Chapter 11: Noted

43 3 0
                                    

Chapter 11: Noted

Kiel's POV
.
.
"Kiel, balita ko may naghatid daw sa'yong lalaki dito ah" sabi ni papa.

Nasabi siguro sa kaniya ni mama.

"Ah, oo pa..si Kyler po 'yun..kaibigan ko" tugon ko.

"Kaibigan nga ba talaga?" tanong ni papa na may halong pagdududa.

"Oo nga po"

"Naku! hindi mo na kailangang itago 'nak ikaw naman. Alam mo namang si papa ang number 1 supporter mo" aniya.

"Wala po akong tinatago, t'saka hindi ko naman po gusto 'yun si Kyler" sabi ko.

"Kuya akala ko si Zach lang mamahalin mo" singit ng kapatid ko.

"Ha?! May jowa na ba kuya mo Kuzon?" hindi makapaniwalang tanong ni papa sa kapatid ko.

"Opo! sabi niya love na love niya po 'yung Zach" Kuzon.

Anak ng kumpuruhus. Sa'n mo na naman nakuha 'yang mga sinasabi mo Kuzon. Mamaya ka sa'king bata ka.

"Lika nga dito Zon-zon" tawag ko sa kapatid ko.

"Ano 'yun kuy- ARAAYYY" sigaw niya pagkatapos kong kurutin pisngi niya.

"Napakacute mo talaga 'no"

"Papa si kuya oh! kinurot pisngi ko huhu" sumbong niya kay papa.

"Awww kawawa naman ang bunso ko na 'yan" sabi ni papa habang hinahalikan pisngi ng kapatid ko.

"Kiel" tawag sa'kin ni papa.

"Wala po akong jowa pa, 'yung tungkol po kay Zach dati ko po siyang crush pero ngayon wala na po. T'saka magsasabi naman po agad ako kung may jowa na ako, promise po wala akong jowa ngayon" paliwanag ko sa kaniya.

"Hala, tinawag kita kasi kakain na tayo. Luto na raw 'yung pagkain sabi ng mama mo" sabi ni papa.

"Si papa naman eh"

"Hahahaha oh siya sige tara na't kumain tayo"

"Ouch!" kinurot ako ng kapatid ko sa pwet.

"Bleeee" Kuzon.

"Tama na 'yan" suway sa'min ni papa.

Gigil ako ng batang 'to ah.
.
.
.
_____________________

WILLOWBROOK HIGH

"Seriously?! Owemji ka baks nawala lang ako ng ilang araw ang dami nang ganap ha" hindi makapaniwalang sambit ni Camille.

Kwinento ko kasi sa kaniya 'yung mga nangyari kahapon. Ako rin naman hindi ko inexpect na mangyayari 'yung mga bagay na 'yun.

"Pero shala, nag-apologize siya sa'yo. Dapat nu'ng nakaraan pa siya nag-sorry" ani Camille.

"Kaya nga eh, e 'di sana crush ko pa rin siya ehe"

Napasimangot si Camille, naiinis na naman siya.

"Alam mo ikaw tigil mo na 'yan kaya ako nagkakasakit eh kasi puro ka katangahan" sabi niya.

"Ahy huwaw naman kasalanan ko pa talagang nagkasakit ka ha, ang sabihin mo puro ka kasi kapokpokan kaya ka nagkakasakit" sabi ko.

Namiss ko 'tong bardagulan namin hahaha. Mamaya magsasabunutan na kami niyan.

"What if interested na siya sa'yo" ani Camille, ang random naman.

UNCRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon