CHAPTER 1

662 19 0
                                    


"Bakit ba ang hilig mong sumama riyan sa mga kaibigan mong tomboy!!!"

"Ano bang pinagsasasabi niyo ma! Sino bang tomboy!?"

"Those two girls that you've hanging around with! Akala mo hindi ko alam ang pakikisama mo sa kanila!? Lahat ng body guards mo iyon ang report sa akin!"

Napapa-roll eyes naman si Violet sa mga naririnig na salita mula sa nanay niya.

Si Violet Castro Anderson ay ang panganay na anak ng pangalawa sa pinakamayamang pamilya sa bansa, siya ang nakatalagang magmana at mamalakad ng kanilang mga ari-arian sa bansa at sa ibat-ibang bansa.

"But mom! Hindi po sila lesbians! You know Gail! She is the daughter of Chairman Veron! Hindi ka ba happy that I am having friends with her!? And Faith Hergens! My God! She's famous and her family is known to be great athletes sa bansa! Don't you even proud of me!?"

Maarteng sambit ni Violet sa kaniyang ina na napapahinto ngayon.

"So...those girls na inire-report sa akin ng mga bantay mo e anak ng Hergens at Veron!?"

Nanlalaking matang tanong ng nanay niya na biglang naging interesado sa mga narinig niya mula kay Violet.

"Yes mom! Sila ang mga kaibigan ko!"

"O-Okay...e hindi ko naman alam na sila! Ang akin lang you cannot be involved sa mga issues na naririnig ko!"

"Ano po ba kasi ang naririnig niyo!? Legit ba yan ma!?"

"Ewan ko!!! Ang point ko anak, hindi ka pwede madamay sa kanila dahil ikaw ang tagapagmana namin and you should be creating a good name! Ikaw ang tatalo ng spotlight ng Veron Enterprise! Tayo naman this time ang mangunguna!"

"I don't need to do that mom! I'm not going to fight Gail! She's been really nice to me kaya pwede ba mom! At isa pa kung totoo man na lesbians sila well I'm not! May prospect nga akong lalaki e!"

"Prospect!? Sino naman 'yan!?"

Tanong ng ina ay napalingon naman si Violet nang nakakaloko sa ina bago magsalita.

"Si Ericson Monteverde! Ang heartthrob namin sa university! Gosh! I will do anything for him mom!"

"Monteverde!? Hmmm...that sounds good, hindi naman masamang ma-involve sa kanila lalo ay mabango rin ang pangalan nila sa bansa...bueno, want me to help you get close with him then?"

Tuso at nakangiting tanong ng kaniyang ina na nagpangiti rin naman ng tuso kay Violet.

Kinabukasan ay simpleng damit lang ang suot ni Violet na papunta sa school na madalas ay nakasanayan niya naman, hindi siya lumaking nagsusuot ng mga masiyadong madigarbo dahil na rin sa pagpapalaking simple sa kaniya ng kaniyang ama ngunit hindi ang kaniyang ina na patuloy ang pag-udyok sa kaniyang mag-ayos ng damit.

Nang makababa ng kotseng naghahatid sa kaniya araw-araw ay agad na dumiretso siya tambayan nila ng kaniyang mga kaibigan.

"Here comes the muse!"

"Muse your ass!"

Sagot ni Violet kay Faith sabay simpleng tawa naman ni Gail na nakaupo in cross legs wearing a volleyball short and shirt at ganoon din si Faith.

"Ang pikon naman ng princess natin!"

Pang-aasar nanaman ni Faith sabay lapit ni Violet sa kaniya.

"Look closely! Mukha ba akong muse?"

"Oo, muse na hindi marunong manamit nang maayos!"

"Hoy! Hindi lang kasi ako maarteng kagaya niyo!"

"I'm not, yang si Faith!"

She's the Father!!!Where stories live. Discover now