CHAPTER 11

167 5 0
                                    

"Huy! Natutulala ka nanaman riyan! Okay ka lang ba?"

Bati ni Marian kay Sarah na napapabuntong hininga lang na mag-isa.

"E' kasi...hays! Hindi ko maintindihan bakit hindi ko matanggihan ang bruhang Violet na 'yan e!"

"Bakit, ano bang pinagawa sa'yo ha?"

Sa tanong ni Marian ay natigilan naman si Sarah dahil sa isang masin-sinang kasunduan nila Violet na biglang pumasok sa isip niya.

FLASHBACK

Pabagsak na humiga si Sarah sa kutson niya nang makapasok sa loob ng kwarto niya matapos ang pangyayari sa kanila ni Violet na hindi niya inasahan.

"Kainis!!! Bakit ba hinayaan kong may mangyari nanaman!!! Ang tanga mo talaga self! Ano na lang ang sasabihin nila Marian at Gail!? Diyos ko! Tapos ito pang sitwasyon ni Vi! Hay nako! Sino ba ang makakatanggi sa pera na offer niya!? Tang ina naman!"

Bulyaw ni Sarah habang nagpapaikot-ikot sa higaan niya hanggang sa hindi niya na namalayang nakatulog na pala siya.

Halos gulo-gulo pa ang buhok nang bigla siyang mapabangon dahil sa malakas na katok sa pinto niya.

"Sandali!!!"

Malakas naman na sigaw niya sabay halos gegewang-gewang pa na tumayo at binuksan ang pinto at hihikab pa sana nang mahinto siya at tila mabilaukan dahil sa biglang paglunok ng hikab niya seeing Violet sa pinto.

Seryosong nakatingin lang ito sa kaniya sabay lingon sa relo niya at nagsalita.

"You know what time it is?!"

"O' e bakit naman? Ewan ko, tumayo ako agad kasi ang lakas ng katok mo kaya hindi ko na nakita ang oras!"

"My god! It is almost 8am now! You should be waking up 6am dapat!"

"Ha!? B-Bakit naman ako gigising ng ganoon kaaga!?"

Tanong ni Sarah na nagpa-cross arms naman kay Violet sabay titig at taas kilay sa kaniya.

"Wow! Ano ba sa palagay mo ang purpose ng pagpayag kong tumira ka rito!? Para maging donya? Para magpakasarap!? Gosh!"

"E' hindi naman sa ganun pero...wala ka naman nabanggit kasi nakaraan kung ano pa ba ang obligasyon ko rito bukod sa responsibilidad mo bilang tatay ng bata sa tiyan ko!"

Sambit ni Sarah sabay mapilantik na irap naman ni Violet sa kaniya bago ito magsalita.

"Well, you're here to be my Friday...no! Actually to be my servant here! I will provide you with anything you want, para riyan sa bata and all but then you will do the cleaning here, cooking for me specially breakfast ko at lalo na ang dinner if maaga akong makakauwi!"

"Ha!? So katulong mo pala ako rito!?"

"Why? Ano pa ba? So you really expect that you will live here bilang donya? Wow! Nakakatawa ka naman pala! Hala! Sige na! Cook me some breakfast at need ko na makaalis papuntang office and nga pala, saka ka na magsimula once mapasa mo ang documents mo so for now, bahala ka na muna sa buhay mo kung anong gagawin mo and oh! 5pm sharp magkita tayo sa supermarket para mag-grocery!"

Maarteng sambit ni Violet sabay alis nito sa harap ni Sarah na halos hindi makapaniwala sa mga narinig niya kaya naman agad na padabog niyang sinundan ito.

"Sandali! May sasabihin pa ako!"

Sigaw ni Sarah sa hagdan na nagpahinto kay Violet.

"Bakit hindi mo 'yan klinaro kanila Marian at Gail ha!?"

"At bakit? Magsusumbong ka sa kanila? Go ahead! Kasi pagtinopak ako, e palalayasin kita rito!"

"So wala kang pakialam sa anak mo ganon!?"

She's the Father!!!Where stories live. Discover now