindi mo ba alam sila na ni Kyler" Janice.
"Ha? Pinagsasabi mo Janice. Huwag ka nga magpakalat ng fake news diyan" ani ko.
"See? I told ya they're not dating" sabi ni James kay Janice na may pataas ng kilay.
"Noo! lowkey lang daw kasi sila. Kyler told me himself" Janice.
"Ano ka ba Kiel, dapat hindi mo tinatago ang relasyon niyo. You should be proud" dagdag ni Janice.
"Kita mo 'tong tinidor? Didiretso 'to sa lalamunan mo 'pag hindi ka tumigil sa mga sinasabi mo" pagbanta ko sa kaniya.
"Ay grabe siya, I'll close my mouth na nga" Janice.
"Haha! Deserve." asar ni James kay Janice.
Naningkit naman ang mga mata ni Janice.
Ano na naman ba kasing pinagkakalat ng Kyler na 'yun. Lagot sa'kin 'yun pagpasok niya.
"Bahala na kayo kung anong gusto niyong paniwalaan" sabi ko na lang sa kanila.
"So are you really single my love?" tanong sa'kin ni James.
"Single and not ready to mingle 'cause I don't have a tingle" tugon ko.
"HAHAHAHAHAHAHAH siraulo" Janice.
"HAHAHA you're funny" James
Tawang-tawa din 'yung mga kasama namin sa table. Ano ba kasi 'tong sinasabi ko.
"Haynakoh kayo, bahala nga kayo diyan kakain pa ako" sabi ko.
In fairness, masarap ang spaghetti ng cafeteria ngayon. Minsan kasi matamis masyado, minsan naman walang lasa. Good mood siguro ang nagluto nito.
"Hey Zach! Tapos ka na mag-practice?" si James.
"Omg, Zach's here" sabi ng mga kasama namin sa table.
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Romance"UNCRUSH him? Walang problema. Pero bakit kung kailan ayaw ko na sa kaniya ay t'saka naman siya magpapapansin sa'kin. I hate him!" Kiel. "Whatever you say, I love you," Zach. ____________________ Witness their chaotic yet cute love story. Isang kwe...