Chapter 22: Linawin

41 3 8
                                    

Chapter 22: Linawin

Kiel's POV
.
.
"HE'S MINE"

Lumapit si Zach t'saka hinila 'yung kamay ko.

"Hey, what do you think you're doing?" sigaw sa kaniya ni Kyler.

"Zach, bitawan mo'ko" sabi ko sa kaniya.

"I don't want to, may gagawin pa tayo" sabi niya habang patuloy pa rin sa paghila sa'kin.

Nahabol naman kami ni Kyler at pinigilan si Zach.

"Let him go, he just won the quiz bee so we're going to celebrate. Stop being so full of yourself and stop thinking that everyone's entitled to you" seryosong sabi sa kaniya ni Kyler.

"Get out of the way, he's my personal assistant so it's his duty to do what I want him to do" sabi naman sa kaniya ni Zach.

Kinakabahan na ako, parang kunti na lang magsusuntukan sila.

"TUMIGIL NA NGA KAYO" bulyaw sa kanila ni Camille.

"Hayaan mo na sila Kyler"

"WHAT?!" Kyler.

"Oo, bukas na lang tayo mag-celebrate para mas maraming time. Hayaan mo na sila, mag-aaway pa kayo eh" saad ni Camille.

"Tsk! Let's go" sabi naman ni Zach at hinila na ako palayo.

Kita ko naman na pinipigilan pa rin ni Camille si Kyler. I'm sorry guys, hindi ko rin alam kung ba't ako pumayag na hilahin ng lalaking 'to.

Lumingon ulit ako sa kanila, nakita ako ni Camille tapos bigla akong kinindatan. Hala siya oh, gets ko na agad siya eh, eh 'di ba nga shipper niya kami ni Zach. Kaya pala hinila na lang si Kyler palayo.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin!?" singhal ko kay Zach.

"Sa langit" Zach.

"Haha nakakatawa"

Narinig ko naman 'yung hagikgik niya.
.
.
Dinala naman niya ako sa may kalsada sa likod ng school namin.

"Sakay na"

"Saan, wala namang sasakyan diyan"

"Ride on me, love" sabi niya na may makabuluhang ngisi.

"Sige, gawin kong gulong 'yang ulo mo" inis kong sabi, kunwari na lang hindi ko gets 'yung sinabi niya.

Nakita ko namang sumakay siya sa motorsiklo sa harap namin.

"Marunong ka magmaneho niyan?"

"Malamang, sasakay ba ako kung hindi" pagbara niya sa'kin.

Oo nga naman, may point siya....kaso nakakainis. Hay naku, sumakay na nga lang ako para wala na siyang kuda.

"Hawak ka" utos niya.

Humawak naman ako du'n sa bakal sa may likod ng motor.

"Sabi ko hawak ka" ulit niya.

"Okay na, nakahawak na ako" sabi ko.

"Tsk, bahala ka"

Bigla naman siyang umandar nang mabilis kaya bigla akong napahawak sa balikat niya. Bwiset talaga 'to kahit kailan eh.

Huminto naman siya sa may gilid.

"Huwag ka diyan humawak" sabi naman niya.

"Edi 'wag, napaka-arte mo naman"

UNCRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon