Chapter 18: First Kiss
Kiel's POV
.
.
Hulaan niyo kung nasa'n ako....Nasa locker room ako ngayon ng basketball team. Ewan ko ba rito kay Zach, ang demanding niya sa buhay.
Nandito lang ako, naka-sitting pretty ehe! Hinihintay si Zach na matapos maligo.
Medyo uncomfortable nga eh, nandito rin kasi 'yung ibang teammates ni Zach. Iwas na iwas ba naman sa'kin, like bakit? May gagawin ba akong masama sa kanila?
Mga MALISYOSO!!
Tinatarayan ko na lang sila, okay fine may itsura sila kahit papano pero duhhh hindi ko sila bet 'no! Buti na lang andito si James, naiirita ako sa kaniya minsan pero at least hindi iba tingin niya sa'kin.
"James, may something ba sa inyo ni Camille?" tanong ko sa kaniya.
"Huh, a-ah wala naman, bakit mo natanong?" tugon niya.
"Wala lang, feel ko kasi may something sa inyo eh, baka may tinatago kayo sa'kin ah" saad ko.
"Oh don't be silly! walang something sa'min ni Camille" pagtanggi niya.
"Silly? 'di ba 'yan 'yung maanghang" ani ko.
"Huh?" James.
"Or 'yan 'yung artista, si SILLY-na Gomez" dagdag ko.
"What the—pfffttt HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" pagtawa niya.
Natawa na rin ako sa sarili kong joke HAHAHAHA, ang random kasi hahaha.
"That was funny, hahahahah. Sillyna Gomez HAHAHAHA" hindi pa rin siya maka-move on.
"You think that was funny? That was the worst joke I've ever heard" syempre alam niyo na kung sinetch itey, si Zach, na ngayon ay kakalabas ng shower room at nagpupunas ng buhok.
"Nyenye, hindi mo lang gets eh" sabi ko sa kaniya.
"Hayyy, bye bye muna Kielie, maliligo lang ako" paalam sa'kin ni James.
"Sige sige" sabi ko.
Tumingin naman ako ngayon kay Zach na nakatapis lang ng tuwalya. Bakit ang ganda ng katawan niya. So hot talaga, kung may panty lang ako baka nalaglag na.
Pero syempre hindi tayo papahalata nagagandahan tayo sa katawan niya, tarayan natin siya..
"What are you looking at?" Zach.
"Wala, mas maganda pala katawan ni Kyler kesa sa'yo" sabi ko sa kaniya.
"Oh really?" napangisi naman siya.
Lumapit siya at inilapit ang kaniyang katawan sa'kin. Iniwas ko na lang ang tingin ko.
Kinuha naman niya ang kamay ko at inilapat sa dibdib niya.
"ANO BA?!" singhal ko sa kaniya at binawi ang kamay ko.
Grabe ramdam kong nag-init ang mukha ko sa ginawa niya, ang lakas na rin ng tibok ng puso ko.
"Why?.. Don't you like it?" saad niya habang nakangisi pa rin. Yung mukha niya parang 'yung mga mukha ng nang-aakit sa pelikula.
"LUMAYO KA NGA SA'KIN!" sigaw ko sa kaniya at pilit siyang itinitulak pero sadyang mas malakas siya.
Mas inilapit niya 'yung mukha niya sa mukha ko mga ante!
"Why can't you look at me? Hindi ba ito ang gusto mo? Ngayon binibigay ko na sa'yo ng buo" lumalim 'yung boses niya, huhu bakit mo ba 'to ginagawa sa'kin Zach.
BINABASA MO ANG
UNCRUSH
Romance"UNCRUSH him? Walang problema. Pero bakit kung kailan ayaw ko na sa kaniya ay t'saka naman siya magpapapansin sa'kin. I hate him!" Kiel. "Whatever you say, I love you," Zach. ____________________ Witness their chaotic yet cute love story. Isang kwe...