Chapter 14: High-quality Service

36 3 0
                                    

Chapter 14: High-quality Service

Kiel's POV
.
.
"PERSONAL ASSISTANT?! Parang sinabi mo na ring gagawin mo akong alipin" sabi ko na may halong pagtutol.

"Pay me right now or be my personal assistant, the choice is yours" Zach.

"Mukha bang may iba akong choice" sarcastic kong sagot.

Napa-smirk naman siya.

"Everything's settled then, one last thing, punta ka sa library mamayang lunch break" sabi pa niya.

"Anong na namang gagawin du'n" medyo naiinis na ako sa kaniya.

"Sumunod ka na lang" sagot niya.

"Whatever"

"Bye for now Mr. Personal Assistant" nakangisi niyang sabi t'saka umalis.

ARRRRGGHHH!! Nakakainis bakit ba ako pumayag sa kaniya, pero wala naman kasi akong choice huhu.

Naiiyak ako na naiinis talaga. Mga mayayaman nga naman, ginagamit nila ang kanilang pera para kontrolin ang mga taong mahihirap.

Ano pa bang bago, lalo na't nasa Pilipinas tayo. Hindi na bago ang mga gan'tong scenario.

Wala na, sira na ang araw ko. Ang aga-aga sinira agad ng Zach na 'yun ang araw ko.

Hayyy, tiis ka na lang Kiel malalagpasan mo rin ang pagsubok na 'to.
.
.
Bumalik na lang ulit ako sa faculty para humingi ulit ng ink.

Buti hindi nagalit si ma'am Ching at binigyan na lang ako ng bagong ink, mag-ingat na lang daw ako.

Ito ako ngayon, umaakyat ng hagdan na may dalang sama ng loob. Ano na naman kayang ganap ni Zach at pinapapunta ako sa library.

Bahala na 'to, sana talaga hindi niya ako pahirapan ng sobra. Ayaw na ayaw pa naman niya sa mga bading.

Pagdating ko sa room namin ay sinalubong agad ako ni Camille.

"Baks may problema ka?" nag-aalala niyang tanong sa'kin.

Ayokong ikwento sa kaniya 'yung nangyari at 'yung kasunduan namin ni Zach. Nahihiya ako, alam niyo parang pinagmukha talaga akong hampaslupa ni Zach. 'Yung dignidad ko ngayon nasa ground floor na sa sobrang baba.

"Wala akong problema 'te, puyat lang" pagdadahilan ko.

"Alagaan mo sarili mo baks, baka sa susunod katawan mo na sumuko" payo niya sa'kin.

"Osige, lapag ko lang 'to" inilapag ko na ang hawak ko sa teacher's table.

Pumunta na ako sa upuan ko, kinuha ko na lang ang librong nasa bag ko, na siyang binabasa ko kagabi.

Ayoko munang makipag-usap sa ibang tao ngayon, feel ko kasi basta na lang lalabas luha ko eh. Ewan ko ba, ngayon lang nag-process lahat sa utak ko. Ikaw ba namang gagawing personal assistant dahil lang sa hindi mo sinasadyang pangyayari.

"Hellaurr Kiel how are you?" si Janice.

"Janice, samahan mo muna ako sa C.R." rinig kong tawag ni Camille kay Janice.

Hayy thank you Camille, alam kong paraan niya lang 'yun para hayaan muna ako ni Janice. I LOVE YOU CAMILLE, kilalang-kilala na kasi niya ako.

Alam niya na kapag tahimik ako ay ayaw kong makipaghalubilo sa ibang tao. Salamat kay Lord at binigyan niya ako ng kaibigang nandiyan lagi para sa'kin.
.
.
.
Lunch break na namin ngayon, this is it pancit, panty mo may punit. Charizz

UNCRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon