CHAPTER 2

226 12 0
                                    

TWELVE YEARS LATER

"Hello ma'am, ano po ang order nila?"

"Ano ba ang best seller niyo rito?"

"Bali, choco java chip po, white mocha latte at spanish latte po"

"Really? Best seller pero ganoon karami? Sana dinictate mo na lang lahat ng nasa board!"

"Tatlo lang naman ang binanggit ko ma'am hindi naman lahat"

"Oh, pati ikaw may attitude ha!?"

"Hindi naman po, pero depende po sa kausap"

"So ganon na nga, you are disrespecting me"

"I am not ma'am, sinasabi ko lang ang dapat kong sabihin"

Sambit ng cashier kay Violet na napapataas na rin ang kilay sabay seryosong inilapit ang mukha niya sa babaeng cashier para pagbantaan ito.

"Don't you know na kaya kitang ipasisante sa trabaho mo!?"

Seryoso at taas kilay na sambit ni Violet nang lumapit din ang cashier at halos magdikit ang ilong nila na ikinalakas ng kabog ng dib-dib ni Violet seeing the cashier's cute face ng malapitan.

"Wala akong pakialam, sanay akong maghanap ng kahit anong trabaho kaya go ahead!"

Balik na sambit ng cashier na malapit na ang mukha kay Violet na natitigilan bigla, halos lumundag ang dib-dib niya sa posisyon nila nang bigla niyang ilayo ang mukha niya.

Napapairap na lang na bumalik sa upuan si Violet with her two best friends na matagal-tagal niyang hindi kinausap.

Naging seryoso na ang usapan nilang tatlong magkakaibigan hanggang magpaalam na si Faith na sinundan naman ni Violet na mauuna nang umalis dahil sa mga iba pang errands nila as Violet has a work to finish pero bago makalabas si Violet ay napabaling siya nang tingin sa babaeng cashier na ngayon ay tumatawa kausap ang asawa ng kaibigang si Gail sa counter.

"So...hindi ka kagaya sa amin right?"

Biglang tanong ni Faith na napansin ang malamlam na tingin ni Violet sa babaeng cashier.

"Certainly! Hinding-hindi ako kagaya niyo eeew!!!"

"Naninigurado lang! Well, her name is Sarah she is Marian's new found close friend"

"Hindi ko tinatanong!"

"Ah...akala ko kasi gusto mong malaman e!"

"Ewan ko sa'yo! Pwede ba, kahit anong gawin niyo ni Gail ay hindi niyo ako magagaya sa inyo! Makaalis na nga!"

Mataray na sambit ni Violet sabay sakay sa kaniyang nakaparadang sport's car.

CAAN ENTERPRISE BUILDING

"Lorna!!! Lorna!!!"

Malakas na sigaw ni Violet calling her secretary na nahihintakutang pumasok ng opisina niya.

"M-Ma'am?"

"Ikaw na tonta ka, bakit ba ang tagal mo!? Humina na rin ba 'yang pandinig mo kasabay ng utak mo!?"

Galit na galit na sambit ni Violet sa sekretarya na hindi naman na sumagot ngayon.

"S-Sorry po ma'am, tinatapos ko lang po ang inutos niyo sa akin kanina—"

"—what!? Hindi pa tapos 'yon? Halos magtatatlong oras na mula nang inutos ko 'yon e hindi mo pa rin tapos? Ang boba mo talaga!!! Umalis ka na nga lang sa harap ko!!!"

Inis na inis na sambit ni Violet sabay sandal sa kaniyang swivel chair at napapikit nang tumawag bigla ang isa sa mga kaibigang modelo.

"Hey girl! Ano, join ka sa amin mamaya?"

She's the Father!!!Where stories live. Discover now