CHAPTER 4

190 9 1
                                    

Napasandal si Violet sa haligi ng toilet cubicle para ayusin ang kaniyang sarili, hindi niya rin maintindihan kung bakit nawawalan siya nang control sa sarili lalo sa pakikipagtalik sa babae.

Agad niyang inaayos ang kaniyang dress na suot nang may marinig siyang kalampog sa banyo na tila mayroon kung sinong lumabas bigla mula sa loob.

Dahil may tama pa nang alak ay hindi niya masiyadong mabantayan ang kilos niya, napapaupo pa siya sa bowl sabay bumuntong hininga at sinubukang kalmahin ang sarili, napasandal ang ulo niya sa haligi ng banyo at tila nakaidlip nang bahagya.

"Isang linggo...mawawala ang parusa pero kung hindi mo mahingi ang kapatawaran ng taong inapi mo...panibagong parusa ang babalik sa'yo..."

Halos magulantang si Violet sa boses na narinig niya sa kaniyang panaginip.

"What the hell? One week? Is that it?"

Bulyaw ni Violet sa loob nang banyo na halos mahimasmasan na kaya naman nagmadali na rin siyang lumabas at umuwi.

Dumaloy pa ang isang linggo pero hindi naman nag-atubiling hanapin ni Violet ang matandang Janitor at mas piniling mag-party at ipagpatuloy ang nakasanayan niyang buhay lalo pa at sa ika isang linggo ay tuluyang nagbalik ang kanormalan ng kaniyang katawan.

Nawala ang panglalaking ari na tumubo sa kaniya kaya naman ganoon na lang ang tuwang nararamdaman niya.

"Dang! Finally!!! Akala ng matandang iyon! Hindi na sa akin uubra ang mga ganung paru-parusa!!! Walang makakapagpabago ng buhay ko!!!"

Masayang sambit ni Violet sabay asikaso na papasok ng kaniyang kumpaniya at this time wearing her usual attire na fitted jeans and sexy halter top with blazer.

Nagpaayos din siya ng buhok dahil feeling niya tapos na ang dilubyo niya at walang ano-anong pumanhik sa kaniyang opisina.

Isang mabilisang kain ang ginawa ni Sarah para makapasok na nang trabaho nang magsalita ang madrasta niya.

"Ikaw! Anong plano mo!? Magbabayaran na nang upa! Wala ka bang balak magbayad sa akin!?"

"Tita...wala pa naman po akong sahod e! Hindi bali ho, once makasahod ay ibibigay ko naman po agad sa inyo"

"Aba dapat lang! Tandaan mo! Kung hindi dahil sa akin e wala kayong matitirahan ng sakitin mong ina! 'Yang kakapalan ng nanay mong awayin ako kasi kabit ako ng tatay mo e ano na ngayon!? Sa akin din pala kayo makikitira!!!"

Halos napapakuyom ng kamao si Sarah sa naririnig sa kaniyan madrasta lalo ang pang-iinsulto nito sa nanay niyang nasa kwarto niya at nakaratay, tanging ang kapatid niyang lalaki ang tumitingin na lang dito.

"Basta po tita once magkapera po ako..."

Halos matigilan si Sarah sa pagpapaliwanag nang makaramdam ng kakaibang kulo ng tiyan niya at pagbigat ng ulo niya.

Agad siyang napatakbo sa lababo para sumuka sa hindi niya malaman na kadahilanan.

Napapatingin naman sa kaniya ang kaniyang madrasta na hindi naman niya pinansin sabay amoy ng pagkaing kinain niya.

"Hoy! Hindi sira ang ulam na 'yan! Baka ikaw ang may problema!!!"

Sa sinabi ng madrasta niya ay tila natigilan siya nang bahagya.

"Diyos ko Sarah! Huwag mong sabihing buntis ka!? Wala na nga kayong pera e lumandi ka pa talaga ah!!!"

"B-Buntis!? Paano naman ako mabubuntis e wala naman ho akong..."

Natitigilan siya sa pagsasalita nang maalala niya ang ganap sa kaniya noong isang linggo, alam niya sa sarili niyang dalawang beses siyang nakipagtalik at sa iisang taong hindi niya rin maintindihan kung sino.

She's the Father!!!Where stories live. Discover now