CHAPTER 10

265 10 5
                                    

Mabilisang tulak ang nagawa ni Sarah kay Violet sabay pahid sa labi niya.

"What the hell!!! Damn!!! Bakit ka ba kasi nariyan sa ref!?"

"Ahmmm...ano kasi...nagugutom ako, para akong naglalaway e!"

"Then ask for food hindi yung para kang asong naghahalungkat diyan!"

Sambit ni Violet na nakapagpatigil kay Sarah.

"A-Aso? Wow! Sobra ka naman! Aso agad!? Alam mo ikaw, sumusobra na ang mga salita mo e! Hindi dahil ikaw ang may-ari ng bahay ay manggaganyan ka na!"

"Well yes! This is my house so I will say what I want!"

"Pero hindi ibigsabihin noon ay iinsultuhin mo na ang pagkatao ko!!!"

Mas galit na galit na sambit ni Sarah na nanlilisik ang mata na halos nakalapit at nakaangat pa ang mukha kay Violet na tila natitigilan bigla.

"U-Umalis ka nga harap ko...layo...!"

"O' bakit ngayon pinalalayo mo ako!?"

"Sabi nang lumayo ka e!"

Sambit ni Violet na halos itulak pa si Sarah nang biglang kumalam nanaman ang sikmura ni Sarah kaya naman napalingon itong muli sa pagkain pero dahil gusto niyang pigilan na lang ang sarili ay naglakad na lang siya palayo nang bigla siyang mapaupo sa sakit ng tiyan.

"Arrgghh...ang sakit..."

Sambit ni Sarah kaya naman napalapit si Violet sa kaniya.

"W-What is going on with you?"

Tanong ni Violet pero hindi naman siya sinagot ni Sarah kaya naman wala na siyang nagawa kung hindi hawakan ito at alalayan na makaupo sa cozy couch nito.

"Hindi ko alam kung ano bang—"

Naputol ang sinasabi ni Violet nang biglang tumunog ang tiyan ni Sarah, hudyat na talagang nagugutom ito.

"Wait...don't tell me, naglilihi ka na?"

Tanong ni Violet na nagpatingin naman kay Sarah sa kaniya ng makahulugan kaya na-gets niya na ito.

Ilang minuto lang ay nakaupo na lang si Violet na naka-cross arms pa na nakatingin kay Sarah na abala nang kumakain ngayon.

"So naglilihi ka na that's why you look for food? Gosh! You should have told me earlier para nakabili tayo ng food na gusto mo at hindi ka nang aabala ng taong natutulog!"

"Hindi ko naman alam na ganito na pala ako...hindi ko pa nga alam kung ano ba talaga ng gusto ko e..."

"What are your cravings then? Like kung ano ang hinahanap ng panlasa mo"

Sa sinabi ni Violet ay tila napaisip bigla si Sarah sabay salita nito.

"Hmmmm gusto ko nang maasim...pero parang gusto ko rin ng maanghang...at matamis!"

Sambit ni Sarah na nagpairap naman kay Violet sabay walang ano-anong tumayo papaakyat sa hagdan.

"A-Akyat ka na?"

"Bakit bawal ba!?"

"Hindi naman...ahmmm sige na, sorry ulit ah at thank you nga pala sa pagkain..."

Sambit ni Sarah kay Violet na parang wala lang na nilagpasan siya pero bago pa ito makaakyat ay biglang nagsalita ito.

"I will be on half day tomorrow para mag-grocery tayo with the food you need!"

Sambit ni Violet sabay alis nito at naiwan naman na natitigilan si Sarah dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

She's the Father!!!Where stories live. Discover now