CHAPTER 8: DODGE BALL
It feels like parang ayaw ko ng pumasok. Mia and I had a misunderstanding kahapon and till now di pa rin kami nakakapag-usap ng maayos. Sumasakit na ang ulo ko dagdag mo pa si Zack. Hindi ko nga alam kung itutuloy ko pa ang pagtuturo sa kanya. Halos ilang lesson nalang din naman na yung di niya na-catch up.
I heard the ringtone of my phone. Agad kong kinuha iyon at tiningnan. Andi's Message popped up on my screen. I opened the message.
From: Andi
Good Morning Sophie! Can we have a minute? I'm here at the lounge. I will wait for you there.
Matapos basahin Ang text message niya agad akong nag-ayos para babain siya s lounge. May mga tanong din ako na gusto Kong tanungin sa kanya including my tutor schedule.
Its quarter to 6 in the morning, maybe I couldn't attend the first sub. It's okay. Kailangan ko munang pag-isipan Yung mga nangyari kahapon Lalo na at iisang section lang kaming tatlo include mo na si Zack which is I don't know kung papasok pa ba Siya or titigil na Naman.
Pagkababa ko sa lounge, she was sitting there. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Kumusta?". Bungad niyang sabi.
"Uhmm.. okay lang". Sagot ko. Which is totally not.
"Nagulat ka ba? Panigurado akong oo".
"Sobra. Hindi ko nga alam kung bakit siya biglang pumasok, May nangyari ba?". I asked. Kahit din Kasi ako di ko alam, gaya nga ng Sabi ko sa kanya kahapon Hindi Namin Ganon Kilala Ang isa't-Isa it's just like a teacher-student set up.
Umiling Siya. "Wala naman. Nagulat nga rin ako dahil halos sabay kaming umalis ng Bahay kahapon pero kung ano man ang dahilan Niya nagpapasalamat pa rin ako kasi he's trying na". For the first time in my eyes. I saw her smile. A genuine smile na Minsan mo lang makikita sa kanya. She love her brother so much.
He's trying
Eh ako? Did Mia see me like that?
"Matanong ko lang Andi". I said sabay harap Niya sa akin. "Yung tungkol sa pagtutor ko sa kanya, ipagpatuloy ko pa ba?".
"Actually Hindi ko alam, siguro tapusin mo nalang Yung remaining days. Ako na rin Kasi ang nagtuturo sa kanya ng mga missed lesson Niya sa ABM strand". She explained.
Mas mabuti nga sigurong tapusin ko nalang, naumpisahan ko na eh. I feel better for him na at least somehow pumapasok na siya.
"Bakit mo nga pala ko gusto maka-usap?". I open up.
"Hindi siya umuwi sa bahay". Sagot nito na nagpanganga sa akin.
What? Saan Naman kaya pumunta Yun? Anong nasa isip non?
"Ha? Hindi umuwi?". Ulit ko na siyang ikinatango niya.
"Siguro nasa school dormitory siya. I don't know what his room number. Pwede bang isabay mo na siya mamaya?".
Magtataka na sana ako pero naalala ko na Hindi nga Pala na-cancel ung schedule ko para sa kanya mamaya after ng PE. So it means,
"Ah, Walang problema". Huli Kong Sabi bago bumalik sa dorm namin.
Ano ba tong napasok ko? Gusto ko lang namang matulungan Sila auntie para sa gastusin pero mukhang mas lalo akong nahihirapan. Paano na Naman ako nito?
Hindi pa kami nagkaka-ayos ni Mia, tapos Yung taong Kilala pa sa school namin parang ako lang ata ang Kilala sa room the worst is. Anong gagawin ko?
Dumeretso na agad ako sa room matapos kong hintayin magsecond sub. Pagkapasok na pagkapasok ko unang hinanap agad ng mata ko si Mia. Nagkatinginan Muna kaming dalawa Bago ako tuluyang nakapasok. Pansin ko ding Wala si Zack Dito.
YOU ARE READING
Hindrance Of Past
RomanceAlthough Sophie Valdez desired a typical existence with financial stability, a pleasant home life, and a happy family, reality turned out to be bitter for her. What she had previously believed would happen hasn't come to pass; her terrible past stil...