Chapter 25: Personal
Kiel's POV
.
.
.
Nagsimula na ang unang araw ng 'Willowbrook Sports Festival' so bali Monday ngayon. Syempre unang araw pa lang kaya opening program lang muna ang peg. Ipapakilala 'yung mga schools na makakalaban ng school namin at 'yung mga gaganapin sa susunod na mga araw.Sa first day puro mga booths muna ng iba't ibang club ang makikita mo. Pinuntahan ko muna ang club ng bff ko. Dahil Arts Club nga sila edi paintings ang paandar nila. 'Personalized Instant Paintings' yung tawag nila, pwede ka mag-request ng kahit anong gusto mong ipa-paint ta's ipipinta nila 'yun as fast as possible.
Ang shala 'di ba, talagang they are showcasing their talents AT mapagkikitaan pa nila.
Okay naman ang club nila. Bet ko 'yung mga paandar nila.
"Taray naman ng baklang 'to, ang sexy mo today ah," bungad sa'kin ni Camille.
"Ay napansin mo ba? Papansin ka talaga."
"Hahahaha seryoso nga, ang sexy mo sa suot mo ngayon."
Nagsuot kasi ako ng high waist na wide legged pants at fitted na croptop with matching sunglasses and sling bag. Simpleng lang talaga siya.
"True ba? Mas maganda ka naman eh."
"Nambola pa si bakla oh, pero for sure marami kang maaakit na julaki jarn."
"At para mas bongga ka dzai, halika at make up-an kita," dagdag pa niya.
So ayun na nga, hinila na ako ni babaita para lagyan ng make up 'yung mukha ko. Napaka-supportive talaga nitong babaitang 'to.
At ayun, nilabas na niya ang kaniyang mga gagamitin habang nagniningning ang kaniyang mga mata na tila sabik na sabik sa kaniyang gagawin.
"Ang kinis naman ng mukha mo baks, anong skincare mo? Tamod ni Zach?"
Napasinghap ako sa kabalbalan ng bunganga ng babaeng ito. Hindi ko tuloy maiwasang isipin 'yung tinutukoy niya.
"BASTOS KANG BABAE KA!" sigaw sabay hampas ko sa kaniya na siya namang nagpatawa sa kaniya nang malakas. Narinig din 'yun ng mga kasama niya kaya rinig ko rin ang mga munting hagikgik nila.
Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, walang pinipiling lugar ang bunganga basta masabi lang ang gustong sabihin.
"Malay ko ba kung ano nang ginagawa niyo ng lalaking 'yun, halos hindi nga kayo mapaghiwalay eh," aniya.
"Baliw, alam mo naman kung anong set up namin ni Zach," sabi ko at iniangat ang mukha ko dahil sinimulan na nitong lagyan ng mga keme-keme.
Naisip ko tuloy 'yung bagay na 'yun, malamang may experience din si Zach. Sigurado nagawa na nila 'yun ni Vanessa...
EDI MAGSAMA SILANG MALALANDI!
Isama-sama pa niya tuwing practice tapos naiinis kapag ginagawa ko sa iba 'yung trabaho ko sa kaniya. Eh nandu'n nga 'yung babaitang 'yun. Magsasama siya ng pakialamera tapos sa'kin niya ibubuntong inis niya. Bahala siya diyan.
"Oh baks, joke lang naman 'yun grabe naman ang inisavility mo"
"Huh?"
"Grabe bumusangot 'yang mukha mo 'te, nakaka-bother ka," sagot niya.
"Gaga, may naisip lang ako," depensa ko naman. Nagkibit-balikat na lamang siya at tinuloy ang ginagawa.
Hindi ko napansin na tumutugma pala 'yung mukha ko sa inis na nararamdaman ko. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa damuhong 'yun. Hindi ko talaga siya papansinin ngayong araw. Pake ko sa kaniya. Magsama sila ng babaeng 'yun.
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Romance"UNCRUSH him? Walang problema. Pero bakit kung kailan ayaw ko na sa kaniya ay t'saka naman siya magpapapansin sa'kin. I hate him!" Kiel. "Whatever you say, I love you," Zach. ____________________ Witness their chaotic yet cute love story. Isang kwe...