Isang malalim na buntong hininga ang tanging nagawa ni Sarah nang umupo siya sa kama niyang ngayon niya lang naranasan na magkaroon.
Iyong reaction na halos hindi makapaniwala ay unti-unting napapalitan ng ngiti sabay ang naluluhang mata.
"Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman...siguro nga hindi ako pwede mag-expect sa kaniya...pero kailangan ko magpasalamat...hmmmmm sob*sob* hmmmm...ngayon ko lang naranasan ito...ang ganitong kagandang higaan..."
Sambit ni Sarah habang napapahaplos sa higaan niya sabay pahid ng luha niya.
Napapasandal naman si Violet nang matapos ang meeting niya with her new client sabay pagtawag sa kaniyang sekretarya.
"Lorna! Lorna!!!"
Malakas na pagtawag niya na halos magkandarapang pumasok ang sekretarya niya.
"Y-Yes ma'am?"
"Have you sent her home ng maayos?"
"Yes po ma'am hanggang doon mismo sa bahay niyo tapos ano—"
"—ano? May sinabi ba siya?"
"Opo, hinahanap ka niya po e, ang sabi ko po medyo busy po kayo dahil sa meetings niyo po"
Sambit ng sekretarya sabay pagpapalabas sa kaniya ni Violet na napasandal lang ulit.
Isang malalim na buntong hininga na lang ang tanging nagawa niya habang iniisip pa rin ang kalagayan niya ngayon at kinasangkutan niyang sitawasyon.
"Lintik na matanda kasi 'yon! Kung hindi dahil sa kaniya ay hindi naman mangyayari ito sa akin!!!"
Napapairap na sambit ni Violet nang biglang mag-ring ang cellphone niya.
"What?"
Tanong niya sa kabilang linya.
"Anong what? Tara na at mag-party! Same time same place!"
Pagyaya ng kaibigan niya sa kabilang linya na nagpangiti naman sa kaniya sabay smirk.
Dahil sa tuwang nararamdaman ay naisip ni Sarah na magluto ng dinner para sa pagdating ni Violet ay mayroon siyang maialok rito bilang pasasalamat kaya naman agad siyang nag-asikaso at sinimulan lutuin ang kung anong meron sa loob ng ref ni Violet na nakapagpabuntong hininga sa kaniya dahil halos mga process food ang meron dito.
Agad na nagpalit ng damit si Sarah upang mamalengke sa malapit na pamilihan hawak ang kaniyang eco bag na paglalagyan ay agad siyang naglakad palabas at nilagpasan ang isang magandang kotse na nakaparada at nakatanaw ang isang may edad pero magandang babae sa loob.
"And who's that girl? Bakit may babae sa bahay ni Violet!?"
Nagtatakang tanong ng babae sa kaniyang sarili at maya-maya pa ay umalis na rin ito na napapairap pa.
Napapangiti naman si Sarah dahil sa palengke na napuntahan niya, halos lahat ay naroon at makikita na malinis ang lugar.
"Iba talaga ang lugar ng mayayaman ah! Pati ang palengke e yayamanindin!"
Sambit niya habang napapaikot pa ang mata sabay tanong ng mga presyo ng bilihin nang mapalakas ang boses niya.
"Ho!? Itong dalawang karots e one hundred fifty!? May ginto po ba sa loob nito!?"
Nanlalaking matang tanong ni Saraha habang hawak ang karots, sabay lingon sa talong na halos triple rin ang presyo kaya naman napapapikit na lang siya habang nawiwindang sa mga bilihin sa harap niya.
"Diyos ko! Akala ko ang lugar lang ang yamanin pati ang bilihin e yamanin din! May mga ginto yata ang pinagtaniman ng mga ito nakakaloka!!!"
Sambit ni Sarah na napapailing na lang sabay buklat ng wallet niya na isang libo lang ang laman.
YOU ARE READING
She's the Father!!!
OverigSi Violet Castro Anderson na kilala bilang sikat at magaling na business woman, pumapangalawa sa kaniyang matalik na kaibigan na pinakamayamang babae sa bansa na nagmamay-ari ng maraming kumpaniya at kilala rin sa kagaspangan ng kaniyang ugali. Wala...